18/08/2026
BAKIT NAG CANCEL SI A$AP ROCKY SA COLLAB
Recently, nag-DM si A$AP Rocky sa isang graphic designer para magpagawa ng logo.
Na-excite yung designer kaya screenshot agad yung DM ni Rocky at pinost sa social media…
Nakita ni Rocky at nag-reply:
“This is just distasteful. Well I guess we won’t be working, best of luck buddy.”
Maraming normal na tao siguro hindi maiintindihan kung bakit big deal yun.
“Anong masama? Wala naman siyang pinost na sikreto”
Pero pag medyo kilala ka na, maiintindihan mo kung bakit nakakawalang gana makipag-work sa mga taong ganito.
Pag normal na tao nag-message sa isang tao, usapan lang yun.
Pero pag kilalang tao ang nag-message…
Auto screenshot.
Biglang story.
Biglang send sa GC.
Kahit wala ka namang sinabing masama o sikreto.
Kaya habang tumataas ang status mo, mas nagiging importante sayo yung mga taong marunong humawak ng access.
Kasi ang maiisip mo agad:
“Kung itong simpleng DM pinost nya agad nang hindi nagpapaalam, paano pa kapag may actual business na kami?”
Paano pag may unreleased project?
Paano pag may business plans na hindi pa dapat malaman ng public?
Paano pag may private conversation?
Paano pag may problema o disagreement?
Paano pag may sinabi kang casual lang pero biglang ginawang content?
Kaya isa sa mga pinaka-appreciated naming qualities sa isang tao ay marunong syang umasta nang normal kahit binigyan mo sya ng access.
Hindi lahat kailangan i-post.
Hindi lahat kailangan i-flex.
Hindi lahat ng interaction sa kilalang tao kailangan gawing content.
At minsan, yung excitement mong ipakita sa lahat na nakapasok ka sa isang room…
yun din mismo ang dahilan kung bakit hindi ka na makakabalik sa room na yun.
Kaya minsan mapapansin niyo, yung mga taong matagal nang malapit sa mga sikat, mayayaman o powerful na tao…
sila pa yung tahimik.
Kasi naiintindihan nila na pag pinagkatiwalaan ka ng access, hindi ibig sabihin nun binigyan ka rin ng permission para ipakita sa lahat yung access na yun.