JC Legal Law

JC Legal Law Legal Books

Section 13 (a) at 16 (a), Rule III, The 2021 Revised Implementing Rules and Regulations  - Hinde Nagbabayad ng Monthly D...
29/08/2025

Section 13 (a) at 16 (a), Rule III, The 2021 Revised Implementing Rules and Regulations - Hinde Nagbabayad ng Monthly Dues Homeowners

Ano Batas Dito
Dear Atty. Boy Cuenco

Hindi na ako nakabayad ng monthly association dues sa loob ng isang taon bilang member ng homeowners May karapatan pa rin ba akong gamitin ang aming clubhouse kahit hindi nakakabayad ng nasabing association dues? – Myra

Myra, Ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Section 13 (a) at 16 (a), Rule III, The 2021 Revised Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 9904 o mas kilala sa tawag na “The Magna Carta for Homeowners and Homeowners Associations,” kung saan nakasaad na:

“Section 13. Rights of a Member. A member shall have the following rights:
Avail of and enjoy all basic community services and the use of common areas and facilities, Provided, the member is in good standing;

Section 16. Delinquent Member or Member Not in Good Standing. Unless otherwise provided in the bylaws, a member may be declared delinquent or not in good standing by the Board of Directors on any of the following grounds:

a. Failure to pay at least three (3) cumulative monthly dues or membership fees, and/or other charges and/or assessments despite repeated demands by the association;
A member who has been declared delinquent or not in good standing in accordance with the procedure in the succeeding Section is not entitled to exercise the rights of a member, but is nevertheless obliged to pay all fees and dues assessed a member in good standing.”

Samakatuwid, malinaw sa batas na ang miyembro ng isang homeowner’s association ay may karapatang gamitin ang lahat ng mga common areas at facilities ng kanilang subdivision, sa kondisyon na ang nasabing miyembro ay in good standing. Ayon din sa nasabing batas, ang isang miyembro ay maaaring ideklarang delinquent kung siya ay hindi nakabayad ng monthly dues sa loob ng 3 buwan.
Ibig sabihin, dahil 1 taon ka nang hindi nakakabayad ng monthly association dues, maaari ka nang madeklarang delinquent. Dahil dito, maaari ka na ring tanggalan ng karapatang gamitin ang mga common areas at facilities ng inyong subdivision kagaya ng inyong clubhouse.

AUGUST 25, 2025 503PM
2024batasfebMAR
PAGE 12

“The Magna Carta for Homeowners and Homeowners Associations.”  Section 3 (j)  Homeowner's Association Membership ng Lupa...
16/08/2025

“The Magna Carta for Homeowners and Homeowners Associations.” Section 3 (j) Homeowner's Association Membership ng Lupa Lang Nabili

Dear Atty. Boy Cuenco

Maaari na ba akong sumali sa homeowner’s association ng aming lugar kahit na lupa pa lang pagmamay-ari ko sa nasabing subdivision? – Helen

Dear Helen,
Ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Republic Act No. 9904 o mas kilala sa tawag na “The Magna Carta for Homeowners and Homeowners Associations.” Ayon sa Section 3 (j) ng nasabing batas:

“(j) “Homeowner” refers to any of the following:

An owner or purchase of a lot in a subdivision/village;

Dagdag pa ng Section 5 (a) Rule II, The 2021 Revised Implementing Rules and Regulations ng parehong batas:

“Section 5. Commencement of Homeownership. Homeownership begins:
By owning a lot in a subdivision/village and other real estate development for residential purposes;
b. By purchasing a lot and/or unit in a subdivision/village and other similar real estate development project for residential purposes;

c. By being an awardee, usufructuary, or legal occupant of a unit, house and/or lot in a private, non government or government socialized or economic housing or relocation and/or resettlement project and other urban estates;
and
d. By being a prospective beneficiary or awardee of ownership rights under the CMP, LTAP, and other similar programs.”

Samakatuwid, ayon sa batas, ang homeownership ay magsisimula kung ang isang tao ay magiging may-ari ng isang lupa sa isang subdivision o village. Kaya naman, mula sa oras ng pagbili ay maituturing na siyang homeowner. Ibig sabihin, ikaw ay itinuturing na isang homeowner dahil nakabili ka ng lupa sa isang subdivision. Bilang isang homeowner, maaari ka nang maging miyembro ng inyong homeowner’s association, kahit na hindi mo pa napatatayuan ng bahay ang iyong lupa.

07222025
2024batasfebMAR PAGE 9

MGA PROPERTIES IPINAMIGAY SA MGA CHARITABLE INSTITUTIONS - DEED OF DONATION COMPULSORY HEIRS AND CO - OWNERSHIPPinamimig...
27/08/2024

MGA PROPERTIES IPINAMIGAY SA MGA CHARITABLE INSTITUTIONS - DEED OF DONATION COMPULSORY HEIRS AND CO - OWNERSHIP

Pinamimigay ang Pag-aari

Dear Atty. Cuenco

GUSTO NAMING MAGTANONG sa abogado tungkol sa properties ng aking kaibigan. Marami po siyang mga lupain subalit siya ay may kahati rito. Gusto po ng kaibigan ko na iwanan sa mga orphanage at charitable institutions ang lahat ng kanyang kaparte sa mga nasabing properties. Ayaw po niya itong iwanan sa kanyang mga pamangkin. Ano po ang dapat niyang gawin? – Manly

Dear Manly,

WALA PONG MAKAPIPIGIL sa inyong kaibigan na iwanan niya ang lahat ng kanyang pag-aari sa mga orphanage at charitable institutions maliban lamang kung makakaapekto ito sa mga mamanahin o ang tinatawag nating legitime ng kanyang mga compulsory heirs. Ang tinatawag na legitime ay ang parte ng mga ari-arian ng namatay na hindi maaaring ipamigay o galawin dahil ito ay inilaan ng batas sa mga compulsory o forced heirs.

Sa ilalim ng Artikulo 887 ng Kodigo Sibil, ang mga sumusunod ay itinuturing na compulsory heirs:

“1. Legitimate children and descendants, with respect to their legitimate parents and ascendants; In default of the foregoing, legitimate parents and ascendants, with respect to their legitimate children and descendants; The widow or widower; Acknowledged natural children by legal fiction; Other illegitimate children.”

Kapag wala pong legal na tagapagmana ang inyong kaibigan ay maaari po niyang ipamigay sa iba ang kanyang mga pag-aari. Subalit bago po niya gawin ito ay kailangan po muna niyang wakasan ang co-ownership sa mga nasabing ari-arian. Ayon sa batas, merong co-ownership kung ang pagmamay-ari ng isang bagay ay nasa ilalim ng pangalan ng mga magkakaibang tao. Ang bahagi ng bawat isang nagmamay-ari ay ipinagpapalagay ng batas na pantay-pantay maliban lang kung tukoy na ang bahagi ng bawat isa (Article 485, Civil Code of the Philippines).

Kinakailangan po muna niyang ayusin ang lahat ng dokumento na may kinalaman sa mga ito para malinis ang pagkakalipat ng mga ito sa mga pangalan ng mga itatalaga niyang tatanggap ng kanyang kagandahang loob. Ang pinakamainam na gawin niya ay kausapin niya ang kanyang co-owner para mapaghatian na nila ang mga nasabing lupain at matukoy na rin nila ang kani-kanilang mga parte.

Walang maaaring pumigil o humadlang sa isang co-owner na buwagin ang co-ownership. Bawat isa sa mga nagmamay-ari ay may karapatan para hilingin ang kanyang parte sang-ayon sa sakop ng kanyang pag-aari, maliban lamang kung hindi pinahihintulutan ang pagkakahati nito. Anumang pagbabawal sa pagbuwag ng co-ownership ay hindi dapat mas matagal sa dalawampung (20) taon (Article 494, Civil Code of the Philippines) Kapag walang pagbabawal sa paghahati ng mga ari-arian, maaari nang isagawa ng inyong kaibigan ang paghahati ng mga sinasabing ari-arian.

Kapag ang co-ownership ay buwag na at ang mga lupaing bahagi ng kanyang parte ay nasa pangalan na niya, maaari na siyang gumawa ng Deed of Donation pabor sa mga institusyong nais niyang mabahaginan ng kanyang mga pag-aari. Upang ang donasyon ng isang lupain ay magkaroon ng bisa, kinakailangan po itong nakapaloob sa isang public document kung saan ay inilalarawan ang ari-ariang ipinamimigay at ang halaga ng mga kaukulang bayad na dapat bayaran ng tatanggap kung meron man. Ang pagtanggap ng donee ng nasabing donasyon ay maaari na ring ilagay sa pareho o kaya ay sa ibang dokumento (Article 749, Civil Code of the Philippines).

PAGE 30 TO 40

19/03/2024

Address

Galleria Corporate Center
Quezon City
1111

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JC Legal Law posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share