25/06/2025
Grabeng Nostalgia ang dulot sa akin nitong puno ng Aratelis mga Miii🥹🥹🥹. Hindi lang to basta prutas. Isa itong time machine na bumabalik sa panahong simple lang ang buhay. Walang cellphone, walang WiFi, pero may puno ng aratelis na saksi sa ating pagiging malikot, maligaya, at malaya. Ito ang tunay na pambansang “candy” ng mga batang pinoy noon.
Sa likod ng eskwelahan, sa bakuran ni Lola, tabi ng ilog o sa abandonadong lote sa kanto — doon natin natuklasan ang tamis ng aratelis. Walang pambili? Walang problema. Basta may matibay na tuhod at tibay ng loob, kakayanin ang pag-akyat. Minsan pa nga, takbuhan pag pinagalitan ng may-ari ng puno! 🤣🤣🤣
Salamat sa mister ko na nag video sakin😁