27/09/2025
‼️𝐁𝐈𝐆 𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐒 𝐈𝐍 𝐌𝐀𝐑𝐑𝐈𝐀𝐆𝐄‼️
SECRET 1
Bawat taong pakakasalan mo ay may kahinaan. Kapag puro kahinaan ng asawa mo ang nakikita mo, hindi mo makikita ang strength niya.
SECRET 2
Lahat tayo may madilim na nakaraan. Walang taong perpekto o anghel. Kapag nag-asawa ka o balak mong magpakasal, tigilan mo nang hukayin ang nakaraan ng iyong partner. Ang mahalaga ay ang kasalukuyan. Ang nakaraan ay lumipas na. Matuto kang magpatawad at kalimutan. Ituon ang pansin sa ngayon at sa kinabukasan.
SECRET 3
Bawat pagsasama ay may pagsubok. Ang kasal ay hindi puro saya lamang. Ang bawat magandang pagsasama ay dumaan sa matitinding apoy ng pagsubok. Ang tunay na pag-ibig ay napapatunayan sa panahon ng pagsubok. Ipaglaban ang inyong kasal. Maging handa kang manatili sa tabi ng asawa mo sa oras ng pangangailangan. Alalahanin ang sumpaan: Sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan.
SECRET 4
Iba-iba ang level ng tagumpay ng bawat mag-asawa. Huwag mong ikumpara ang inyong kasal sa iba. Hindi tayo pare-pareho ng takbo ng buhay. Ang iba mauna, ang iba mahuhuli. Para maiwasan ang stress, maging matiisin, magsikap, at darating din ang panahon na makakamtan ninyo ang pangarap niyong pagsasama.
Sekreto 5
Ang pag-aasawa ay parang pagdedeklara ng digmaan. Kailangan mong labanan ang mga kaaway ng pagsasama tulad ng:
Ignorance
Prayerlessness
Unforgiveness
Third party influence
Stinginess
Stubbornness
Lack of love
Rudeness
Laziness
Disrespect
Cheating
Maging handa kang ipaglaban ang inyong sinumpaan.
SECRET 6
Walang perpektong kasal. Walang “ready-made” na pagsasama. Ang kasal ay pinagtatrabahuhan araw-araw. Para itong sasakyan na kailangang i-maintain at i-service. Kapag napabayaan, maaaring masira at magdulot ng panganib. Kaya’t huwag maging pabaya sa inyong kasal.
SECRET 7
Hindi ibibigay ng Diyos ang isang taong “kumpleto” na ayon sa nais mo. Ibibigay Niya ito bilang hilaw na materyal na ikaw ang huhubog. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng panalangin, pagmamahal, at pagtitiyaga.
SECRET 8
Ang kasal ay malaking risk. Hindi mo alam ang hinaharap. Maaaring magbago ang sitwasyon: mawalan ng trabaho ang asawa mo o hindi kayo magkaanak. Kaya’t dapat laging may puwang para sa adjustments. Panalangin ang sandata para hindi humantong sa hiwalayan.
SECRET 9
Ang kasal ay hindi kontrata kundi habambuhay na pangako. Kailangan ng buo at tapat na commitment. Ang pag-ibig ang pandikit ng mag-asawa. Nagsisimula sa isip ang diborsyo, at pinapakain ito ng demonyo. Huwag kailanman isipin o ipangbanta ang paghihiwalay. Piliing manatiling magkasama. Kinasusuklaman ng Diyos ang diborsyo.
SECRET 10
Bawat kasal ay may halagang binabayaran. Ang kasal ay parang bangko: kung ano ang ideposito mo, iyon din ang mawi-withdraw mo. Kung walang pagmamahal, kapayapaan, at pag-aaruga kang inilalagay sa inyong relasyon, huwag kang umasa ng masayang tahanan.
Follow Wais Mom Diaries 𝓫𝔂 𝓜𝓸𝓶𝓶𝔂 𝓟𝓪𝓾 for more.