22/04/2026
AAMIN NA SANA ANG DALAGA NG KANYANG
NARARAMDAMAN SA LALAKENG GUSTO NYA
NGUNIT ANG CEO PALA NG KUMPANYA NILA ANG
KWARTO NA KANYANG NA PASUKAN!
ALAMIN KUNG PAANO SYA IB-BLOCKMAIL NITO!
ACCIDENTALY SLAVE OF MY BOSS
CHAPTER 1-2
Sa ika-apatnapung palapag ng Monteverde Tower, si
Settniel Monteverde ay kilala bilang masungit at
antipatiko sa lahat. Walang ekspresyon ang mukha,
matalim ang mga mata, at bawat salita ay parang
batas. Pero tuwing alas-otso ng umaga, may isang
rason kung bakit siya laging nakatayo sa tapat ng
kanyang glass window habang hawak ang kape.
Iyon ay para panoorin si Savana Lewis na
naglalakad papasok sa lobby. Si Savana ay simple
lang. Madalas ay naka-ponytail lang ang buhok,
halos walang makeup, at suot ang pinaka-
ordinaryong office attire. Pero para kay Sett, siya
ang pinaka- magandang babaeng nakita niya.
May ningning ang mga mata nito na hindi kayang
tapatan ng kahit anong mamahaling alahas.
“Sir, narito na po ang reports mula sa Finance
Department,” malumanay na sabi ni Savana
pagpasok sa opisina ni Sett.
Sandaling natigilan si Sett.
“Salamat, Savana. Maupo ka muna, gusto ko lang i-
check kung tama ang mga figures dito.” Ginamit ni
Sett ang pagkakataong iyon para masulyapan ang
dalaga. Gusto niyang aminin ang nararamdaman,
pero natatakot siyang masira ang propesyonalismo
nila.
Ang hindi niya alam, ang dahilan ng pagpasok ni
Savana sa kumpanya ay hindi ang kanyang
posisyon, kundi ang lalaking nasa kabilang silid.
Paglabas ni Savana sa opisina ni Sett, hindi siya
bumalik sa kanyang desk. Sa halip, naglakad siya
patungo sa opisina ng Chief Operating Officer. si
Astre Monteverde, ang pinsan ni Sett.
Si Astre ay kabaligtaran ni Sett. Palabiro ito,
charismatic, at palaging nakangiti. Siya ang lalaking
matagal nang minamahal ni Savana sa malayo.
Kaya siya nagtiyagang mag-apply sa Monteverde
building ay para lamang makalapit dito.
“Astre! I mean, Sir Astre, may kailangan po ba
kayo?” tanong ni Savana, na biglang nagbago ang
aura. Mas masigla siya at Masaya.
Mula sa malayo, nakita ni Sett ang tagpong iyon.
Ang ngiting hindi kailanman ibinigay ni Savana sa
kanya ay malayang ibinibigay nito sa kanyang
pinsan. Doon nagsimulang kumirot ang dibdib ng
makapangyarihang CEO.
Habang tumatagal, naging mas pansin ni Sett ang
pagiging malapit nina Savana at Astre. Sa bawat
meeting, nakikita niya ang palitan ng tingin ng
dalawa. Akala ni Savana ay hindi siya napapansin,
pero bawat kilos niya ay nakaukit sa isipan ni Sett.
Isang gabi, naabutan ni Sett si Savana na nag-o-
overtime. “Bakit nandito ka pa?” seryosong tanong
ni Sett.
“Tinutulungan ko po si Sir Astre sa presentation niya
para bukas.” sagot ni Savana nang hindi tumitingin
ngunit nakangiti..
Kumumot ang noo ni Sett at binaliwala na lamang
ang mga sinabi ng dalaga.
Lumipas ang tatlong araw, Gabi ng Anniversary Gala
ng Monteverde Global. Lahat ay nakasuot ng
magarbo, pero si Savana ay nanatiling simple sa
kanyang suot na dress na lalong nagpalitaw sa puti
ng kanyang balat. Sa kanyang maliit na bag,
nakatago ang isang kulay-rosas na sobre. isang
liham kung saan ibinuhos niya ang ilang taon
niyang paghanga kay Astre.
Kaya mo 'to, Savana,” bulong niya sa sarili. Dahil
sa sobrang kaba, sunod-sunod siyang uminom ng
champagne. Hindi siya sanay sa alak, kaya mabilis
na umakyat ang init sa kanyang ulo. Ang kaba ay
napalitan ng mapanlinlang na lakas ng loob.
Nalaman niyang nasa isang VIP room sa itaas si
Astre para sa isang pribadong usapan, balak na
nyang nagtapat ng nararamdaman para kay Astre.
Paika-ikang umakyat si Savana sa hotel corridor.
Malabo na ang kanyang paningin dahil sa tama ng
alak. Huminto siya sa tapat ng Room 808.
“Dito... dito ang sabi ni Astre kanina,” nauutal
niyang sabi.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Madilim
sa loob, tanging ang liwanag lang mula sa labas ng
bintana ang nagbibigay ng anino sa isang lalaking
nakatayo malapit sa terrace, nakatalikod at tila
malalim ang iniisip.
“Sir... “ tawag ni Savana. Lumapit siya at mula sa
likod ay inipit nya ang kanyang labi. “Matagal ko na
'tong gustong sabihin. Kaya lang naman ako
nagtatrabaho sa kumpanya ay dahil sa 'yo. Ikaw
lang ang tinitignan ko... ikaw lang ang gusto ko.”
Inilabas niya ang sulat at isiningit sa palad ng lalaki.
“Para sa 'yo 'to. Mahal kita, Astre.”
Tumigil ang mundo ni Savana nang maramdaman
niyang humarap ang lalaki. Hindi ang masayahin at
malambot na mukha ni Astre ang tumambad sa
kanya. Sa halip, ang nag-aapoy at nasasaktang mga
mata ni Sett Monteverde ang bumungad sa kanya.
Follow me guys for more chapter and comment lang kayo kung gusto nyo pa kasunod.. salamat..