Balitang Klik

Balitang Klik We exist to share trusted information for public scrutiny.

Ang Balitang Klik ay isang pag-aambag para sa mapanuri, mapagbantay at patas na komunikasyon tungo sa reporma, kapayapaan at kaunlaran ng ating bansa.

Lacson gusto nang mag-resign bilang chairman ng Senate Blue Ribbon CommitteePara kay Lacson, maayos naman ang kanyang pa...
05/10/2025

Lacson gusto nang mag-resign bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee

Para kay Lacson, maayos naman ang kanyang paghawak sa komite ngunit sadyang may nangggugulo.

BASAHIN: https://balitangklik.com/?p=5098



Percy Lapid: Simbolo ng Laban para sa KatotohananAng kanyang mga komentaryo gabi-gabi sa “Lapid Fire” ay hindi lamang pa...
03/10/2025

Percy Lapid: Simbolo ng Laban para sa Katotohanan

Ang kanyang mga komentaryo gabi-gabi sa “Lapid Fire” ay hindi lamang pamamahayag, ito’y boses ng pagtutol laban sa sistemang kampante sa katahimikan sa gitna ng malawak at sistematikong katiwalian.

Pinatahimik si Percy dahil hindi siya kayang bilhin, takutin, o makasabwat sa takipan.

BASAHIN: https://balitangklik.com/?p=5095



Villar, Aguilar, Espi wanted sa estafaPinaghahanap ng mga awtoridad ang tatlong kasabwat ni dating Las Pinas-Muntinlupa ...
03/10/2025

Villar, Aguilar, Espi wanted sa estafa

Pinaghahanap ng mga awtoridad ang tatlong kasabwat ni dating Las Pinas-Muntinlupa DPWH Engineer Isabelo Baleros sa mga kasong estafa na sina Ferdinand A. Villar, Dennis Aguilar, at Tony Espi.

BASAHIN: https://balitangklik.com/?p=5092

📷: Si Las Piñas-Muntinlupa district engineer Isabelo Baleros matapos madakip sa mga kasong estafa.



BASAHIN: Tinutulan ng mga grupo mula sa civil society ang resolusyon ng Senado na nananawagan sa ICC na ilagay sa house ...
03/10/2025

BASAHIN: Tinutulan ng mga grupo mula sa civil society ang resolusyon ng Senado na nananawagan sa ICC na ilagay sa house arrest si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa kanila, ipinapakita ng hakbang na ito ang lawak ng impluwensiya ni Duterte, na umaabot maging sa mga senador.



03/10/2025

PANOORIN: Marcos, Duterte Walang Pinag-iba!

Ito ang sigaw ng mga estudyante at mga g**o mula sa Philippine Normal University na nakiisa sa Teachers Walkout on Teachers Day ngayong araw bilang pagtuligsa sa malawakan at sistematikong korapsyon at kapabayaan sa edukasyon ng pamahalaan.

🎥: The Torch Publications | FB




BASAHIN:  Mga Nagreklamo vs Almelor sa PTV, Binuweltahan?Naglabas ng memorandum si Senior Broadcast Specialist Dominic A...
03/10/2025

BASAHIN: Mga Nagreklamo vs Almelor sa PTV, Binuweltahan?

Naglabas ng memorandum si Senior Broadcast Specialist Dominic Almelor hinggil sa mga uupong anchor sa weekend newscast ng state-run People's Television Network Inc.

May ulat na natanggap ang Balitang Klik na ilan sa mga pumirma sa petisyon laban kay Almelor ay kanyang tinanggal bilang weekend anchor.

Hiniling sa petisyon ng mga empleyado ng News Department ng PTV na sibakin si Almerol dahil sa umano'y pagging "oppressive and notoriously undesirable."

Kaugnay nito, sinagot ni Jasmine Barrios, Officer-in-Charge ng News Division, ang memorandum ni Almelor at ipinabatid sa lahat na hindi ito maaaring ipatupad dahil kailangan niya pa itong repasuhin at wala niya itong basbas at ng network manager na si Malou Choa-Fagar.

"Please be informed that this personnel movement will be deferred pending the review of the proposal by the undersigned and approval of the Office of the Network General Manager."



BASAHIN: Inihain nina House Speaker Bojie Dy, Majority Leader Sandro Marcos, at Minority Leader Marcelino Libanan ang is...
03/10/2025

BASAHIN: Inihain nina House Speaker Bojie Dy, Majority Leader Sandro Marcos, at Minority Leader Marcelino Libanan ang isang resolusyon na nagpapahayag ng taos-pusong pakikiramay, malasakit, at matatag na pakikiisa ng Mababang Kapulungan sa mga biktima ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu.


03/10/2025
Anyare sa state media?Nagdurusa umano ang “welfare and mental health” ng mga empleyado sa News Department ng People’s Te...
03/10/2025

Anyare sa state media?

Nagdurusa umano ang “welfare and mental health” ng mga empleyado sa News Department ng People’s Television Network Inc. (PTNI).

Habang sa IBC-13, ay may ulat na “sapilitang pinagretiro” ang LAHAT ng mga empleyado at simula noong Setyembre 1, 2025 ay naging contract of service na lang sila.

Walang kibo si Presidential Communications Office (PCO) acting secretary Dave Gomez sa mga kaganapan sa state media na nasa ilalim ng kanyang pamamahala.

BASAHIN: https://balitangklik.com/?p=5089





Jinggoy Estrada 'di pa safe sa PDAF scamMakalipas ang mahigit isang dekada, hindi pa rin lusot si Sen. Jinggoy Estrada s...
02/10/2025

Jinggoy Estrada 'di pa safe sa PDAF scam

Makalipas ang mahigit isang dekada, hindi pa rin lusot si Sen. Jinggoy Estrada sa pagkakadawit sa pamosong Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Tinanggihan ng Sandiganbayan ang motion for reconsideration ni Estrada na layong ibasura ang mga kasong katiwalian kaugnay ng PDAF scam.

Ayon sa special fifth division ng anti-graft court, walang sapat na batayan upang baligtarin ang naunang desisyon nitong tanggihan ang demurrer to evidence ni Estrada.

Pinaninindigan ng hukuman na matagumpay na naipakita ng mga tagausig kung paanong ang PDAF ni Estrada ay sistematikong ibinulsa, hinati-hati sa mga akusado, at walang napunta sa mga sinasabing benepisyaryo.

Binanggit din ng korte ang ebidensiyang nagsasaad na umano’y tumanggap si Estrada ng kickback mula sa negosyanteng si Janet Lim Napoles.

Si Estrada, na dati nang kumuwestiyon sa kredibilidad ng daily disbursement reports ni Benhur Luy, ang whistleblower sa PDAF, ay nauna nang napawalang-sala sa kasong bribery dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Ang natitirang mga kaso ay kaugnay ng tinatayang ₱183 milyong kickback mula sa mga pekeng proyekto na isinagawa umano sa pakikipagsabwatan kay Napoles.



BASAHIN: Para kay Infra Comm Co-chair at Bicol Saro Partylist Terry Ridon walang ibang dapat sisihin si Baguio Mayor Ben...
02/10/2025

BASAHIN: Para kay Infra Comm Co-chair at Bicol Saro Partylist Terry Ridon walang ibang dapat sisihin si Baguio Mayor Benjie Magalong sa pag-exit sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) kundi ang kanyang sarili.

Ang pagkabigo aniya ni Magalong na isiwalat na ang St. Gerrard Construction Company — na pag-aari ng kilalang kontratista na si Pacifico “Curlee” Discaya — ang nagsagawa ng ₱110-milyong proyekto ng tennis court sa Baguio ay hindi nagpapakita ng tunay na paninindigan niya sa transparency, accountability, at mabuting pamamahala.

“It is the height of hypocrisy for a public official who styles himself as a champion of transparency, accountability, & good governance to reject public scrutiny of projects within his own local government," ani Ridon sa isang kalatas.




Bayan: Resolusyon ng Senado sa House Arrest ni Duterte, ‘Political Opportunism’“Habang isinasagawa ang malawakang imbest...
02/10/2025

Bayan: Resolusyon ng Senado sa House Arrest ni Duterte, ‘Political Opportunism’

“Habang isinasagawa ang malawakang imbestigasyon sa katiwalian sa imprastruktura, marami sa mga ito ay nag-ugat pa sa panahon ng panunungkulan ni Duterte, ang mga senador na sangkot sa iskandalo at ang mga arkitekto ng karahasang Tokhang ay tusong ginagamit ang pagkakakulong ni Duterte sa ICC upang makuha ang simpatiya sa mga maka-Duterte,” sabi ng Bayan sa isang kalatas.

“Malinaw ang kanilang layunin: guluhin ang opinyon ng publiko, patahimikin ang sigaw para sa katotohanan at hustisya, at takasan ang pananagutan,” dagdag ng grupo.

BASAHIN: https://balitangklik.com/?p=5085

📷: Karapatan | FB



Address

Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balitang Klik posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Balitang Klik:

Share

Ang Balitang Klik, may slogan na “Nangunguna sa Pag-iimbestiga” ay pagsusumikap ng isang grupo ng mga manunulat at indibidwal mula sa iba’t ibang sektor na pinagbigkis ng layunin na maghatid ng mga impormasyong maaaring pagkatiwalaan ng masa at gamiting gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay at diskurso.