Palawan Online

Palawan Online Palawan Online is a platform that aims to provide Factual Informations, News, Entertainment, Life Stories and Documentaries for Palaweños.

28/07/2025
BALITA | BARANGAY BANCAO-BANCAO, NAGDAOS NG MAKABULUHANG PAGDIRIWANG NG IKA-51 NUTRITION MONTHBy: Mata ng Bayan Pilipina...
28/07/2025

BALITA | BARANGAY BANCAO-BANCAO, NAGDAOS NG MAKABULUHANG PAGDIRIWANG NG IKA-51 NUTRITION MONTH
By: Mata ng Bayan Pilipinas – Palawan Chapter
Published: July 28, 2025

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan — Sa layuning itaguyod ang sapat na nutrisyon at seguridad sa pagkain, matagumpay na idinaos ng Barangay Bancao-Bancao ang selebrasyon ng ika-51 Nutrition Month ngayong Hulyo 28, 2025 sa kanilang Multi-Purpose Hall sa ganap na 8:00 ng umaga, na may temang “Food at Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!”

Ang taunang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng pangangasiwa ng Barangay Health and Nutrition Committee, sa pakikipagtulungan ng mga lokal na opisyal, health workers, at community volunteers, katuwang ang City Nutrition Office at National Nutrition Council.

Nagsimula ang programa sa isang makabuluhang panalangin ni Marivic P. Mabalatan, kasunod ng pambansang awit. Nagbigay ng pagbati si Brgy. Kagawad Ana May S. Milan, Chairman ng Committee on Health and Nutrition.

Nagbigay naman ng inspirasyonal na mensahe si Punong Barangay Gidz V. Dangan, na binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa sa paglaban sa malnutrisyon. Tampok din ang talumpati ni Kris May M. Bonbon, Nutrition Program Coordinator ng lungsod, sa paksang “Nutrition of Children is Our Priority.”

Pinasigla ang umaga sa pamamagitan ng Community Zumba, cooking contest para sa mga ina ng underweight na bata, Nutri Wear para sa mga pre-schoolers, at “Ehalo Gawing Healthy” contest.

May mga intermission number, palaro, snacks, at raffle na ikinatuwa ng mga dumalo, na pinangunahan ng SK officials.

Bilang bahagi ng programa, namahagi ng food packs, bitamina, at iodized salt para sa mga batang kulang sa timbang, mga buntis, at nagpapasusong ina.

Matapos ang mga paligsahan, isinagawa ang Awarding of Winners, at nagbigay ng closing message si Kagawad Mariyan Arzaga, Chairman ng Committee on Women and Family. Ang programa ay pinangunahan nina Kagawad JR Garcia at SK Chair Allen Joy Llena bilang Masters of Ceremony.

Lubos ang pasasalamat ng barangay sa mga naging katuwang sa tagumpay ng selebrasyon:

• Buong Barangay Council na pinamumunuan ni PB Gidz V. Dangan
• SK Chair Allen Joy Llena at mga SK Officials
• Committee on Health & Sanitation
• Sigma Beta Sorority of the Philippines, Inc. Palawan Assembly
• Mga Konsehal: Jonjie Rodriguez, Jie Lao, Luis Marcaida III
• Ma’am Kris M. “Sama-sama sa PPAN, para sa sapat na pagkain sa lahat!”Bonbon, Child Development Workers
• CVHWs, BHWs, BNS, BSPO
• Ma’am Cecel Erasga at Ma’am Grace Loyola
• Barangay Staff at Barangay Tanod

"Sama-Samang Aksyon para sa Nutrisyon"

Ang programang ito ay patunay ng pagtutok ng Barangay Bancao-Bancao sa isyu ng nutrisyon, lalo na sa mga kabataan. Isinulong dito ang adbokasiya ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN), kasabay ng panawagang tiyakin ang food security para sa bawat pamilya.















Pwede Maki bakas?
24/07/2025

Pwede Maki bakas?

24/07/2025
24/07/2025
24/07/2025

Ito na!

24/07/2025
24/07/2025
21/07/2025

Address

Puerto Princesa

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Palawan Online posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share