26/05/2022
Real talk sa usapang life insurance.
Marami akong nakikitang ganitong post kagaya ng nasa ibaba. But as an insurance advisor myself, di ko mapigilang hindi mag-comment. Gets ko naman na gusto nating i-highlight ang benefits ng life insurance pero medyo problematic yung ganitong post, in my opinion lang naman.
โMay 1500 ka, nilagay mo sa bank, nadisabled ka bukas, 1500 lang makukuha moโ
๐๐ป Pinaka-basic pa rin na meron tayong liquid cash na pwedeng magamit for immediate needs.
๐๐ป Savings and insurance serve very different purposes. Savings ay literal na pag-iipon ng pera, possibly for immediate or short-term needs/goals. Ang insurance naman ay isang risk management tool na kukunin mo para may financial aid ka in the event na mangyari sayo yung unfortunate event.
๐๐ป Hindi nila alternative ang isaโt isa. Allocate resources in these two separately.
โMay 1500 ka, pinangkuha mo ng life insurance plan, nadisabled ka bukas, may 2 million ka.โ
๐๐ป Okay hindi naman sa nililiteral ko no, pero hindi rin naman tayo maaapprove sa insurance application kinabukasan agad-agad ๐
Yes merong temporary life insurance sa ibang company provided na nagbayad ka na, pero hindi naman covered ang disability dito.
๐๐ป โLife insuranceโ ang usapan, hindi laging merong cash benefit for disability sa ganitong plans. Usually yung โ2 millionโ benefit sa ganito is referring to DEATH benefit. So kahit kumuha ka ng life insurance, pero walang cash benefit for disability yung plan mo, wala kang makukuha.
๐๐ป For minor accidents, mainam na merong personal accident insurance which usually ay nabibili sa non-life insurance providers.
๐๐ป For major disabilities, like loss of limbs, blindness, deafness, etc. - yung ibang life insurance plans ay merong riders na pwede nyong lagyan ng nagcocover sa ganitong conditions. Pwedeng โAccidental Death, Dismemberment, Disablementโ Benefit, or yung ibang Critical Illness Benefit ay sinasama rin yung ganitong conditions. Dito believable yung โ2 millionโ pag nadisable.
๐๐ป However check nyo pa rin dahil may waiting period minsan ang mga ganitong benefit. Just because it happened to you a day after approval ng insurance, does not always automatically mean na entitled na kayo sa benefit. Basahing mabuti ang fine print ng policy.
Ayoko lang na mag-overpromise sa mga clients, lalo na pag nakakakita sila ng ganitong posts so nabbring up nila sa akin. To my fellow insurance agents, let us not over-sell; letโs be transparent and set the right expectations sa mga kumukuha ng insurance plans. ๐