29/09/2025
๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ญ๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ณ, ๐๐ง๐๐๐ง๐ฒ๐๐ฒ๐๐ก๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ก๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ค๐ก๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ฎ๐ซ๐ฏ๐ข๐ฏ๐๐ฅ ๐๐๐ฆ๐ฉ 2025
Santa Cruz, Occidental Mindoro โ Inaanyayahan po ng Pamahalaang Lokal ng Santa Cruz, katuwang ang Sangguniang Kabataan Federation, ang lahat ng kabataan na lumahok sa Linggo ng Kabataan 2025: Sikhayan Survival Camp na gaganapin mula Oktubre 2โ4, 2025 sa Andreeโs Beach Resort, Barangay Barahan.
Ang nasabing programa ay naglalayong hubugin ang kakayahan ng mga kabataan sa larangan ng survival skills, leadership, at pakikipagkapwa, kasabay ng pagbibigay ng pagkakataong matuto, makapagbahagi ng karanasan, at makipag-ugnayan sa kapwa kabataan.
Bukas ito para sa mga kabataan na may edad 15โ30 taong gulang. Dahil limitado lamang ang slots, hinihikayat ang mga nagnanais na lumahok na magparehistro agad upang masiguro ang kanilang partisipasyon.
Sa pamamagitan ng programang ito, muling pinagtitibay na ang kabataan ay mahalagang katuwang po natin sa pagtataguyod ng isang mas matatag at mas maunlad na komunidad.
๐๐๐ฅ๐ฅ ๐๐จ๐ซ ๐๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ!
๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง ๐๐๐๐: ๐๐ข๐ค๐ก๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ฎ๐ซ๐ฏ๐ข๐ฏ๐๐ฅ ๐๐๐ฆ๐ฉ
Handa na ba kayo sa isang makabuluhang adventure? Sumali sa Linggo ng Kabataan 2025 Sikhayan; Survival Camp mula October 2-4, 2025, sa Andree's Beach Resort, Barangay Barahan, Santa Cruz, Occidental Mindoro!
Bukas ito para sa kabataan edad 15-30 years old na gustong matuto, mag-explore, at mag-enjoy kasama ang iba pang kabataan! May limitadong slots lang para makasama sa camp, kaya mag-register na agad!
I-click ang link sa ibaba para makapagsimula sa iyong registration. Huwag palampasin ang pagkakataon na maging bahagi ng isang unforgettable na karanasan!
https://forms.gle/NoSYes534fyzPYre8