19/08/2026
Sa mga nangyayari ngayon sa ating mga paaralan, mas lalong nagiging malinaw: kailangan nating palakasin hindi lang ang physical safety ng mga bata, kundi pati ang mental health support sa schools.
Kaya mahalaga ang mga programang tulad ng DSWD’s Tara, Usap!
Pero mahalagang linawin: ang mental health support ay hindi kapalit ng accountability at konkretong safety measures.
Kailangan pa rin ng malinaw na protocols, prevention strategies, proper security, at mabilis na response kapag may banta sa safety. At kung may kapabayaan o pagkukulang sa tungkulin, may mga dapat managot.
Hindi rin dapat ilagay sa students o teachers ang responsibilidad na sila ang magresolba ng seryosong concerns. Ang role nila ay makapansin, makinig, magsabi, at mag-connect sa tamang professionals at authorities. Ang institutions at mga kinauukulan naman ang may responsibilidad na kumilos at protektahan ang buong school community.
Mental health support is one important piece of the puzzle. Kailangan itong sabayan ng safety, prevention, accountability, at maayos na systems.
Kailangan natin ng mas prepared na school community .. teachers and parents who know how to respond, students who know how to listen and speak up, at systems that can connect people to the right professional help.
Kasi minsan, student ang unang nakakapansin na hindi okay ang kaibigan niya.
Minsan, teacher at magulang ang unang nakakakita ng pagbabago sa isang bata.
At minsan, isang simpleng “Kumusta ka?” ang nagiging simula para may makapagsabi ng, “Hindi ako okay.”
Hindi ibig sabihin na tayo ang sasalo ng lahat. It means learning how to care, how to notice, and where to turn when someone needs help.
Kaya sana, hindi lang students ang ma-capacity build. Pati teachers, parents, school personnel, at buong community.
Dahil ang mental health ay hindi kanya-kanyang usapin. Magkakaugnay ang wellbeing natin. Kapag mas supported ang isa, mas nagiging supportive ang buong community.
Malayo pa tayo sa mental health support system na gusto nating makita sa bawat school.
Kaya sana mas suportahan pa natin ang mga programang ganito at mas palakasin pa ng ating gobyerno ang investment sa mental health sa alanat ng aspeto nito at sa schools, communities, at sa mga taong nandiyan para sa ating mga kabataan.
Abangan natin kung paano pa magdedevelop ang programang ito, Tara, Usap!
Because creating safer schools isn’t just about responding when something goes wrong. It’s also about building a community where people feel safe enough to speak before they reach that point.