01/08/2025
Gulay, Galing, Ganda: Mr. and Ms Nutrition Month 2025
Hindi lamang kagandahan at kagwapuhan ang namayani, kundi pati kaalaman sa kalusugan at tamang nutrisyon sa ginanap na Mr. and Ms. Nutrition Month 2025 noong Hulyo 31, 2025.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, matagumpay na isinagawa ang patimpalak na may layuning itaguyod ang wastong nutrisyon at malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng pagpapakita ng talino, galing, at adbokasiya ng mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang. Nagpakitang-gilas ang mga kalahok hindi lamang sa pagrampa kundi pati sa pagpapahayag ng kanilang kaalaman sa tamang pagkain at kahalagahan ng pangangalaga sa katawan.
Sa pagtatapos ng patimpalak, si Althea Snow Patalot mula sa ika-12 baitang at si Arn Michael L. Sampong mula sa ika-7 baitang ang pinalad na hiranging Ms. at Mr. Nutrition Month 2025.
Matagumpay na naisakatuparan ng mga g**o sa TLE ang programang ito na may layuning paalalahanan ang lahat na mahalaga ang tamang pagkain at pag-aalaga sa sarili.
Ni: Aleesha Anika Asong
📷 Aniah Jen Llanes at Magdalena Gunio