10/08/2026
Bagamat ang Agosto ay tinaguriang “Ghost Month” at sinasabing matumal ang negosyo, dinagsa pa rin gabi gabi ang Pista Y’ Ang Cuyonon Night Market!
Mula sa mga taga Puerto Princesa, mga bisita mula sa iba’t ibang lugar, hanggang sa ating mga kababayan at turista na nakisaya, maraming maraming salamat sa inyong suporta at pagtangkilik!
Ang bawat pagpunta, bawat bili, at bawat pagsuporta sa ating mga tenants ay malaking bagay para sa kanila.
Salamat sa inyong lahat sa pakikiisa at pakikisaya sa Pista Y’ Ang Cuyonon! Kayo ang dahilan kung bakit naging mas makulay at mas masigla ang bawat gabi.
#𝐂𝐈𝐎𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚 || 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓 𝐌𝐀𝐑𝐊𝐄𝐓 𝐒𝐀 𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀 𝐘’ 𝐀𝐍𝐆 𝐂𝐔𝐘𝐎𝐍𝐎𝐍, 𝐓𝐔𝐌𝐀𝐁𝐎 𝐍𝐆 ₱𝟑.𝟓𝟗 𝐌𝐈𝐋𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐒𝐈𝐘𝐀𝐌 𝐍𝐀 𝐀𝐑𝐀𝐖
Umabot sa ₱𝟑,𝟓𝟗𝟓,𝟗𝟐𝟎.𝟎𝟎 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐮𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐌𝐚𝐫𝐤𝐞𝐭 na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng 𝐢𝐤𝐚-𝟖 𝐏𝐢𝐬𝐭𝐚 𝐘’ 𝐀𝐧𝐠 𝐂𝐮𝐲𝐨𝐧𝐨𝐧, na nagbigay ng dagdag-sigla sa gabi ng Puerto Princesa at oportunidad sa mga lokal na maliliit na negosyo.
Sa loob ng siyam na araw, dinagsa ng mga mamimili ang Night Market na itinayo sa 𝐤𝐚𝐡𝐚𝐛𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐑𝐢𝐳𝐚𝐥 𝐀𝐯𝐞𝐧𝐮𝐞, 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐨𝐳𝐚 𝐚𝐭 𝐕𝐚𝐥𝐞𝐧𝐜𝐢𝐚 𝐒𝐭𝐫𝐞𝐞𝐭𝐬, kung saan tampok ang iba’t ibang pagkain, merienda, ihaw-ihaw, inumin, at ilang mga produktong nagtatampok sa lokal na pagkakakilanlan at kulturang Cuyonon.
Bagama’t limitado sa 20 stalls at ilang pop-up stores ang lumahok, naging makulay ang gabi sa sentro ng lungsod dahil sa samu’t saring handog ng mga 𝐌𝐢𝐜𝐫𝐨, 𝐒𝐦𝐚𝐥𝐥, 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐮𝐦 𝐄𝐧𝐭𝐞𝐫𝐩𝐫𝐢𝐬𝐞𝐬 (𝐌𝐒𝐌𝐄𝐬), na nabigyan ng pagkakataong maipakilala at mapalawak ang kanilang mga produkto at serbisyo. Hindi lamang negosyo ang umigting sa nasabing lugar. Kasabay ng Night Market ang serye ng mga pagtatanghal sa Mendoza Amphitheater, 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐚𝐧 𝐭𝐚𝐦𝐩𝐨𝐤 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐬𝐢𝐤𝐚, 𝐬𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠, 𝐤𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚, 𝐚𝐭 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐫𝐚𝐝𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐮𝐲𝐨𝐧𝐨𝐧—na lalong nagbigay-buhay sa pagdiriwang at nag-anyaya sa mas maraming mamamayan na makiisa.
Ayon sa City Tourism Department, malaking bahagi ng naging tagumpay ng pagdiriwang ang patuloy na suporta at pakikiisa ng mga Puerto Princesan sa taunang selebrasyong isinabatas noong 𝟐𝟎𝟏𝟗 𝐬𝐚 𝐛𝐢𝐬𝐚 𝐧𝐠 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐎𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐍𝐨. 𝟗𝟑𝟒.
Naging katuwang naman ng pamahalaang panlungsod sa pagpapatupad ng Night Market ang 𝐇𝐄𝐑 𝐄𝐯𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐳𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬.
Bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng night economy sa lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Lucilo R. Bayron—isang 𝐝𝐢𝐫𝐞𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐭𝐮𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐫𝐢𝐬𝐦𝐨, 𝐤𝐮𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐮𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐥𝐨𝐤𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐧𝐞𝐠𝐨𝐬𝐲𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐬𝐢𝐠𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐞𝐤𝐨𝐧𝐨𝐦𝐢𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐠𝐚𝐛𝐢.
Sa bawat ilaw, pagkain, pagtatanghal, at produktong Cuyonon, higit na naging buhay ang gabi ng Puerto Princesa—at higit na nakita ang potensyal ng lungsod bilang isang masigla, makulay, at tourism-driven na destinasyon pagsapit ng gabi.