22/08/2025
Biglang nag pop up yung last message sakin ng ex ko na naka relasyon ko ng tatlong taon. Sa loob ng 3yrs na un, pinalamon niya daw ako, at pinakinabangan ko daw siya ng mahabang panahon. At sa lahat ng nalalaman niya sa buhay ko, yun yung parang naging sandata niya para ipamukha sakin na masama akong babae kaya rin hindi niya ko nirerespeto. Bigla lang akong nalungkot kasi kahit na alam ko sa sarili kong hindi naging maganda Yung nakuha kong treatment sa kaniya verbally, minahal ko yung taong yun kahit na puno ng sakit na salita at puro sumbat ang nakkuha ko sakanya. May ganun pala talaga noh? Kahit na nasaktan ka na ng ilang beses, mas pinipili pa din natin mag stay, at mahalin yung taong nakapanakit sa atin. Na kahit ilang beses ka na nakatanggap ng mga masasakit na salita na halos tinapak tapakan na yung pagka tao mo, minamahal mo padin sila kahit na ganun yung ginagawa sayo.