25/08/2026
Malagong Gulayan sa Sinippil Elementary School, Susi sa Wastong Nutrisyon ng Kabataan
Umabot na sa yugto ng masaganang paglago ang mga gulay sa Sinippil Elementary School. Ang kanilang Project HARVEST ay bahagi ng pambansang programa na Gulayan sa Paaralan Program (GPP). Layunin nitong itaguyod ang seguridad sa pagkain at wastong nutrisyon para sa mga mag-aaral.
Ang lahat ng sariwang ani mula sa Project HARVEST ay direktang inilalaan para sa School-Based Feeding Program (SBFP) ng paaralan tulad ng Sariwang Sangkap: Masustansiyang lutuin ang inihahain araw-araw para sa mga mag-aaral. Kalusugan: Target nitong pababain ang bilang ng mga batang kulang sa timbang o undernourished at Edukasyon: Mas madaling makapag-aral ang mga bata kung sila ay busog at malusog.
Naging susi sa tagumpay ang bayanihan ng buong komunidad:
1. Mga G**o at Mag-aaral: Sila ang nagdidilig at nagpapanatili ng kalinisan ng mga plots araw-araw.
2. Mga Magulang: Nagboluntaryo sa pagbubungkal ng lupa at paggawa ng mga pataba.
3. Lokal na Pamahalaan: Nagpaabot ng suporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga de-kalidad na binhi at kagamitang pang-agrikultura.
Samantala, labis ang tuwa ni Gng. Jeremy R. Gammad, GGP Coordinator ang suporta at sipag na pinamalas ng komunidad.
Ayon naman kay G. Roberto V. Alicum, G**ong-namamahala hindi lamang ito tungkol sa pagpapatubo ng gulay. Isa rin itong praktikal na aralin para sa mga kabataan upang matutunan ang kahalagahan ng pagtatanim, sipag, at wastong nutrisyon habang sila ay bata pa.