01/09/2025
Statement of Balik LOOB Organization of Mountain Province regarding the declaration of mountain province as STATE OF STABLE INTERNAL PEACE AND SECURITY..
Nabara a kablaaw kakailian a imontanosa!!nais ipaabot nang aming organisasyon ang taos pusong pasasalamat at pinakamataas na saludo sa ibat ibang ahensya Ng gobyerno lalo na sa ating kasundaluhan 54th IB (MAGILAS)at sa ating magigitng na kapulisan, PPOC ,DSWD,DOLE at iba pang ahensya Ng gobyerno na Walang tigil na isinakatuparan ang kanilang tungkulin at Walang pag aalinlangang sinuong ang mga panganib para makamtan Ng ating probinsya Ang tunay na kapayapaan.ang pagkakabuwag Ng mga larangang gerilya sa cordillera kabilang na ang larangang sa ating probinsya ay pagpapatunay lamang na ginampanan ng ating pamahalaan ang kanilang tungkulin para mahinto na Ang insurhensya sa ating probinsya..
Ang pagdedeklara Ng State of Stable Internal Peace and security sa ating probinsya ay ay Isang dagok sa kabuuang rebolusyonaryong kilusan Dito sa CORDILLERA, pagpapatunay lamang na naiibsan na Ang takot sa ating mamamayan at ito na Nga Ang kasagutan sa matagal na naming inaasam na"HINDI KAILANMAN MASISIGURADO ANG ATING SEGURIDAD HABANG NARIRIYAN PA ANG REBOLUSYONARYONG KILUSAN".kaya Po sa hakbangin na ito Ng ating pamahalaan ay lubos Po kaming nagpapasalamat..
Bagamat naabot na Po Ng ating probinsya Ang ganitong estado nais Rin po naming imungkahi na patuloy pa Rin Po nating bantayan ang ating bayan sapagkat sa kabuuang bahagi Ng rebolusyonaryong KILUSAN hindi pa Rin sila titigil hangat hindi sila nakakabalik sa dati nilang kinikilusan NARIRIYAN pa Rin Ang kanilang mga makinaryang mga legal na organisasyon at nagmimistulang makabayan..Sabi Nga nila "hangat may uring nagsasamantala hindi matatapos Ang rebolusyon"bantayan din Po natin Ang ating kabataan hindi lang Dito sa probinsya kundi pati sa Baguio, isinasangkalan nila Ang pagiging aktibismo para makapagrekruit sa ating mga anak...huwag nating hayaang maulit Ang kasaysayan