Mga Liham Sa Dapithapon

Mga Liham Sa Dapithapon Writing Tagalog Poetry, Spoken Word Poetry, Life Stories, tips to Move on after Break Up, Motivational Quotes

Ang Mga Liham Sa Dapithapon page contains tagalog poetry and spoken word poetry about love, affection, relationship and failures, tips move after break up, motivational quotes and life stories.

Sobrang down ko noon,at nang marealize ko na parang nakakalimutan ko na mismo 'yung tunay na halaga ko, kumalma ako sagl...
08/08/2025

Sobrang down ko noon,

at nang marealize ko na parang nakakalimutan ko na mismo 'yung tunay na halaga ko, kumalma ako saglit. Binalikan ko 'yung mga rason kung bakit ko nararanasan 'yung mga pagsubok na 'yun — kung worth it pa ba ang umasa na babalik siya, kung tama pa ba na uunahin ko siya?

At doon ko naramdaman na tama na. Na kailangan ko nang itigil 'yung pagpapahirap ko sa damdamin ko.

At habang lumilipas ang panahon, unti-unti kong natatanggap. Unti-unti kong nakikita ang halaga ng sarili ko.

Hanggang dumating ang pagkakataon na ito, grateful sa lahat na mayroon ako, less expectations, less stress, less sleepless night, at palaging masaya ang pagharap sa bagong umaga.

paborito kong yakapin 'yung mga unan ko, sila 'yung mga nagpapakalma sa damdamin ko
06/08/2025

paborito kong yakapin 'yung mga unan ko, sila 'yung mga nagpapakalma sa damdamin ko

ito ang masasabi kong "napatawad na natin ang isa't isa".
06/08/2025

ito ang masasabi kong
"napatawad na natin ang isa't isa".

magaan na sa pakiramdam na parang kalmadong ulap
04/08/2025

magaan na sa pakiramdam na parang kalmadong ulap

Paulit-ulit ko pa rin inaalala 'yung panahon na halos mawalan ako ng malay sa kaiiyak — dahil 'yun sa isang tao na pinaa...
03/08/2025

Paulit-ulit ko pa rin inaalala 'yung panahon na halos mawalan ako ng malay sa kaiiyak — dahil 'yun sa isang tao na pinaasa lang ako pero hindi pala talaga ako tanggap.

At nu'ng oras na gusto kong isigaw ang lahat ng mga sama ng loob ko sa mundo, narinig ko ang bawat hakbang mo sa mga nakakalat na tuyong dahon sa likuran ko.

Umupo ka sa aking tabi. Walang pag-aatubili. Ni hindi mo man lang ako tinanong kung gusto ko ba ng kasama nu'ng panahon na 'yun o hindi.

Sabi mo "narito lang ako palagi, dadamayan ka kahit hindi mo hilingin" at sinabayan mo pa ng ngiti.

Hindi pa rin gumaan ang loob ko nu'n, pero sinabi ko sa'yo na gusto kong isigaw 'yun sa mundo.

"sabay tayo" sagot mo.

Ginawa natin 'yun pagkatapos mong magbilang ng tatlo. At magkasabay din nating nilingon ang paligid — mabuti na lang at walang nagalit sa mga nakarinig.

Sinundan natin ng mahabang halakhak at tawa.

Paulit-ulit ko pa rin inaalala ang pagkakataon na 'yun — dahil hindi mo ako binitawan, simula noon hanggang ngayon.

Kung maaalala mo pa ang lahat ng mga ipinangako mo noon, siguro mas madali mong maintindihan kung bakit tayo umabot sa g...
01/08/2025

Kung maaalala mo pa ang lahat ng mga ipinangako mo noon, siguro mas madali mong maintindihan kung bakit tayo umabot sa ganito ngayon.

Puno tayo ng mga pangarap—magkasabay na tatanggap ng diploma, magkasamang magtratrabaho sa ibang bansa, bubuo ng masayang pamilya, at habang buhay na mamahalin ang isa't isa.

Pero nabigo tayo. Hindi natin napanindigan. Hindi natin nakayanan harapin ang mga salitang naririnig natin sa iba. Hindi natin nakayanan labanan ang mga hadlang.

Bago ko 'tinupad ang mga pangarap ko, hinintay kita dito — dito sa paborito kong pasyalan kung saan mo ako palaging sinusuyo — pero 'di ka dumating.

Siguro dahil tanggap mo na. Na okay lang sa'yo. Na kaya mo nang wala ako sa buhay mo. At ngayon, lumipas na ang dalawang taon, tanggap ko nang hindi talaga magiging tayo.

Malago na 'yung hardin. 'Yung paborito mong tambayan sa umaga pagkagising, at ganun din sa pagsapit ng takipsilim.Gusto ...
01/08/2025

Malago na 'yung hardin. 'Yung paborito mong tambayan sa umaga pagkagising, at ganun din sa pagsapit ng takipsilim.

Gusto ko 'yung kinukuhanan ka ng litrato, kaharap ang mga ito habang nakaupo. Maituturing kong obra maestra ang bawat detalyeng makikita sa mga daliri mo't talulot.

Ang maalaga mong haplos. Mga ngiti ng pagpapasalamat.

Gusto kong makita kang muli. Marinig ang iyong boses. Maranasan muli ang mga halakhak mo't iyak. Gusto kong makita kang masaya sa pag-usbong nitong magagandang bulaklak.

Kung p'wede lang sanang ibalik. Pero paano mangyayari 'yon, kung masaya ka na d'yan sa langit.

may binubuo palang masakit na plano sa likod ng pagiging tahimik lang
29/07/2025

may binubuo palang masakit na plano sa likod ng pagiging tahimik lang

hindi pala dapat naghahabol, dahil ang tunay na umiibig, hindi umaalis
28/07/2025

hindi pala dapat naghahabol, dahil ang tunay na umiibig, hindi umaalis

hindi ako yung tao na "Oo" lang ng  "Oo"
27/07/2025

hindi ako yung tao na "Oo" lang ng "Oo"

masakit ang paghihiwalay noong bago pa,dahil hindi ko ‘yun inaasahan. kahit isang beses ay hindi ‘yun bumisita sa aking ...
25/07/2025

masakit ang paghihiwalay noong bago pa,

dahil hindi ko ‘yun inaasahan. kahit isang beses ay hindi ‘yun bumisita sa aking isipan. dahil hindi gano’n ang pagkakilala ko sa’yo.

pero kahit na sino, nagbabago rin pala ang kahalagahan ng pag-ibig kapag hindi na nakukuntento – kahit na ‘yung pagmamahal na galing sa’yo.

masakit noong bago pa, dahil akala ko ay ibang-iba ka sa kanila. ‘yung pag-asang natagpuan ko na ang tamang tao para sa’kin, nananatiling nasa pangarap pa.

pero sa simula lang ang lahat ng ‘yun, dahil habang tumatagal, unti-unti ko ring natutunan na tanggapin.

na hindi na ako
na wala ng tayo

at simula nu’n, unti-unti na ring nabawasan ang bigat at sakit na bitbit ng puso ko.

Address

Quezon
110

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mga Liham Sa Dapithapon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Mga Liham Sa Dapithapon:

Share

Category