29/12/2025
Bago pa matapos ang taon, humabol ka pa talaga 😅
Pero quick note lang, kung may sasabihin ka, mas okay sana kung gamit mo ang totoong account. Mas madali kasing manindigan kapag hindi nagtatago.
Pasensya na kung kinailangan naming bitawan ang negosyo namin.
Hindi dahil mahina kami, kundi dahil marunong kaming umamin kapag kailangan munang umatras para hindi tuluyang masira.
At kung sa tingin mo madali ‘yon, mali ka.
Hindi naging madali. Hindi kailanman.
Hindi mo nakita ang mga gabing walang tulog,
ang mga planong paulit-ulit binago,
ang takot na baka mali ang desisyong ginawa
pero tinuloy pa rin namin kasi naniwala kami sa pangarap.
Hanggang ngayon, dala pa rin namin ‘yon.
Parang bubog, masakit, pero nagpapaalala kung gaano kalalim ang pinagdaanan.
Maraming what ifs, oo.
Kasi hindi lang basta negosyo ang sinugal namin, buong direksyon ng buhay.
May mga oportunidad kaming binitawan.
May buhay kaming iniwan.
Kung hindi kami nag-negosyo, baka wala ka ring nababasang ganitong kwento ngayon. Tahimik sana ang buhay namin, nag tratrabaho sa ibang bansa, walang kailangang patunayan, walang kailangang ipaliwanag.
Nung bumalik kami sa content creation, hindi ito para magpanggap na okay ang lahat.
Ginawa namin ‘to para i-document ang totoo,
ang simula, ang pagkatalo, ang pagbangon.
Para may balikan kami bilang mag-partner, bilang magkasama sa laban.
Kung may sumabay, salamat.
Kung may humusga, ganun talaga.
At kung sa tingin mo wala na kaming pag-asang makabalik sa negosyo
baka matagalan, oo.
Kasi ngayon, mas maingat na kami.
Mas pinanghahandaan ang lahat
Mas grounded.
Hindi namin kailangan patunayan ang sarili namin sa mga taong isang comment lang ang ambag sa kwento namin.
Ang mahalaga, alam namin kung saan kami nanggaling at saan kami papunta.
Hindi kami perpekto.
Pero hindi rin kami sumusuko.
At sa mga madaling manghusga
salamat sa paalala kung bakit mas pinipili naming magpatuloy kaysa mag paliwanag.
Cheers to our next chapter.
Kung saan mas malinaw na ang dahilan kung bakit kami nagsimula. 🥂