14/10/2025
Natapos na po ang programa ng DOLE-TUPAD sa 37 Barangays ng Pinamalayan, Oriental Mindoro na may kabuuang 2,111 na benepisyaryo.
Labinlimang (15) araw ng pagsasama-sama, pagtutulungan, at pagtatrabaho — paglilinis ng kapaligiran, pagtanggal ng mga bara sa kanal, pagputol ng mga sanga ng kahoy na nakaharang sa daan at poste ng kuryente, pag-gamas ng damo, at pagtatapon ng basura. Lahat ay ginawa para sa ikagaganda at ikalilinis ng ating paligid. 🌿💪
Ibang klase ang nabuo nating samahan — mula bukang-liwayway hanggang tirik na ang araw ay patuloy pa rin sa pagtratrabaho. May tawanan, biruan, chismisan, iyakan, at maging mga sandali ng katahimikan dahil na rin sa pagod.
Isang samahang hindi malilimutan — dahil minsan, sa tulong ng programa ng gobyerno na naipababa ng inyong lingkod, ay naging daan ito upang magsama-sama tayo sa iisang layunin: ANG MAGLINGKOD SA BAYAN🇵🇭❤️
Walang hanggang pasasalamat po sa inyong lahat mga Ka C3.
Sa muli nating pagsasama — MAHAL KO KAYO. ❤️💙💛
C3 CARES