17/10/2025
Pailaw Festival '25 ng Bayan ng Pola, Sinindihan!
Isinagawa kagabi, Oktubre 16, sa Pola Municipal Ground ang opisyal na pagbubukas ng Pailaw Festival 2025 bilang tanda ng pagsisimula ng kapaskuhan sa bayan ng Pola.
Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Pola, sa pangunguna ni Mayor Jennifer Mindanao Cruz, ang naturang selebrasyon na naglalayong ipadama ang diwa ng Pasko na puno ng ilaw, saya, at pagkakaisa.
Tampok sa naturang programa ang ang mga pamaskong awiting handog ni Mr. Ariel Rivera at ng Rykzeus Band na nagdagdag kasiyahan sa mga poleño.
Lubos naman ang kagalakan ng mga Poleño sa maagang pamaskong handog na ito, bilang paalala na ang tunay na diwa ng Pasko ay nasa pagkakaisa at pagiging simple ngunit masaya sa kabila ng mga problemang pinagdaanan ng bayan ng Pola.