
14/07/2025
SAMPUNG PAYO PARA SA MATIBAY NA PAG-AASAWA
1. Kapag galit ang asawa mo, ikaw dapat ang kalmado.
Huwag sabayan ang init ng ulo. Isa lang dapat ang mainit ang ulo para hindi lumala ang away. Magpahinga muna, at pag pareho nang kalmado, saka mag-usap ng maayos. Huwag matulog na hindi bati.
2. Kontrolin ang sarili sa oras ng galit.
Hindi dahil galit ka, ay may karapatan ka nang manakit o magsalita ng masakit. Mahalaga ang self-control para hindi magsisi sa huli.
3. Tanggapin mo ang kabuuan ng asawa mo.
Hindi lang ang magagandang ugali ang minahal mo—pati kahinaan niya. Tandaan, pinili mo siya, kaya tanggapin mo kung sino siya nang buong-buo.
4. Kung may problema, kayong dalawa lang ang dapat mag-usap.
Hindi kailangang isali ang kapitbahay, kaibigan, o Facebook. Sa inyo lang ang problema, kaya kayo rin dapat ang mag-ayos.
5. Huwag damdamin ang masasakit na salita kapag galit ang asawa.
Kapag galit, minsan nakakabitaw ng hindi magagandang salita. Huwag mong dibdibin. Intindihin mo na galit lang siya, at hindi niya ibig ang lahat ng sinasabi.
6. Yakapin ang asawa at mga anak palagi.
Ang simpleng yakap ay nakakagaan ng loob at nakakabawas ng sama ng pakiramdam. Minsan, yakap lang sapat na.
7. Purihin ang asawa mo palagi.
Kapag pogi o maganda ang asawa mo, sabihin mo. I-appreciate mo ang ayos niya, ang bango niya. Dapat ikaw ang unang humanga sa kanya, hindi ang iba.
8. Respeto at tiwala—mas mahalaga pa minsan kaysa sa love.
Walang silbi ang pagmamahal kung wala na ang respeto at tiwala. Bantayan nyo ‘yan—yan ang tunay na haligi ng relasyon.
9. Gawin mong kaibigan ang asawa mo.
Mas masarap sa pakiramdam kapag ang asawa mo ay parang barkada mo rin. Mas bukas ang usapan, mas masaya ang pagsasama.
10. Laging bukas ang komunikasyon.
Magkwentuhan kayo. Balikan ang masasayang alaala. Mag-date kayo kahit mag-asawa na. Pag-usapan ang problema—hindi ito dahilan para mag-away, kundi para mas lalo kayong magkaintindihan.
---
💬 Tandaan:
“Kapag mabuti ang asawa, mas lalong gumagaling ang kabiyak.”
Kaya kayong dalawa, dapat laging nagdadamayan.