21/12/2025
ISANG NAPAKAGANDANG KWENTO
Ako ay isang lalaki may asawa, at ang aking asawa ay maliit at payat kung ikumpara sa'kin. Ako naman ay matangkad at maskulado binigyan ako ni allah ng malaki at atletikong pangangatawan. Dahil sa kaliitan ng aking asawa, madalas ko siyang asarin. Minsan nagtatago ako bigla para takutin siya, Minsan naman ninanakaw ko ang kanyang diary at itinataas ko nang hindi niya maabot dahil sa kanyang pagiging pandak. Minsan ginugulo ko siya habang nanonood ng TV o nagluluto ng haponan.
Natutuwa ako sa pang-aasar sa kanya, lalo na kapag nakikita ko siyang gustong gumanti pero dinya magawa, noong una, tela natutuwa rin siya, pero napansin kung nagsimula siyang mainis sa mga kalokohan kong parang bata.
Isang araw maaga akong gumising para pumasok sa trabaho. nakita ko siyang naghahanda ng agahan, kaya tinakot ko siya gaya ng dati, Pero sa pagkakataong ito sabi niya saken nang may matinding takot:
ngayong gabi, kapag umuwi ka, wala na ako rito.
Akalako nagbibiro lang siya palagi niya kasi akong binabantaan ng ganun kapag kinakabahan siya. pero nang umuwi ako sa gabi, tinawag ko siya... walang sumagot. paulit-ulit ko siyang tinawag, pero tahimik lang Hinanap ko siya sa buong bahay, pero wala siya. nang pumunta ako sa kusina, may nakita akong nakadikit na papel na may sulat:
ingatan mo ang sarili mo, hindi na ako babalik.
Bigla akong nanghina. parang nawalan ng lakas ang mga paa ko. ramdam ko ang matinding lamig at panghihina sa buong katawan ko. sa sandaling iyon, naramdaman kong ako ang pinakamahinang tao sa mundo.
doon ko naunawaan na ang maliit, payat, at mahinang babae iyon ang siyang pinagmumulan ng aking lakas. na wala ako ng wala siya. sumandal ako sa pader at umiyak nang parang batang nawalaan ng Ina.
Hanggang sa may napansin akong gumagalaw sa ilalim ng mesa....at may narinig akong mahinang tawanan.
Oo, siya yun!
Nagtago pala siya doon mabilis ko siyang niyakap, habang ako'y umiiyak ng husto. Siya naman, tawa ng tawa.
Nabaliktad ang sitwasyon.
At sa sandaling iyon, lubos kung naunawaan :
kung Wala ang babaeng mahina na iyon, ako ang pinaka mahina sa mundo.