Brigada News FM Palawan

Brigada News FM Palawan In the heart of changing lives, we help and inspire with dedicated, meaningful effort.

25/08/2026
25/08/2026

πŸ‘π‘πƒ 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐂𝐇𝐄 𝐍𝐆 π’π€π‹π€π‘π˜ πˆππ‚π‘π„π€π’π„ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ πŠπ€π–π€ππˆ 𝐍𝐆 𝐏𝐏𝐂 𝐋𝐆𝐔, ππˆππ€π†π“πˆππ€π˜ 𝐍𝐆 π’π€ππ†π†π”ππˆπ€ππ† ππ€ππ‹π”ππ†π’πŽπƒ

Pinagtibay ng 18th Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa ang Resolution No. 758-2026 upang ipatupad ang ikatlong tranche ng dagdag-sahod para sa mga kwalipikadong empleyado ng lokal na pamahalaan ng lungsod.

Sa pamamagitan ng resolusyon, inaprobahan ng konseho ang Local Budget Circular No. 172 ng Department of Budget and Management (DBM).

Layunin nitong isakatuparan ang ikatlong bahagi ng salary increase para sa mga kawani ng lungsod, alinsunod sa salary schedule ng Executive Order No. 64, Series of 2024 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kaugnay nito, binibigyan ng awtoridad si Mayor Lucilo R. Bayron na ipatupad ang umento sa sahod ng mga empleyado batay sa mga itinakdang panuntunan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang hakbang na ito ay layuning magbigay-halaga at pagkilala sa patuloy na serbisyo at ambag ng mga empleyado sa lungsod.

25/08/2026

ππ”π„π‘π“πŽ ππ‘πˆππ‚π„π’π€, 𝐍𝐀𝐆-π”π–πˆ 𝐍𝐆 𝟐 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝐒𝐀 ππ‡πˆπ‹πˆπππˆππ„ π’ππŽπ‘π“π’ π“πŽπ”π‘πˆπ’πŒ 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒

Dalawang pangunahing parangal ang nakuha ng Lungsod ng Puerto Princesa sa 7th Philippine Sports Tourism Awards noong Agosto 24, 2026 sa Manila Marriott Hotel.

Tinanggap ng lungsod ang mga parangal na Event Organizer of the Year (Public) at Emerging Destination of the Year (2025).

Personal na tinanggap ni Mayor Lucilo R. Bayron at City Tourism Officer Demetrio Alvior ang mga tropeo.

Ibinigay ang pagkilala dahil sa matagumpay na pagho-host ng lungsod sa mga palaro noong 2025 gaya ng World Table Tennis Youth Contender, IRONMAN 70.3 / Princesa Run / IRONKIDS, MIMAROPA RAA Meet, Philippine Beach Games, 4th International Dragon Boat Club Crew Festival & National Open.

Nakatulong ang mga palarong ito sa pagpapalago ng ekonomiya ng lungsod na siyang nakatulong sa mga maliliit na negosyo, hotel, at kainan sa lungsod.

Ito na ang ikalawang taon na pinarangalan ang Puerto Princesa bilang mahusay na organizer ng sports events.

Paghahandaan naman ng lungsod ang pagho-host ng dalawang international table tennis events ngayong Setyembre 2026 at ang World Dragon Boat Championships sa Oktubre 2027.

25/08/2026
25/08/2026

Inamin ng aktor na si NiΓ±o Muhlach na nakatulog siya habang nagmamaneho, dahilan ng aksidente sa Antipolo City na ikinasawi ng isang tao at nakapinsala sa ilang establisyimento.

Una nang sinabi ng pulisya na posibleng mechanical failure ang dahilan ng aksidente, ngunit nilinaw ni Muhlach na nakatulog siya habang nagmamaneho dahil sa matinding pagod mula sa kanyang sunod-sunod na trabaho.

Bumangga ang kanyang SUV sa isang kumakain sa gilid ng kalsada, isang nakaparadang motorsiklo, sari-sari store at barber shop sa Marcos Highway, Barangay Mayamot.

Tiniyak naman ni Muhlach na sasagutin niya ang medical expenses ng biktima at babayaran ang mga napinsalang ari-arian.

25/08/2026

Address

3rd Floor, Business Alley 1 Building, National Highway, Barangay San Pedro
Puerto Princesa City
5300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brigada News FM Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share