Sir. Vinz

Sir. Vinz you can do everything but not anything. enjoy life and live simply.

Permanently closed.
30/01/2025

Para tumagal angbinyong pagsasama laging isangguni sa Diyos ang lahat ng mga plano at balakin nyo ng magkasama.

Nakakalungkot na reyalidad sa buhay..Kapag buhay kapa kakain ka ng simple lang.. minsan masarap, minsan naman hindi.Pero...
30/01/2025

Nakakalungkot na reyalidad sa buhay..

Kapag buhay kapa kakain ka ng simple lang.. minsan masarap, minsan naman hindi.
Pero pag patay kana nagagawa kang ipagluto ng masasarap na pagkain kasi wala kana.

Kapag buhay kapa kailangan mo ng tulong pero walang magbibigay sayo. kasi daw walang maitutulong sayo kasi walang pera.
Pero kapag patay kana ang daming tutulong sayo.minsan pa nga mangutang lang para makapag abuloy lang kasi nakakahiya kapag walang maibigay.

kapag buhay kapa hindi ka maalala ng pamilya mo.
Pero kapag patay kana kumpleto lahat sila parang reunion pa, nagsama sama at ginawa pang pagkakataon para magsaya.

Kapag buhay kapa walang magbibigay ng bulaklak sayo.Pero kapag patay kana bibilhan ka kahit mamahalin pa.

Kapag buhay kapa hindi hihingi ng tawad sayo
Pero kapag patay kana iiyak sayo at hihingi ng tawad.

Kapag buhay kapa hindi nila nakikita ang iyong halaga at magagandang ginagawa mo.pero kapag patay kana ..Sasabihin nila sayang mabait, masipag at matulungin pa naman ang taong yan.

In short, mahal kalang ng tao kapag wala kana. Makikita lang ang halaga mo kapag patay kana. Yan ang katotohanan. Ang reyalidad ng buhay.
😔😔😔



When baboons and monkeys heard that the farmer who used to chase them from the maize field had died, they celebrated wit...
04/01/2025

When baboons and monkeys heard that the farmer who used to chase them from the maize field had died, they celebrated with joy.

But the next year, there was no maize at all. That’s when they painfully realized the farmer they thought was their enemy was actually the farmer who grew their food.

People may not understand the value of your actions today, but they will recognize your importance when you are no longer around!

Sino Gusto magpasabay ng Pag go grocery?😃😃😃Amin mo binasa mo isa-isa noh?
01/06/2024

Sino Gusto magpasabay ng Pag go grocery?😃😃😃
Amin mo binasa mo isa-isa noh?

Ang sarap nito promise.Ikaw na try mo na din ba itong ulam mas masarap kung may bagoong😃
01/06/2024

Ang sarap nito promise.
Ikaw na try mo na din ba itong ulam mas masarap kung may bagoong😃

Kwento ng Nilagang BatoIsang mahirap sa baryo ang namalimos.  Kilala siya ng mga tao sa barangay, siya ay tunay na mahir...
01/12/2023

Kwento ng Nilagang Bato

Isang mahirap sa baryo ang namalimos. Kilala siya ng mga tao sa barangay, siya ay tunay na mahirap at hindi naman talagang tamad. Siya ay may kapansanan at hindi makapagtrabaho.

Isang araw, ang taong ito ay nanghingi ng pagkain, ngunit walang nagbigay sa kanya ng tulong.

Napansin ng mga kapitbahay na kumuha ng bato ang pobre at pinakuluan niya ang mga bato.

Dahil dito, isang kapitbahay ang nagtungo sa pobre at naglagay ito ng ilang pirasong karne ng baboy sa kumukulong tubig. Ilang sandali pa, isang mama ang nagdala ng ilang pirasong gabi, at sinundan ito ng isang nagdala ng pang-asim, at kangkong at puso ng saging, ng ilang pirasong kamatis, sitaw at patis. May nagbigay din ng bigas at ilang pirasong saging.

Bandang huli, ang pinakuluhang bato ay naging masarap na sinigang!

Sa oras ng pangangailangan ng iba, minsan ang isang hakbang ng pagtulong ay nasusundan ng maraming gawa ng kabutihan. Ito ay patunay na sadyang may mga taong may mabuting kalooban na hindi nagsasawang tumulong sa iba.

"May mga totoong kwento at positibong pangyayari na hindi nagiging totoo lalo na kapag maling tao ang nagkwento"
30/11/2023

"May mga totoong kwento at positibong pangyayari na hindi nagiging totoo lalo na kapag maling tao ang nagkwento"

30/11/2023

‘If your phone doesn’t ring when you’re struggling, remember to not pick up the calls when you’re winning.’

LESSON LESSON  FOR TODAY:HANAPIN MO ANG DIOS  HABANG MALAKAS KA PA! Deuteronomio 32:39“‘Alamin ninyong ako ang Diyos—Oo,...
15/11/2023

LESSON LESSON FOR TODAY:HANAPIN MO ANG DIOS HABANG MALAKAS KA PA!
Deuteronomio 32:39“‘Alamin ninyong ako ang Diyos—Oo, ako lamang.
Maliban sa akin ay wala nang iba pa.
Ako'y pumapatay at nagbibigay-buhay,
ako'y sumusugat at nagpapagaling din naman.
Wala nang makakapigil, anuman ang aking gawin.
Cttro

NAIYAK AKO SOBRA!!💔😭🙏"KWENTO NG ISANG MAGULANG"KWENTONG PUNONG-PUNO NG ARALBASAHIN:Huwebes ng hapon noon, galing ako sa ...
01/11/2023

NAIYAK AKO SOBRA!!💔😭🙏
"KWENTO NG ISANG MAGULANG"
KWENTONG PUNONG-PUNO NG ARAL
BASAHIN:
Huwebes ng hapon noon, galing ako sa isang birthday party… pagkatapos tumunga ng dalawang bote ng beer ay nagpaalam na ako…. mukha kasing uulan, ayokong maabutan ng ulan sa daan. Anak ng pitong kamalasan, tumirik ang kotse ko sa daan… no choice kailangan kong bumaba para ayusin ang makina. Sobrang malas talaga at naiwan ko ang gamit ko, nag uumpisa ng pumatak ang ulan… kung bakit kasi hindi agad sinauli ng kumpare ko na nanghiram ang mga gamit ko sa pag-aayos ng kotse. May natanaw akong isang bahay, nagbakasakali akong tumawag… lumabas ang isang matandang lalaki, siguro mga 70 yrs old na…

“ Magandang hapon po ‘tay, nasiraan po kasi ako eh, di ko po nadala ang gamit ko baka po may lyabe kayo ay pliers jan?” ngumiti sya sa akin, maya maya at bumalik at may bitbit na bag at dalawang payong, iniabot sa akin. Sumama pa sya sa akin sa aking kotse… malaki ang deperensya, mukhang tinamaan nga ako ng napakalaking malas. Inaya ako ng matandang magkape muna sa kanila, medyo malamig nga at basa na rin ako ng ulan kaya sumama ako.

Pagpasok namin ng bahay ay nakita ko na hindi maayos iyon… sabi nya pasensya na daw ako kasi nag-iisa sya. Roman daw ang pangalan nya, dating dyipney driver. Umupo ako sa sala, maalikabok yun… pumunta sa kusina ang matanda siguro magtitimpla ng kape, ayoko na sana kasi iika-ika na sya, hindi na masyadong makalakad pero mapilit si mang Roman. Nakita ko sa dingding ang mga nakakwadrong larawan… siguro family picture nila yun, sa ibaba ay picture ng lalaking nakatoga katabi nito ang isang kwadro rin ng babaeng nakatoga din… siguro mga anak nya. Malinis ang mga kwadro, halatang kapupunas pa lang at parang ayaw maalikabukan man lang.

Tama ako, sabi ni mang Roman anak nga daw nya yun. Inilapag nya ang kape, mejo hindi malinis yung mug pero nakakahiya naman kung tatangihan ko at isa pa nilalamig na rin ako at malakas ang ulan, gusto ko ring mainitan ang sikmura.

“ kung gusto mo anak… ano nga ba uli pangalan mo? “ tanong nya sa akin, “ Jun po”, sagot ko naman. “ kung gusto mo Jun eh sayo na lang yang mga gamit ko, wala na rin namang gagamit nyan dito… gamit ko dati yan ng driver pa ako ng dyip pero mahina na ako ngayon Jun, di ko na kaya na magdrive pa uli.”

“ naku wag na po, meron po ako nasa hiraman nga lang kaya di ko nadala, asan po mga anak nyo?” tanong ko

“ Si Danny, Engineer ko yan… may pagmamalaking itinuro ang litrato sa ding-ding… nasa Saudi na ngayon, yan naman babae sa litrato si Juvie yan… nakapag asawa ng taga Davao at doon na nanirahan… yun naman asawa ko limang taon na akong iniwan, nag-iisa na lang ako dito eh… kahit nga mahirap kinakaya ko. Itong bahay na ito kasi ang kaisa-isang ala-ala ko ng aking pamilya, dito ko binuhay ang asawa ko at ang dalawa kong anak. Pinagbili ko na rin yung jeep ko, okay na naman napatapos ko na ang dalawa kong anak at may maganda na silang trabaho, may sarili na rin silang pamilya at bahay, maayos na ang buhay nila”.

“ Hindi po ba sila dumadalaw dito, I mean po… sino pong tumitingin sa iyo dito, mahirap po ang mag-isa lalo na at may edad na kayo?”

“ isang taon na siguro na walang dumadalaw sa akin dito, minsan tumatawag naman sila sa telepono… kahit nga di ko masyado ginagamit yang telepono eh ayaw ko ipaputol ang linya, araw-araw naghihintay ako sa tawag nila… yung kahit boses lang nila masaya na ako, basta maramdaman ko lang na naaalala nila ako. Mababait naman ang mga anak ko, buwan-buwan may natatangap akong pera sa bangko, pero di ko naman ginagalaw… pag-namatay ako kasama yun sa ipapamana ko sa mga apo ko. Yung kapitbahay jan sa kabila, tuwing umaga binibisita nila ako at dinadalhan ng pagkain, nagbibigay na lang ako sa kanila ng konting pera pamalengke”.

“Hindi po ba kayo nahihirapan?”

“ mahirap iho, lalo na pagnakakaramdam ako ng pananakit ng katawan… pero siguro ito ang buhay ko, pag may nasakit sa akin iniisip ko na lang na bunga ito ng walang tigil kong pagtratrabaho noon upang mapatapos ko ang mga anak ko tapos mawawala na ang sakit. Yung ala-ala ng masayang buhay namin noon ang gumagamot sa akin, sana nga lang minsan maalala naman nila akong dalawin dito, gustong-gusto ko na rin silang makita lalo na ang mga apo ko. Masarap siguro yung mga araw na kasama ko sila dito, alam mo ba si pareng kanor jan sa kabila, hindi nya napag-aral ang mga anak nya kaya hanggang ngayon sa kanya pa rin nakatira… kaya lagi nyang kasama yung mga anak nya at mga apo…. Mahirap yung buhay nila, minsan walang trabaho ang mga anak nya… yun ang ayaw kong mangyari sa mga anak ko, gusto ko maayos ang buhay nila… pero alam mo, Masaya si pareng kanor, lagi ko syang naririnig na tumatawa kalaro ang mga apo nya… minsan naiingit ako, iniisip ko na lang na mas masaya ang mga apo ko sa buhay nila ngayon”.

“ paano po pag may sakit kayo, sino po ang tumitingin sa inyo?”

“ kapitbahay jun, sa kanila na rin ako nagpapabili ng gamot… sapanahon na may sakit ako doon ako nakakaisip ng matinding depresyon at pangungulila, sa totoo lang ay nagtatampo ako sa mga anak ko, pagkatapos ko silang mahalin at bigyan ng magandang buhay ay hindi na nila ako naalala na dalawin dito… kahit dalaw lang o tawag sa telepono, yung marinig ko lang na…. o tatay buhay ka pa ba? masaya na ako nun… pero iniisip ko rin na responsibilidad ko na bigyan sila ng magandang buhay at papagtapusin ng pag-aaral at responsibilidad ko rin na maging mabuting ama sa kanila… alam ko hindi na magtatagal at magkakasama na rin kami ng asawa ko, hiling ko lang na sana bago mangyari yun ay makasama ko ang mga anak at apo ko.”

“ ayaw nyo po bang tumira sa kanila?”

“ magiging pabigat lang ako sa kanila, ayaw kong bigyan ng isipin ang ang mga anak ko, dito na lang ako sa lumang bahay namin, bibilangin ang mga patak ng ulan, siguro pagkatapos ng isang libong tag-ulan maalala na rin nila akong dalawin dito. Alam mo bang birthday ko ngayon jun? kaya matyaga akong naghihintay ng tawag nila. Kung hindi naman sila makatawag iisipin ko na lang na siguro ay busy sila sa kanilang buhay… mahirap kumita ngayon at kailangan nilang magtrabaho ng hindi naabala”.

Napalunok ako saa king mga narinig, naawa ako sa kanya…
“ Ikaw Jun, may magulang ka pa ba?

“ Nanay ko na lang po, nasa bukidnon kasama ng isa niyang kapatid.”

“ kailan mo sya huling dinalaw?” tanong nya… hindi ako nakapagsalita, huli akong pumunta sa bukidnon noong pasko… malapit na naman ang pasko hindi pa uli ako nakakapunta doon.

“ sana madalaw mo uli ang iyong magulang Jun, sigurado ako… gustong-gusto ka na nyang makita katulad ng kagustuhan kong makita ang mga anak at apo ko… subukan mo, alam ko magiging maligaya sya”

Tumila na ang ulan, nagpaalam na ako, nagpasalamat… nagpasalamat din sya sa akin, nakita ko sa mga mata nya na talagang sabik sya sa kausap, sabi nya ay magkwentuhan pa kami habang hinihintay ang tawag ng mga anak nya pero dumating na yung hihila sa kotse ko papunta sa talyer. Nangako na lang ako na dadalawin ko sya pag may libreng oras ako.

Dalawang lingo ang dumaan at naisipan ko uling dalawin si mang Roman pero sarado na ang bahay… nagtanong ako sa kapitbahay nila at nalaman ko na namatay na si mang Roman tatlong araw ang nakakalipas, pagkatapos paglamayan ng dalawang araw ay dinala na ng mga anak nya si mang Roman at pina-cremate. Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni mang Kanor, iniabot nya sa akin ang isang bag, yun ang bag na pinahiram sa akin ni mang Roman…

“ bilin ni Roman ay ibigay ko raw syo kung sakaling babalik ka, kakailangan mo daw ito sa pagbalik mo sa Bukidnon, baka ka daw masiraan sa daan”.

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko, ramdam na ramdam ko ang pangungulila ni mang Roman sa kanyang mga anak at apo. Nagdesisyon ako, magfifile ako ng leave… uuwi ako sa Bukidnon para dalawin ang nanay ko, tama si mang Roman tiyak matutuwa yun pag nakita ako.

Mensahe ng isang magulang:
Anak.., kung nasaan ka man sana maalala mo ako
Sana dalawin mo ako kahit minsan lang.
Sabik na akong makasama at makausap kang muli.
Kung may pagkukulang man ako… patawad anak,
Gusto kong malaman mo… mahal kita higit sa pagkakaalam mo...

- Kung nabasa at nagustuhan mo p**i like at ishare kung naaalala mo pa si nanay at tatay
Cttro.

20/09/2023

Mahina ang tubig
Patay- sindi ang kuryente
Walang signal ang internet
Anung Next??

Address

Pinamalayan
5200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sir. Vinz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share