Dumale vlog

Dumale vlog GOODVIBES
Just for fun πŸ˜‰

πŠπ€π˜π€ 𝐏𝐀𝐋𝐀 ππ€ππ€ππ€π‡πˆπŒπˆπŠ, πŠπ€π’πˆ πƒπ€π–πˆπ“? | 𝐒𝐄𝐍. π‘π€π…π…π˜ π“π”π‹π…πŽ ππ€πŒπ„πƒ 𝐈𝐍 𝐀𝐋𝐋𝐄𝐆𝐄𝐃 π€ππŽπŒπ€π‹πŽπ”π’ 𝐃𝐏𝐖𝐇 ππ‘πŽπ‰π„π‚π“ 𝐑𝐄𝐐𝐔𝐄𝐒𝐓𝐒 π„π—ππŽπ’π„πƒ 𝐀𝐓 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐀...
19/05/2026

πŠπ€π˜π€ 𝐏𝐀𝐋𝐀 ππ€ππ€ππ€π‡πˆπŒπˆπŠ, πŠπ€π’πˆ πƒπ€π–πˆπ“? | 𝐒𝐄𝐍. π‘π€π…π…π˜ π“π”π‹π…πŽ ππ€πŒπ„πƒ 𝐈𝐍 𝐀𝐋𝐋𝐄𝐆𝐄𝐃 π€ππŽπŒπ€π‹πŽπ”π’ 𝐃𝐏𝐖𝐇 ππ‘πŽπ‰π„π‚π“ 𝐑𝐄𝐐𝐔𝐄𝐒𝐓𝐒 π„π—ππŽπ’π„πƒ 𝐀𝐓 𝐓𝐇𝐄 π’π€ππƒπˆπ†π€πππ€π˜π€π!

MAYNILA β€” Inatasan ng Sandiganbayan 3rd Division ang pagsusumite ng mga dokumentong hawak ni Engr. Gerard Longoria, Program Chief ng Planning Division ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Central Office, kaugnay ng mga proyektong umano’y hiniling ng ilang mambabatas para pondohan noong 2024 at 2025.

Sa kaniyang testimonya, binanggit ni Longoria ang pangalan ni Senador Raffy Tulfo bilang isa sa mga umano’y may project requests na naitala sa database ng DPWH.

Ayon kay Longoria, ang pag-encode ng mga proyekto at pangalan ng proponents ay isinagawa lamang ng kaniyang mga tauhan batay sa mga instruksyon at listahang ibinigay umano ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral. Nilinaw din niya na ang kanilang tanggapan ay nagsilbi lamang sa pagproseso at paglalagay ng impormasyon sa sistema.

Kaugnay nito, ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pagsusumite ng mga dokumentong may kinalaman sa naturang mga proyekto bilang bahagi ng patuloy na pagdinig at pagsusuri sa kaso.

Samantala, sinabi ng prosekusyon na hanggang Martes, Mayo 19, na lamang ang itinakdang palugit upang maihain ang mga dokumentong saklaw ng subpoena ng korte.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Senador Tulfo hinggil sa pagkakabanggit ng kaniyang pangalan sa testimonya. Patuloy namang inaabangan ang susunod na mga hakbang sa pagdinig ng kaso.

19/05/2026

Grabe..nakaka bilib ang taong to..hinarap ang mga nag proprotest

18/05/2026

Ito yung gusto ng mga tanga, di alam ang batas ng bansa natin

NPA CALLS FOR CAYETANO’S REMOVAL AMID SENATE CONTROVERSIESkabataang NPA  ang nananawagang mapalitan si Alan Peter Cayeta...
18/05/2026

NPA CALLS FOR CAYETANO’S REMOVAL AMID SENATE CONTROVERSIES

kabataang NPA ang nananawagang mapalitan si Alan Peter Cayetano bilang Senate President kasunod ng sunod-sunod na kontrobersyang kinahaharap ng Senado.

Ayon sa grupo, kabilang sa kanilang kinukuwestiyon ang naging mga pangyayari kaugnay kay Sen. Ronald β€œBato” dela Rosa at ang usapin tungkol sa ICC warrant laban dito.

Iginiit din nila na dapat umanong magkaroon ng malinaw na pananagutan at transparency sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon at mga insidenteng naganap sa Senado nitong mga nakaraang araw.

β€œNEVER CHEAT, NEVER LIE, NEVER STEAL” Hindi lang tapang at disiplina ang ipinabaon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ...
17/05/2026

β€œNEVER CHEAT, NEVER LIE, NEVER STEAL”

Hindi lang tapang at disiplina ang ipinabaon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga bagong nagtapos na kadete ng Philippine Military Academy (PMA), kundi pati malinaw na babala laban sa katiwalian at maling gawain sa serbisyo publiko.

Sa kanyang talumpati, iginiit ng Pangulo na mahalagang mapanatili ng mga bagong opisyal ng militar ang integridad at katapatan sa kanilang sinumpaang tungkulin.

β€œNever cheat, never lie, never steal,” ani Marcos Jr., isa sa mga linyang agad umani ng atensyon dahil sa diretsahan nitong mensahe.

Ipinunto rin ng Pangulo na ang tunay na katapatan ng isang sundalo ay dapat nakatuon sa Konstitusyon at sa sambayanang Pilipino, hindi sa pulitika o pansariling interes.

Para sa ilan, malinaw itong paalala na hindi sapat ang pagiging mahusay sa serbisyo kung walang paninindigan laban sa korapsyon at pang-aabuso.

17/05/2026

Lumabas ang katotohana

TULFO, NAKARANAS DIN UMANO NG HARASSMENTIbinunyag ni Sen. Erwin Tulfo na kabilang din umano siya sa nakaranas ng tensyon...
16/05/2026

TULFO, NAKARANAS DIN UMANO NG HARASSMENT

Ibinunyag ni Sen. Erwin Tulfo na kabilang din umano siya sa nakaranas ng tensyon at pangha-harass sa labas ng Senado noong kasagsagan ng kilos-protesta ng ilang supporters ni Sen. Ronald dela Rosa noong Mayo 13.

Ayon kay Tulfo, habang palabas umano sila ng Senado ay binato ng tubig ang kanilang sasakyan at inalog-alog ito ng ilang nagra-rally sa paligid ng gusali.

Dagdag pa niya, hindi lamang mga senador ang naapektuhan sa kaguluhan kundi maging ilang empleyado rin umano ng Senado.

Dahil dito, nanawagan si Tulfo sa Philippine National Police na paigtingin pa ang seguridad sa paligid ng Senado upang maiwasan ang mas malalang insidente sa mga susunod na araw.

Samantala, patuloy pa ring pinag-uusapan online ang naging tensyon sa Senado kaugnay ng usapin sa ICC warrant laban kay Sen. Bato

SOTTO PINATUTUNAYANG KAYA NIYANG MAGTRABAHO NG WALANG SAHODIbinunyag ni Sen. Tito Sotto na hindi siya tumatanggap ng anu...
15/05/2026

SOTTO PINATUTUNAYANG KAYA NIYANG MAGTRABAHO NG WALANG SAHOD

Ibinunyag ni Sen. Tito Sotto na hindi siya tumatanggap ng anumang suweldo bilang senador mula pa noong Hulyo 1 sa kabila ng patuloy niyang pagpasok at pagtatrabaho sa Senado.

β€œWala akong tinatanggap ni singko sa salary ko.. from July 1 up to the present,” bahagi ng kanyang pahayag.

Ayon kay Sotto, kusa niyang ginawa ang naturang hakbang bilang bahagi ng kanyang paninindigan sa serbisyo publiko.

Nilinaw din niyang personal na desisyon ito at hindi lumalabag sa anumang umiiral na patakaran sa Senado.

Ipinapakita ng naging pahayag ni Sotto ang nais niyang mensahe na hindi dapat nakasentro sa suweldo o benepisyo ang pananatili sa gobyerno kundi sa mismong paglilingkod sa mamamayan.

14/05/2026

Grabe na gobyerno natin, parang hawak na tayo ng mga sindikato...pinag loloko na tayo
Pa share pa malaman ng taong bayan na ginagago na tayo

14/05/2026

OSAA UNANG NAGPABUTO OG PUSIL, NBI MIBALOS - USEC CASTRO

Gibutyag ni MalacaΓ±ang Palace Press Officer Claire Castro nga ang Office of the Sergeant-at-Arms o OSAA ang unang nagpabuto og pusil kagabie May 13, 2026.

Sa iyahang bag-uhay nga pahayag matud niya nga tungod ang Senado ug GSIS tulay ang nagsumpay niini, naalarma ang General Manager sa GSIS sa panghitabo mao nga nangayo og assistance sa NBI ug gidungog ang iyahang hangyo ni NBI Director Atty. Melvin Alvarez Matibag hinungdan nagpadala og NBI agents sa ilahang premises bandang alas-sais sa gabie, May 13.

Dihang nakita sa OSAA ang NBI agent sa GSIS ilang giduolan ug gipangutana, ug human kining nagpaila nga taga NBI didto na matud pa nag warning shot si sa ang gikan sa OSAA nga si Retired Actiong Chief Police Major General Mao Aplasca, ug tungod niini mibalos usab ang taga NBI og warning shots. | via Jane Alido

VIDEO CREDIT: PCO

GANITO NA BA SILA KAWALANGHIYA?Nagpahayag ng pagkadismaya si Senador Tito Sotto matapos umano siyang kuyugin at sigawan ...
14/05/2026

GANITO NA BA SILA KAWALANGHIYA?

Nagpahayag ng pagkadismaya si Senador Tito Sotto matapos umano siyang kuyugin at sigawan ng mga nagpo-protesta sa labas ng Senado habang papalabas siya ng gusali.

Kinuwestiyon din ni Sotto kung bakit hindi umano napigilan ng mga awtoridad ang mga rallyista sa kabila ng presensya ng maraming pulis sa paligid ng Senate Building.

Ipinapakita umano nito ang tumitinding tensyon sa Senado kasunod ng mga kilos-protesta ng mga tagasuporta ng ilang senador.

Aniya, β€œIlang truck na PNP ang nakadeploy sa Senate, tapos ganito? Ganito na ba kawalang respeto at walanghiya ang mga taga suporta ng ilang Senador na nag rarally ngayong gabi?”

Address

Polomolok

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dumale vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Dumale vlog:

Share