15/04/2026
PUWEDE NA BANG KASUHAN ANG MAGULANG DAHIL SA PAMBUBULLY NG ANAK NITO? 🤔
Opo, makakasuhan na po kayo, kung mapapatunayan po na nagpabaya kayo, o hinayaan po ninyong patuloy na mambully ang anak po ninyo; 🤔
At nasaktan po, either physically or psychologically, ang binubully po ng anak ninyo. 🤔
Dahil sakop na po ito ng Section 10 ng RA 7610, o mas kilala bilang Anti-Child Abuse Law. 🤔
Tinatrato na po kasi ng batas na ito ang negligence, o ang kapabayaan ng magulang na pigilan ang abusadong anak nito; 🤔
Bilang child abuse po, kapag patuloy na nananakit ng ibang bata ang abusadong anak po ninyo. 🤔
At isang criminal offense po, at hindi lamang civil case po, ang kapabayaang ito. 🤔
Sa madaling salita, posible pong makulong kayo, dahil lang sa pinagagagawa ng anak ninyo. 🤔
At ito po ang hakbang na ginawa ni KONSI Alfred Vargas at ng maybahay po nito; 🤔
Nang kinasuhan po nito ng child abuse ang mga magulang ng bully ng anak po nito. 🤔
Ayon po kay KONSI Vargas, ilang beses na raw pilit na nilulunod ng nasabing bully ang kanilang anak, sa tuwing nasa swimming practice po ito. 🤔
At ginagawan raw po ito ng malalaswang mga sayaw sa harap ng maraming tao. 🤔
At kahit ilang beses na raw po nilang kinausap ang mga magulang ng nasabing bully, ay isinawalangbahala lang daw po nito ang mga insidenteng ito. 🤔
At nagpost pa nga raw po ang nanay nito online, na tila binabaliktad pa po ang nasabing kuwento. 🤔
Kaya napilitan na raw po silang magkaso. 🤔
Tandaan po natin, na dahil po sa batas na ito; 🤔
Ay hindi na po uubra ang karaniwang palusot po nating mga magulang, na either away bata lang po ito, o dapat lumaban po ang anak ninyo, o hindi po namin kasalanan kung lampa po ang anak ninyo; 🤔
Sa tuwing may nagrereklamo po ng pambubully laban po sa mga anak ninyo. 🤔
Dahil kasama po sa obligasyon ng bawat magulang, ang disiplinahin po ang mga anak nito; 🤔
Sa tuwing gumagawa po ito ng mali na ikapapahamak po ng ibang tao. 🤔
At mananatili po ang obligasyong ito, hangga't sila po ay menor de edad, at nasa pangangalaga pa po ninyo. 🤔
At kung dati po ay nagagamot pa ang pagkakamaling ito, ng pagbabayad ng danyos sa kabilang partido; 🤔
Ngayon po ay kayo na ang makukulong, imbes po ang anak ninyo. 🤔
Kaya sana po ay gawin natin ng maayos ang mga obligasyon nating ito; 🤔
Upang mabawasan na po ang mga nakakalungkot na insidenteng ganito. 🤔
Magandang umaga po, mga Ka-G ko! 🫡