
23/05/2025
Trending ang magkasintahan na taga Batangas matapos nilang ibahagi sa social media, ang kanilang karanasan nang kumain sila sa isang mamahaling restaurant.
Ayon sa nasabing post:
Hindi ko na maubos kasi sobrang busog na ako, pero ayaw kong magtira kasi sayang, kasi mahal at masarap naman talaga… Naisip ko ipatake-out.
So para hindi masyadong nakakahiya, sabi ni misis sabihin ko daw pasalubong sa alaga naming a*o. So tinawag ko si kuyang waiter, sabi ko bossing sayang ito itake-out ko nalang para sa a*o nmin.
So kinuha ni kuyang waiter yung lalagyan at pag balik nya, sabay sabing "Sinamahan ko na din po ng iba pang tira-tira para mas madami po kayong maiuwi sa a*o nyo."