17/09/2025
LGU-Tboli, muling napasama bilang Top Finalist sa prestihiyosong ATOP Pearl Awards 2025
Muling napasama bilang Top Finalist ang LGU-Tboli sa ATOP Pearl Awards 2025, matapos naging nominado ang tatlong entry nito bilang (1) ๐ฉ๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐-๐ถ๐๐๐๐๐๐๐
๐ณ๐ฎ๐ผ (Municipal Level), (2) ๐ฉ๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐๐๐ (๐บ๐๐๐๐๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐๐๐) at (3) ๐ฉ๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐-๐ฉ๐๐๐๐
๐ป๐๐๐๐๐๐ (Municipal Level) sa entry nitong Tboli Knoonโฆ.Kule MMON (Our Heartbeat as Tboli people, Our Tradition and Our Strength as Community).
Agad namang inatasan at ipinadala ni Municipal Mayor, HON. KEO DAYLE T. TUAN, ang kanyang napili bilang opisyal na kinatawan ng LGU-Tboli para dipensahan ang mga nasabing nominasyon.
Nitong Setyembre 6, 2025, dinipensahan ng grupo mula sa LGU-Tboli na binubuo nina SB Committee Chairman on Tourism, HON. KIRK T. TUAN, Municipal Administrator, Atty. Aleanna Joy Gelido, Tourism Officer Designate, Alexander Montallana, Municipal Information Officer, Antonio R. Cabinbin IV, at Tourism Staff, John Albert Nuรฑes, ang tatlong nasabing nominadong entries sa harap ng mga hurado na ginanap sa University of Santo Tomas, City of Manila.
Ayon kay Atty. Gelido, kabilang na ang tatlong entries ng LGU-Tboli sa Top 3 Finalists ng ATOP Pearl Awards 2025 kaya pinasalamatan niya ang LGU-Tboli, lalong lalo na ang buong komunidad ng Tboli, maging ang mga tagapamahala ng Tourism Development and Promotions Unit at ang mga Event Managers and Coordinators at Creative and Production Team ng Seslong Festival, na siyang nasa likod ng naturang mga nominasyon.
Ayon sa ATOP, ay namumukod-tangi ang pagsusumite ng entries ng LGU-Tboli dahil sa innovation at impact nito, at maging ikinararangal nilang kilalanin ang naging kontribusyon nito sa industriya ng turismo.
Matatandaan, na nakuha ng LGU-Tboli ang Best Tourism-Oriented LGU (Municipal Level) noong 2022 at 1st Runner-Up naman sa Best Practices for Community-Based Tourim (Municipal level) habang ang naging Best Cultural Festival naman ay ang Seslong Festival ng Tboli sa taong 2024.
Dahil dito ay umaasa si Atty. Gelido na muling makakamit ng LGU-Tboli ang tagumpay sa gaganaping ATOP Pearl Awards 2025 ngayong Oktubre 2, 2025 na gaganapin sa Baguio City.
Ang ATOP Pearl Awards ay isang pambansa at taunang pagkilala sa mga pambihirang kasanayan, proyekto at inobasyon na mahalagang bahagi ng mabilis na paglaki at dinamikong organisasyon gaya ng Association of Tourism Officers of the Philippines, Inc.
Layunin ng parangal na ito na kilalanin at ipagdiwang ang mga huwarang kontribusyon ng mga indibidwal sa sektor ng turismo, partikular ang mga nagawa ng Local Government Units, sa lipunan sa kabuuan. (Johnary G. Orella, MIO News Team)