24/08/2025
BASAHIN MO TO‼️
Content Creator ka ba na nakakaranas ng insecurity o pagdududa sa sarili dahil sa mga iniisip at sinasabi ng ibang tao sayo? Ikaw rin ba yung tipong sanay na sa ganyan, pero minsan tinatamaan pa rin ng lungkot at naiisip mo nalang sumuko sa ginagawa mo?
May kwento ako:
Habang nasa kwarto ako, tinawag ako ni mama. May humahanap daw sakin. Paglabas ko, nakita ko siya—kilala ko naman, pero hindi naman kami ganoon ka-close.
Sabi niya:
“Noy, diba nagco-content ka tapos nag-eedit-edit ng video? Sabi ng mga kasama ko, pumunta daw ako sayo para maturuan ako.”
Sa una, ang random ng dating… pero nag-usap kami. Gusto daw niyang matuto mag-edit. May pinakita siyang content creator na gusto niyang gayahin yung style ng editing.
Para sakin, simple lang yun. Pero para sa kanya, na isang Tatay na hindi masyado marunong sa editing, mahirap na bagay na iyon.
Kwento niya pa:
“Nagvi-video kasi ako kasama ang mga anak ko. May video rin kami nung nag-bonding sa falls. Kaya lang, pinagtatawanan ako ng mga kasama ko kasi raw hindi ako marunong mag-edit. Naiiba daw ako. May nagsabi pa nga, may pa-vlog vlog pa raw ako eh wala naman akong alam. Kaya pumunta ako sayo para matuto, para kahit papaano gumanda naman yung i-upload ko.”
Habang tinuturuan ko siya ng basic editing, pinakita niya sakin yung mga videos nila. Mga bonding moments ng pamilya nya, mga simpleng vlog kasama ang mga anak niya. Mga kantahan nila at mga alaala na gusto niyang i-treasure at i-share sa social media.
Dun ko narealize:
Hindi lang basta video ang ina upload natin dito kundi mga bagay na gusto mong i treasure para sa sarili mo. Mga bagay na gusto mong panoorin habang lumilipas ang panahon. Tipong di mo na mababalik pero Ito ang simpleng video na makakapag pasaya sayo everytime na mapanood mo ulit.
---
Ang hirap maging content creator.
Minsan, simpleng upload lang ng video, sobrang bigat na—dahil may mga taong mapanghusga.
Ang masakit pa, minsan yung mismong mga kaibigan mo, sila pa yung may masasakit na salita. Oo, nakikita nila yung post mo. Oo, dumadaan yan sa feed nila. Pero deadma lang. Walang like, walang comment. Wala naman talagang problema dun… pero ang totoo, masakit yung pag talikod mo, ikaw pala ang laman ng kwento.
Sa harap mo, okay sila. Pero sa iba, pinag p-fiestahan ang ginagawa mo. Sa simpleng biro, ramdam mo—tinitingnan ka nilang katawa-tawa.
Ang dali nilang maliitin ang ginagawa mo.
Ang dali nilang gawing biro yung passion mo.
Ang dali lang sakanilang tawanan ka, maliitin ka at balewalain ang ginagawa mo, Minsan tini-take advantage din nila ang ganon at pinag iisipan kang "Disperado sa pera" kaya kung ano ano nalang ang ginagawa para kumita. Well totoo naman na ang purpose ng iba is mag ka pera pero may iba naman na gusto lang ibahagi ang Hilig o Passion nila dito sa Social media. Ang dali lang sainyo kasing tignan kaming ganyan kasi palibahasa panalo kayo sa buhay 'eh, pero kahit ganon hindi yan rason para maliitin ang iba hindi mo yan kina "Pogi o kina Ganda" HAHA. Kung di mo kayang supurtahan, pabayaan mo nalang.
INTERNET CLOWN A.K.A CONTENT CREATOR