05/01/2023
๐โฅ๏ธ๐๐
Magmula ng magkaroon ng bahagyang umento na 33 pesos kada araw sa minimum wage -- partikular na sa NCR, noong June 2022, binulaga na tayo ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina, pamasahe, bayad sa kuryente, pagkain, medisina at iba pang mga pangunahing bilihin.
Bugbog sarado ang dati ng umaaray na mga minimum wage earners. Mas lalo pa silang naghihikahos ngayon. Halos hindi nakatulong ang katiting sa dagdag sa sweldo nila na ipinatupad noong Hunyo.
Dahil dito, maghahain ng resolution in aid of legislation si Senator Raffy Tulfo sa unang session ng Senado ngayong taong 2023 para sa โฑ100.00 across-the-board increase sa minimum wage nationwide.
Ito ay bilang tugon na rin sa panawagan ng mga labor groups.
Dito ay ipapatawag ang DOLE at National Wages and Productivity Commission, kasama ang mga Regional
Tripartite Wages Productivity Boards, mga labor groups, Trade Union Congress of the Philippines, NEDA, DTI at ang mga representatives ng business sector para sa napapanahon at makabuluhang usaping ito.
Manatiling updated kay Senator Idol! iLike at iFollow ang ating mga official social media accounts:
FB: Raffy Tulfo
Raffy Tulfo in Action
TW: twitter.com/IdolRaffyTulfo
YT: youtube.com/RaffyTulfoVlogs
youtube.com/RaffyTulfoInAction
TikTok: tiktok.com/