09/01/2025
..SALAMAT SA MGA PANAHONG
KASAMA KA''.
sa mga panahong walang wala ako
sa mga panahong bagsak na bagsak ako
sa mga panahong galit sakin ang mundo
sa mga panahong pinawi mo mga luha ko
sa mga panahong sukong suko na ako
sa mga panahong diko na alam gagawin ko
sa mga panahong ikaw lang at ako
sa mga panahong ikaw ang lakas ko
sorry kung hindi ako naging ako na gusto mo na maging ako
sorry kung hindi ko naibigay mga bagay na gusto mo
sorry kung naging masama akong tao sa paningin mo
sorry kung hindi ko nagawang magbago katulad ng gusto mo
sorry kung hindi ako naging sapat at di naging karapat dapat
sorry kung naging wala akong kwentang tao.
sorry sa paulit ulit na pagkakamali.
salamat sa pagmamahal na binigay mo
salamat sa mga pag aalaga at pag aalala
salamat sa mga oras na pinasaya mo ako
salamat sa mga panahong andyan ka sa tabi ko
salamat sa mga gabing pinagsaluhan nating maligaya
salamat sa mga pagsubok at problema na kinaya nating magkasama
salamat sa buhay mo na minsan mong nilaan sakin sa napakahabang panahon
salamat sa pagpaparamdam sakin ng tunay na pagmamahal
tatlong beses kitang minahal
una nung makita ka minahal kita ng husto sa mga pinakita mong kabaitan sakin sa mga ugali mong wala na akong hahanapin pa.
pangalawa kahit sa kabila ng pagsusungit mo mga galit mo mga bad side mo na pinaramdam mo lalo na yung pride mo mga pag titiis sa akin, tinanggap kita ng buong buo sa kabila nun minahal parin kita di ako sumuko alam mo yun kahit alam mong subra din akong nasasaktan.
pangatlo minamahal parin kita hanggang ngaun kahit heto na naman iniwan mo nanaman ako at tuluyan na nga nawala ,
mahal parin kita at hahayaan ko yung sarili ko na mahalin ka
kahit wala kana at mamahalin kita kahit sa malayo ka.
patawarin muko kung diko matutupad pangako ko na ikaw lang hanggagng sa huli na gusto kung makasama dahil ikaw narin naman yung pumili ng landas nating maghiwalay, pero tutuparin ko yung mamahalin kita hanggang sa huli kung buhay.
alamo hindi lang tatlong beses kita gustong mahalin
kung may pang apat pa gusto ko pa,
kung bibigyan lang ako ng panagalawang buhay ng dios
sa pangalawang buhay o sa susunod kung buhay ..
sa pang apat na pagkakataon.....
ikaw parin ikaw at ikaw lang...
tuparin mo mga plano mo sa buhay kahit wala ako
masaya akong makita na masaya ka kahit kasama mo'Y IBA NA
makamtan mo sana yung gusto mong buhay sa piling ng iba.
aasa nalang akong isang araw mahal baka pwedi pa....
paalam
patawad
at salamat po...