25/05/2026
Minsan, ikaw na ang sugatan… ikaw pa ang ginagamit para magpagaling ng iba.
Bakit ka mananalangin para sa iba kung ikaw mismo may dinadala?
Bakit ka magseserve kung pagod ka na?
Bakit ka magdi-disciple kung tinatakbuhan ka na?
At bakit ka susunod sa Diyos—kahit pakiramdam mo ikaw ang lugi?
Hindi ito parusa. Hindi ka kinakalimutan ng Diyos.
Ang totoo—alam Niya. Kita Niya. At lalo ka Niyang pinagkakatiwalaan.
“Hindi lingid sa Kanya ang inyong gawa at pag-ibig…” (Hebrews 6:10)
Habang umiiyak ka, may inaabot kang iba.
Habang sugatan ka, may binubuo ang Diyos sa’yo.
Habang ubos ka na, doon Niya pinapakita na Siya ang lakas mo.
Hindi kabawasan ang pagsunod—ito ang patunay ng tunay na pananampalataya.
Hindi ka nawawalan—iniipon ng Diyos ang bawat sakripisyo mo.
At sa tamang panahon, ang mga luha mo—magiging ani.
Ang sakit mo—magiging patotoo.
At ang pagsunod mo—magiging daan ng himala.
Panalangin:
Ama, salamat dahil nakikita Mo ang bawat pagod at sakit. Yakapin Mo ang pusong sugatan. Pagalingin Mo ang pagod na kaluluwa. Bigyan Mo ng lakas, karunungan, at apoy ang Iyong lingkod—na patuloy Kang sundin kahit mahirap. Protektahan Mo siya, gabayan Mo, at punuin ng Iyong presensya. Sa kabila ng lahat, gawin Mo siyang daluyan ng Iyong pag-ibig. Sa pangalan ni Jesus, Amen.