ZZA ''�Being A mom has made me so tired and so happy �

Just because i am mother doesnt mean i cannot be successful ,, shout out to all mom out there �

AWARENESS POST‼️Namatay ang 2 month old baby ko ilang oras matapos magpabakuna sa health center.Share ko ito hindi para ...
01/03/2026

AWARENESS POST‼️

Namatay ang 2 month old baby ko ilang oras matapos magpabakuna sa health center.

Share ko ito hindi para manakot, kundi para maging aware ang lahat.

Healthy ang 2 month old baby ko. Napakalusog niya. Wala siyang sakit. Ubo, sipon, lagnat o kahit anong sintomas bago ang araw na nagpabakuna siya ng Pentavalent, PCV at OPV sa health center ng Harmony Hills 1, Muzon, CSJDM, Bulacan. Hindi ako magpapabakuna kung may sakit siya kahit konti. Bilang nanay, hindi ko isusugal ang anak ko. Normal lahat ng results niya, pati newborn screening.

Pagdating ng hapon matapos ang bakuna, napansin ko tumamlay siya. Tulog nang tulog. Humina dumede. Kumonti ang ihi. Inisip ko baka normal lang na side effect kaya minonitor ko muna.

Pero pagdating ng gabi, iba na talaga. Namumutla siya. Umaalon ang tiyan niya habang humihinga at parang hirap na hirap siyang kumuha ng hangin. Doon na kami natakot at sinugod siya sa ER.

Pagdating doon, 66 na lang ang oxygen niya. Critical na pala. Na-intubate siya. Hindi na mahanap ang ugat dahil bagsak ang circulation niya kaya nilagyan siya ng line sa leeg. Ang bilis ng lahat. Ilang oras lang… nawala siya.

Ang sabi ng hospital, meningitis with septic shock ang cause of death at mataas ang infection niya base sa labs. Ang nakakapagtaka lang, sobrang bilis daw ng progression. Maging ang mga doctor nagulat din sa bilis ng nangyari at nanghihingi pa ng updates sa case niya.

Hindi ako doktor. Hindi ko agad sinisisi ang bakuna. Pero bilang magulang na nawalan ng anak ilang oras lang matapos magpabakuna habang wala namang sakit ang bata, hindi mo maiiwasang magtanong. Lalo na kung may mga nagkukwento na may kahalintulad na nangyari sa parehong center.

Gusto ko ng malinaw na sagot. Gusto ko ng hustisya para sa anak ko. Kung may dapat imbestigahan, sana gawin. Kung may dapat ayusin sa proseso, sana maayos bago may isa na namang pamilya ang mawalan ng baby.

Nanawagan ako sa DOH, sa local health authorities, at pati sa Raffy Tulfo In Action na sana matulungan kaming malinawan at maimbestigahan ito nang maayos. Hindi para manira, kundi para malaman ang totoo.

Hindi ko na maibabalik ang baby ko. Pero hihingi ako ng hustisya para sa kanya. Hindi niya ho deserve ito.

Tignan niyo naman ang picture. Grabe ang pamamaga ng hita ng ang aking anak


KUNG LOLOKOHIN KA MAN NG ASAWA/PARTNER MO,choice niya yun. Yan yung mga bagay na hindi natin mapipigilan or mababantayan...
26/02/2026

KUNG LOLOKOHIN KA MAN NG ASAWA/PARTNER MO,

choice niya yun. Yan yung mga bagay na hindi natin mapipigilan or mababantayan ng 24/7

It's beyond our control. After all, kung maländi talaga yan, tulog o gising ka man, he or she will find a way to flirt with someone.Hahanap talaga iyan ng paraan para sa kaløkühan niya.

Yung pagiging kuntento kasi ng isang tao, hindi kasi tinuturo yun kundi isa dapat yun sa mga bagay na meron ka kapag nagmahal ka.

Nasa ugali iyan ng tao at hindi mo na dapat e remind na maging kuntento dahil ang taong hindi makuntento kahit ibigay mo pa lahat. kahit ubusin mo pa ang lahat ng meron ka para sa kanya, hindi ka parin magiging sapat.

So stop being so paranoid about everything kasi kung lolokohin ka, lolokohin ka talaga.

Okay lang yan kesa naman kamukha Ng kapit bahay 🫢
24/02/2026

Okay lang yan kesa naman kamukha Ng kapit bahay 🫢

SA ASAWA MO MUNA, HINDI SA IBAAng asawa ang katuwang mo sa buhay, kaya sa kanya dapat umiikot ang mga bagay na mahalaga....
24/02/2026

SA ASAWA MO MUNA, HINDI SA IBA

Ang asawa ang katuwang mo sa buhay,
kaya sa kanya dapat umiikot ang mga bagay na mahalaga.

Sa asawa mo dapat hihingi ng tulong—
hindi kung kani-kanino.
Siya ang kakampi mo, hindi ibang tao.

Sa asawa mo dapat idinadaan ang mga plano,
mga pangarap, at maging ang mga problema.
Siya ang dapat unang nakakaalam,
hindi ang kapitbahay o kaibigan.

Sa asawa mo dapat nararamdaman
ang pagmamahal at respeto, hindi lang kapag may tao.

Sa asawa mo dapat hinuhugot ang lakas,
inspirasyon, at direksyon para maitaguyod
nang maayos ang pamilya.

Sa asawa mo dapat may tiwala—
sa kanya mo dapat nilalapit ang iyong hinanakit at saya.

Ang magandang relasyon ay nasusukat sa
tamang komunikasyon at respeto.
Gawin mong kaibigan at kakampi ang iyong asawa,
hindi kalaban o taong sinasabihan lang
kung kailan may kailangan.

Madalas nating marinig:"Bakit hindi ka umalis agad?""Bakit ka nagpaka-martyr?""Bakit inabot ng 10, 20, 30 years bago ka ...
23/02/2026

Madalas nating marinig:
"Bakit hindi ka umalis agad?"
"Bakit ka nagpaka-martyr?"
"Bakit inabot ng 10, 20, 30 years bago ka kumalas?

Pero ang mas tamang tanong siguro ay:
"Ano ang pinagdaanan niya bago siya naging handang umalis?"

Kase ang totoo, ang pag-alis sa isang narcissistic o abusive na relasyon ay hindi simpleng pag-iimpake ng gamit.
Hindi lang ito tungkol sa “kung ayaw mo, edi umalis ka.”

Ito ay matinding laban sa sariling isip at puso.

May TRAUMA BOND —
Ito ay hindi simpleng attachment.
Ito ay parang panloob na chain na nakakabit sa puso mo, utak mo, at damdamin mo.
Kapag masama ang partner, sobrang sakit.
Kapag bigla silang naging mabait o sweet, parang euphoric high ang nadarama mo.
Unti-unti kang naaadik sa pag-asa na babalik ang dating version ng taong minahal mo, kahit paulit-ulit kang nasasaktan.

May HOPE —
Ito ay parang double-edged sword.
Umaasa ka na babalik yung dating siya.
Umaasa ka na baka magbago pa.
Umaasa ka na ito na yung huling beses ng sakit.
Pero habang may hope, nakakapit ka pa rin sa ilusyon, at paulit-ulit kang nasasaktan.

May GASLIGHTING —
ito yung kapag paulit-ulit mong naririnig na “masyado kang sensitibo,” “baliw ka”, o “ikaw ang may kasalanan”, unti-unti mong nadidilim ang sariling perception ng realidad.
Naniniwala ka na ikaw lang ang may kakayahan ayusin ang relasyon.

Ang utak mo, puso mo, at damdamin mo — nakakalito sa kontradiksyon ng love bombing at pang-aabuso.

May PRACTICAL REALITIES—
May mga anak na iniisip mo.
May financial dependency at utang na hindi mo kayang solusyonan mag-isa.
May bahay at responsibilidad na parang nakakadena sayo.
Takot sa hindi kilalang hinaharap at pakiramdam na wala nang tatanggap sayo.

May SHAME AT PRESSURE NG SOCIETY —
"Tagal niyo na, bakit ngayon ka pa aalis?"
"Tiisin mo na, pamilya yan."
Parang panloob na boses ng judgment, na nagpaparamdam sa’yo na mali ang iyong desisyon kahit para sa kaligtasan mo.

At MAY FEAR —
takot sa retaliation, takot sa loneliness, takot na baka wala nang tatanggap sayo.

Ang pag-alis ay hindi lang physical.
Ito ay psychological at emotional na proseso.

Kailangan mo munang ma-realize na
Hindi ka baliw.
Hindi mo kasalanan.
Hindi ka kulang.
Hindi mo trabaho ayusin ang taong ayaw magbago.

Kaya kung may babaeng umabot ng 20, 30 years bago nakawala —
hindi siya mahina.
Hindi siya tanga.
Hindi siya bulag.

Survivor siya.

At minsan, ang pag-alis ay hindi dahil bigla kang naging malakas —
kundi dahil pagod na pagod ka na masaktan.



Mga mi😢… hindi ko alam pano ko sisimulan to kasi nanginginig pa rin ako habang nagta-type🥹Nakita ko sa phone ng asawa ko...
22/02/2026

Mga mi😢… hindi ko alam pano ko sisimulan to kasi nanginginig pa rin ako habang nagta-type🥹

Nakita ko sa phone ng asawa ko yung screenshot na to. Hindi ko na sana gagalawin phone niya pero may notification. Pagbukas ko… may naka-save na “Darling ❤️”.

Hindi ko agad tinanggap. In denial pa ako. Baka mali lang basa ko. Pero pag-scroll ko, may “miss na kita baby.” May “kailan ulit tayo magkikita.” May “sana andito ka sa tabi ko ngayon.” Tapos may “kung hindi lang dahil sa asawa ko.”

Mga mi… ako yung asawa😢

Hindi ako perfect na babae😢. May pagkukulang din siguro ako. Pero hindi ko deserve na lokohin ng ganito😢. Hindi ko deserve na maging dahilan sa chat nila.

Ang sakit basahin. Parang may sumuntok sa dibdib ko💔😢 Habang ako nagtitiwala, habang maayos akong asawa sa kanya, may iba pala siyang tinatawag na baby.

Hindi ko pa siya kinokonfront. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba pag harap ko siya. Galit ako, oo. Pero mas nangingibabaw yung sakit💔😢 at hiya. Parang ang baba ng tingin ko sa sarili ko ngayon😢

Sa babae, alam niyang may asawa. Nasa chat mismo. Pero tuloy pa rin siya. So hindi ko alam saan ako lulugar.

Mga mi, ano gagawin ko😢?

Diretsahan ko na ba? Ipakita ko na ba agad sa kanya yung screenshot?
O maghintay muna ako? Mag-ipon pa ng lakas ng loob?

Hindi ko gusto gumawa ng eksena. Pero hindi ko rin kaya magpanggap na wala akong nakita.

Gusto ko lang marinig mga opinyon niyo. Kasi ngayon, magulo utak ko. Masakit. Galit.😢💔💔 Halo-halo.

Please be kind. Hindi ko talaga alam susunod kong hakbang😢😢.

𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐎𝐌𝐌𝐈𝐄𝐒 𝐈𝐍𝐆𝐀𝐓𝐀𝐍 𝐏𝐎 𝐓𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍. 𝐌𝐀𝐇𝐈𝐑𝐀𝐏 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐎𝐁𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐓𝐑𝐄𝐒𝐒‼️🥺🙏Humantong sa pagka-comatose ang nang...
21/02/2026

𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐎𝐌𝐌𝐈𝐄𝐒 𝐈𝐍𝐆𝐀𝐓𝐀𝐍 𝐏𝐎 𝐓𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍. 𝐌𝐀𝐇𝐈𝐑𝐀𝐏 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐎𝐁𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐓𝐑𝐄𝐒𝐒‼️🥺🙏

Humantong sa pagka-comatose ang nangyaring pagputok ng ugat sa utak ng isang babae na naunang nakaramdam ng matinding pananakit ng ulo. Mayroon nga bang kinalaman sa kaniyang sinapit ang sobrang stress at pagiging subsob niya sa trabaho.

May nag tag sakin dito. Eto pala yung sinabi nung nag comment sakin kanina na Interview ni Izzy at Alvin.Izzy: Pregnant ...
17/02/2026

May nag tag sakin dito. Eto pala yung sinabi nung nag comment sakin kanina na Interview ni Izzy at Alvin.

Izzy: Pregnant ako kay Shekinah.

Alvin: Pinakita niya sakin yung pregnancy test. Positive

Alvin: Sabi ko, “hindi akin yan. Nagho-hotel ka, nagpo-promote ka ng Netflix sa ABS. Malay ko anong nangyari, mag-isa ka lang nun, hindi ako kasama.”Praning mag-isip. Until ni-reveal ng Lord through my devotion… kung may kasalanan si Izzy, guilty ang itsura niyan.

Izzy: “Pinabayaan ko lang siya. Bahala ka.” (seriously girl? lol)

Ironic? Christian husband ka, pero yun agad ang naisip mo sa asawa mo? Na judge mo na agad?

Insecurity speaks louder than faith.

Sobrang sakit non na sabihan ka ng ganon ng asawa mo.

But anyway maganda naman din ang red flags pag ginawang banderitas.

🤡

Kapag anak mo lage hinahanap ang tatay nya, ibig sabihin isa syang mabuting ama.
16/02/2026

Kapag anak mo lage hinahanap ang tatay nya, ibig sabihin isa syang mabuting ama.

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ZZA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share