05/04/2025
Naniniwàla ka ba na isa sa nagpapapayat sa tao ay ang màlayo sa kanyang mahal sa buhay?
Maraming factors ang nagpapapayat sa tao, nariyang ginusto nya talaga at mayroon namang dahil sa epekto ng mga pinagdadaanan nya sa buhay.
Sa aking pag-oobserba, kadalasan ang mga taong malayo sa kanilang mahal sa buhay ay mga payat. Bakit? Marahil, ito ay dulot ng kanilang kalungkutan na nagreresulta sa kawalan ng ganang kumain... Kaya nga nagkaroon din ng programa ang ating pamahalaan, ang "KAINANG PAMILYA MAHALAGA" na isinasagawa taon-taon, ito ay upang maipon ang mga magkakapamilya, at makapagkainan ng sama-sama.
Pansin nyo ba? Kapag marami kayong kumakain ng sabay ay tila napaparami rin ang kain nyo? Nariyang sasabihin pa, "MINSAN LANG NAMAN ITO, DIET NA LANG AKO ULIT SA IBANG ARAW", ito ay dahil mas ganado tayong kumain kapag kasama natin ang ating mga mahal sa buhay.
Kaya nga, asahan na natin, kapag ang isang tao ay mataba, malamang, malapit sya sa kanyang mga mahal sa buhay. Ganon din naman, kapag ang isang tao ay nangayayat, malamang sya ay nagpapapayat, may sakit o di kaya'y malayo sa mga taong kaniyang pinahahalagahan.