
11/09/2024
Rap Ko Na Pa-kul!
Dinadaan na'ng lahat sa pagkagarapal,
'Di man lang mahiya saan man ay epal;
Kung makapagyabang kala mo may dangal,
Laging nakabalandra mukamong makapal.
Mga tono at letra'y 'di nagtutugma,
Salita at gawa'y pinuno ng sama;
Walang takot sa Diyos, 'di na nga nahiya,
Sinangla na'ng lahat, pati kaluluwa.
Break it down...
MJML - IX-XI-MMXXIV