20/04/2026
Shoutout pala kay Sir Pulis na nanghuli sa akin kagabi dito sa MAGSAYSAY sa may PNB, Sabihin niyo naman sana next time, Sir, kung may bago kayong ordinansa. Pumunta lang ako sa 7/11 para bumili ng pagkain. Paglabas ko pa lang, paglingon ko may pulis na tumatakbo. Kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad kasi baka may hinahabol lang sila. Tapos nagtaka rin ako kasi lumapit din sa akin ang pulis at hinarangan ako. Tinanong ko, “Bakit po, Sir?” Sabi niya, “Pasensya na Sir, bawal kasi lumabas ngayon dahil may bago tayong ordinansa.” Sabi ko, “Kung curfew ito Sir, may dala naman akong ID na nagpapatunay na hindi na ako bata. Ano ba yang bago niyong ordinansa?” Tapos nag-explain siya, “Bawal na raw kasing lumabas ang mga gwapo ngayon Sir kasi kaunti na lang kayo.”
Ayun, wala na akong nagawa... pinauwi talaga ako. Sana i-announce niyo nang maayos ang mga ganyan kasi mahirap din para sa amin!