MG TV

MG TV For entertainment purposes only
(1)

Bakit mahalagang magkaroon ng sariling pera ang mga babae?Karamihan sa mga lalaki (HINDI KO NILALAHAT) Feeling entitled ...
20/06/2025

Bakit mahalagang magkaroon ng sariling pera ang mga babae?

Karamihan sa mga lalaki (HINDI KO NILALAHAT) Feeling entitled sila "na sila lang napapagod kasi sila lang nagwowork".

Feeling nila, masyado kang dependent sa kanila na okay lang tratuhin ka ng di maganda, pagsalitaan ng masasakit na salita (ex: di ka makaintindi, bobo, walang pakinabang, walang kwenta, etc), gagawan ka pa ng kalokohan. Di nila bina-validate yung nararamdaman mo. Tapos ikaw, tatanggapin mo nalang ng tatanggapin kasi nga wala ka naman magagawa dahil naka-kulong ka na sa ganung sitwasyon.

Imagine. Aanakan ka, sasabihin sayo dyan ka nalang sa bahay. Ako na bahalang magtrabaho, given malolosyang ka tapos ang ending maghahanap sila ng iba.

Kaya ang unfair diba?

On a positive note, meron naman din na ibibigay sayo Lahat ng walang halong panunumbat at pagtatanong kung saan mo ginastos yung ganito, yung ganyan. Pero tayong mga babae syempre, mahihiya ka nalang gastusan yung sarili mo. Yung pang pamper mo, iisipin mo nalang na ipang dagdag sa pang gastos sa pamilya nyo. Mapapabayaan mo din talaga yung sarili mo. Kasi nga sa kanila na umiikot yung Mundo mo.

Kaya maraming babae ang "Mentally Abused" tapos sasabihin nila. (Arte lang daw!)

Kaya mga fellow moms, kailangan natin humanap ng ways para kumita. Hindi importanteng pantayan o higitan mo yung sahod ng Asawa/partner mo ang mahalaga, may sarili kang income yung hindi mo na kailangan ihingi pa sa kanila yung pang bili
mo ng pang skin care, napkin or ng anumang cravings mo. Kasi sa panahon ngayon, may mga taong naka depende yung pag respeto sayo. Sa laki ng pakinabang mo 😊
CTTO

May mga taong kumikita ng P50,000 pero laging kapos. Samantalang may ibang kumikita ng P15,000 lang, pero payapa ang buh...
09/06/2025

May mga taong kumikita ng P50,000 pero laging kapos. Samantalang may ibang kumikita ng P15,000 lang, pero payapa ang buhay, may direksyon, at may ipon.

Hindi palaging nakabase sa laki ng kinikita ang kaginhawaan. Mas mahalaga kung paano ninyo pinapamahalaan, pinagpaplanuhan, at pinagsisikapang pagyamanin ang bawat sentimo.

Dahil sa totoo lang, may mga mag-asawa o mag-partner na ang lalaki ng sweldo, pero laging may kakulangan.
Puno ng stress, bangayan, at paninisi. Walang ipon, walang plano, walang kapayapaan.

Samantalang may iba, simpleng kinikita lang ang hawak pero marunong magkasundo, may respeto sa badyet, may pangarap na sabay tinutupad, at may malasakit sa isa’t isa.

Ang tunay na yaman ay hindi lang nasusukat sa pera kundi sa pagkakaunawaan at pagkaka-align ng magka-partner.
Yung hindi lang sabay kumikita, kundi sabay ding nagbibigay halaga sa kinikita.

Yung marunong magplano bago gumastos,
Yung handang magsakripisyo ngayon para sa mas magandang bukas,
Yung mas pinipili ang pangmatagalang tagumpay kaysa pansamantalang luho.

Yung sinasabi ang “huwag muna” sa mga gustong bilhin, para masabi ang “handa na tayo” sa mga pangarap na sabay ninyong binuo.

Dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi lang kilig, ito ay commitment. Ito’y pagtanggap sa mahirap, pagtutulungan sa gitna ng kulang,
at pagbangon nang magkasama kahit gaano pa kabigat ang pagsubok.

Packed lunch sa halip na mamahaling kainan.
Budget meetings imbes na spontaneous gastos. Mga tanong na “Kaya ba natin ito?” at “Saan tayo patungo?”

Hindi mo kailangang maging mayaman para maging matatag.
Ang kailangan: pagkakaisa sa prinsipyo, pangarap, at disiplina.

Kapag marunong sa piso, hindi matatakot sa milyon.

Ctto!

Parenthood’s era😊🥹
30/05/2025

Parenthood’s era😊🥹

Investing memories with our little patotie🤍😍
30/05/2025

Investing memories with our little patotie🤍😍

Kung ang asawa mo ay hindi maalaga at mas inuuna ang bisyo, barkada o ang cellphone. Payo ko lang sayo, wag kang mag-ana...
17/05/2025

Kung ang asawa mo ay hindi maalaga at mas inuuna ang bisyo, barkada o ang cellphone.

Payo ko lang sayo, wag kang mag-anak nang mag-anak. Kase sobrang hirap mag-alaga ng baby. Mahirap kapag wala kang katuwang magpalaki ng mga bata. Mahirap yung puyat at pagod.

Nakaka-depress. Nakaka-stress. Kaya kung meron kang asawa na responsable at kayo ang inuuna sa lahat ng bagay. Hindi swerte ang tawag dyan kundi blessing. Kase hindi lahat nabibiyayaan ng asawang pamilya ang inuuna.

Hanapin mo yung asawa na masasabi mong katuwang mo sa buhay, hindi kasama lang sa bahay. Asawang nakaka-bless, hindi nakaka-stress! ゚viralシ ゚viralfbreelsfypシ゚viral ゚viralvideo

M

Iba iba nga😂
08/05/2025

Iba iba nga😂

08/05/2025

Pano yun?

Kapag si Mister ay good providerMaalaga sa asawa, Mapag mahal sa mga anakNag tataguyod sa pamilyaSya yung sentro at nagb...
03/05/2025

Kapag si Mister ay good provider
Maalaga sa asawa,
Mapag mahal sa mga anak
Nag tataguyod sa pamilya
Sya yung sentro at nagbibigay buhay sa pamilya

Makikita sa pag katao ni misis na mabuti syang mister

Blooming si misis
Hindi mabunganga si misis
Maganda ang itsura ni misis
Maayos ang mga anak
Payapa ang pag sasama at higit sa lahat
Nagkakaroon ng maraming blessings sa tahanan

PERO kapag si Mister ay walang emotional intelligence, alak at bisyo, walang dereksyon or plano sa kinabukasan ng Asawa't mga anak

Losyang si misis
Mabunganga si misis
Magulo ang pag sasama
Sakitin ang mga anak
Baon sa utang
Puro problema
Walang katahimikan sa tahanan

MAKIKITA SA KATAYUAN NG ISANG MISIS KUNG PAANO SYA TINATRATO NG KANYANG ÀSAWA

WOMEN IS A REFLECTION OF MANS LOVE ‼️

Ctto
゚viralシfypシ゚viralシalシ

"ANG UGALI NG BABAE, SALAMIN NG PAGTATRATO MO SA KANYA"📍Hindi lang babae ang may responsibilidad na maging mabait sa rel...
03/05/2025

"ANG UGALI NG BABAE, SALAMIN NG PAGTATRATO MO SA KANYA"📍

Hindi lang babae ang may responsibilidad na maging mabait sa relasyon. Ang ugali niya ay kadalasang repleksyon ng kung paano mo siya tratuhin.

Kapag pinaramdam mo sa kanya ang pagmamahal, ibabalik niya ito nang mas higit.
Kapag iginalang mo siya, mas lalo ka niyang igagalang.
Kapag naging tapat ka, hindi mo kailanman kailangang magduda sa kanya.

Kaya kung minsan, may mga bagay siyang ipinagbabawal o ipinaaalala—hindi dahil gusto niyang kontrolin ka, kundi dahil gusto ka niyang itama bago ka pa magkamali.

Oo, lalaki ang gumagabay sa relasyon, pero madalas, babae ang nagbibigay ng direksyon.
Hindi para diktahan ka, kundi para siguraduhin na hindi kayo maliligaw ng landas.

Kung hindi mo siya pinakikinggan, huwag kang magtaka kung dumating ang araw na hindi ka na rin niya pakinggan.
Kung hindi mo siya naiintindihan, huwag mong asahan na mauunawaan ka niya palagi.

Hindi ito gantihan—ito ay repleksyon.
Ang ugali niya sa'yo ay salamin ng kung paano mo siya tratuhin.

Kaya kung gusto mo ng mabait, tapat, at maunawaing Misis o Girlfriend,
Magsimula kang maging mabuting lalaki.

Ctto

⬇️⬇️
28/04/2025

⬇️⬇️

Playtime
28/04/2025

Playtime

Address

Caratagan
Pio Duran
4516

Telephone

+9519528223

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MG TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to MG TV:

Share