10/04/2026
YAN ANG MAGANDA
ATM AT ONLINE TRANSFER FEES, PINAPABAWAS MUNA NI REP. SANDRO MARCOS
Nanawagan si House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander âSandroâ Marcos sa mga bangko, remittance centers, at financial technology platforms na i-waive o pansamantalang ibaba ang ATM, online transfer, at emittance fees upang makatulong sa mga Pilipinong apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at bilihin.
Ayon kay Rep. Sandro Marcos, pinagtibay na ng Kamara ang House Resolution No. 905, na humihikayat sa financial sector na magbigay ng agarang ginhawa sa publiko sa pamamagitan ng pagbawas sa transaction charges.
âThe adoption of House Resolution No. 905 is not only about helping our OFWsâit is about providing immediate, practical relief to every Filipino who relies on the banking and digital financial system in their daily lives,â ani Rep. Sandro Marcos.
Sa kasalukuyan, umaabot sa â±18 ang interbank ATM withdrawal fee at hanggang â±25 ang online transfer charge kada transaksyonâmga halagang maliit man sa tingin ay dagdag pasanin umano kapag pinagsama-sama.
âEach transaction comes with a costâfees that may seem small individually, but collectively impose a real burden,â dagdag pa niya.
Sa hiwalay naman niyang panukala na House Resolution No. 950, hinimok din niya ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pangunahan ang koordinasyon sa financial institutions upang hikayatin ang pagbaba ng transaction fees, habang inaanyayahan ang government financial institutions na maging halimbawa.
âAng bawat bawas sa bayarin ay dagdag sa pambili ng pagkain, pamasahe, at pang-araw-araw na pangangailangan ng ating mga kababayan.â
Giit ng mambabatas, sa panahon ng oil price shocks at inflation, ang kahit maliit na bawas sa bayarin ay malaking tulong na sa milyun-milyong Pilipino.