BULGAR

BULGAR The Number 1 Daily Newspaper Tabloid in the Philippines (Nielsen and IPSOS media research) Favorite newspaper of the Filipino family.

21/09/2025

PANOORIN: Ito ang panawagan ng mga raliyista sa Mendiola, Manila ngayong Linggo, September 21.

Nagtipun-tipon ang mga raliyista bilang pagtutol sa katiwalian ng mga sangkot sa maanomalyang flood control projects sa bansa.

via BULGAR

Para sa iba pang balita, tumutok sa BULGAR: http://www.bulgaronline.com/


TINGNAN: Sinunog ng mga nagpoprotesta ang gulong ng isang container van na nagsilbing barikada sa bahagi ng Ayala Bridge...
21/09/2025

TINGNAN: Sinunog ng mga nagpoprotesta ang gulong ng isang container van na nagsilbing barikada sa bahagi ng Ayala Bridge, Maynila ngayong hapon, September 21.

Bukod dito, nagkaroon din ng komosyon sa lugar matapos hagisan ng mga raliyista ng bote, pintura, at bato ang mga pulis. Agad namang gumamit ng riot shields ang mga awtoridad para protektahan ang kanilang sarili sa mga tumatamang debris.

Samantala, nanatiling nakaantabay ang pulisya upang tiyaking makontrol ang sitwasyon sa lugar.

via BULGAR

Para sa iba pang balita, tumutok sa BULGAR: http://www.bulgaronline.com/


21/09/2025

‘KOMOSYON SA LUNETA’

PANOORIN: Tila naging isang debate tournament ang nangyari sa isang tagasuporta ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at isang raliyista sa Luneta Park ngayong Linggo, Setyembre 21.

via BULGAR

Para sa iba pang balita, tumutok sa BULGAR: http://www.bulgaronline.com/



‘IKAPITONG UTOS: HUWAG KANG MAGNAKAW’ TINGNAN: Tuluy-tuloy ang pagdating ng mga raliyista sa EDSA Shrine para magprotest...
21/09/2025

‘IKAPITONG UTOS: HUWAG KANG MAGNAKAW’

TINGNAN: Tuluy-tuloy ang pagdating ng mga raliyista sa EDSA Shrine para magprotesta laban sa korupsiyon sa bansa, at bilang pagsunod na rin sa Ikapitong Utos ng Diyos, ngayong Linggo, Setyembre 21.

via Dominic Santos / BULGAR

Para sa iba pang balita, tumutok sa BULGAR: http://www.bulgaronline.com/



‘NASA INYO ANG AKING BUONG SUPORTA’ Nagpahayag ng suporta si SB19 member Stell sa mga dumadalo sa anti-corruption protes...
21/09/2025

‘NASA INYO ANG AKING BUONG SUPORTA’

Nagpahayag ng suporta si SB19 member Stell sa mga dumadalo sa anti-corruption protest sa Luneta ngayong Linggo, September 21.

Sa isang post sa X, mensahe ng singer, “Mag-ingat po ang lahat ngayong araw. Wala man ako ngayon sa protesta, nasa inyo ang aking buong suporta!”

Bagama’t hindi siya personal na nakadalo, ipinakita ni Stell ang kanyang pakikiisa sa panawagan ng taumbayan laban sa katiwalian kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa bansa.

Para sa iba pang balita, tumutok sa BULGAR: http://www.bulgaronline.com/


‘LORD, IBIGAY MO NA ANG BDAY WISH NI KARA DAVID’ TINGNAN: Ito ang naging wish ng isang raliyista sa ‘Baha sa Luneta’ ral...
21/09/2025

‘LORD, IBIGAY MO NA ANG BDAY WISH NI KARA DAVID’

TINGNAN: Ito ang naging wish ng isang raliyista sa ‘Baha sa Luneta’ rally laban sa korupsiyon ngayong Linggo, Setyembre 21.

Sa wish ng Journalist na si Kara David, sinabi nito na “Wish? Sana mamatay lahat ng kurakot!”

via BULGAR

Para sa iba pang balita, tumutok sa BULGAR: http://www.bulgaronline.com/



“May namamatay dahil sa korupsiyon.” Ito ang matapang na pahayag ni drag artist Pura Luka Vega sa kanyang talumpati sa r...
21/09/2025

“May namamatay dahil sa korupsiyon.”

Ito ang matapang na pahayag ni drag artist Pura Luka Vega sa kanyang talumpati sa rally nitong Linggo, Setyembre 21, sa Luneta Park.

“Ang korupsiyon ay kumakain sa ating dangal, kaligtasan, at kinabukasan. Pero hindi tayo mananahimik, magkakaugnay ang ating pakikibaka,” aniya.

Ang kilos-protesta ay bunsod ng iniimbestigahang anomalya sa flood control projects sa bansa.

Bukod kay Pura, dumalo rin sa Luneta sina Elijah Canlas, Angel Aquino, Jodi Sta. Maria, at Maris Racal.

Para sa iba pang balita, tumutok sa BULGAR: http://www.bulgaronline.com/


21/09/2025

‘IBALIK N’YO ANG PERA NG TAUMBAYAN’

Nakiisa ang ilang TV personalities kabilang ang magkapatid na sina Anne at Jasmine Curtis, Vice Ganda, Donny Pangilinan, Darren Espanto,at Ion Perez sa “Trillion Peso March” na ginanap sa EDSA Shrine Quezon City, ngayong Linggo, September 21.

Kasama sila sa mga dumalo sa protesta laban sa katiwalian na bahagi ng Angat Bayanihan Volunteer Network.

via: Dominic Santos / BULGAR

Para sa iba pang balita, tumutok sa BULGAR: http://www.bulgaronline.com/


Dumalo ang award-winning actor na si Elijah Canlas sa malawakang rally kontra korupsiyon na ginanap sa Edsa People Power...
21/09/2025

Dumalo ang award-winning actor na si Elijah Canlas sa malawakang rally kontra korupsiyon na ginanap sa Edsa People Power Monument ngayong Linggo, Setyembre 21.

Sa kanyang talumpati, mariing nanawagan si Elijah ng pananagutan mula sa mga pulitiko, opisyal ng gobyerno, at contractors na dawit umano sa mga maanomalyang flood control projects.

“Lahat ng kasangkot dapat managot. Niloloko lang nila tayo, mga sinungaling sila, ang gagaling pa umarte mga best actor, hindi po ba? Kung ibalik n’yo na lang kaya ang pera ng taong bayan?” pahayag ng aktor.

Dagdag pa niya, “Karapatan natin ang maningil, humingi ng sagot. Huwag kayo matakot. Karapatan po natin ito lahat bilang taong bayan, bilang bawat isa sa atin ang nagbabayad ng buwis. Para ito sa susunod na henerasyon, at para sa henerasyon natin ngayon.”

Bukod sa “Trillion Peso March” sa EDSA, kasabay ding isinagawa ang isa pang kilos-protesta na “Baha sa Luneta” sa Luneta Park sa Maynila.

Para sa iba pang balita, tumutok sa BULGAR: http://www.bulgaronline.com/


‘LEILA, KIKO, BAM SA EDSA’TINGNAN: Present din sina Sens. Francis ‘Kiko’ Pangilinan at Bam Aquino kasama si ML Partylist...
21/09/2025

‘LEILA, KIKO, BAM SA EDSA’

TINGNAN: Present din sina Sens. Francis ‘Kiko’ Pangilinan at Bam Aquino kasama si ML Partylist Rep. Leila De Lima sa isinasagawang rally laban sa korupsiyon ngayong Linggo, Setyembre 21, sa EDSA Shrine.

Para sa iba pang balita, tumutok sa BULGAR: http://www.bulgaronline.com/



TINGNAN: Nakiisa rin si Cardinal Pablo Virgilio David sa paglalakad ng iba’t ibang religious sector mula sa Diocese of K...
21/09/2025

TINGNAN: Nakiisa rin si Cardinal Pablo Virgilio David sa paglalakad ng iba’t ibang religious sector mula sa Diocese of Kalookan patungo sa Monumento, Kalookan.

via Dominic Santos / BULGAR

Para sa iba pang balita, tumutok sa BULGAR: http://www.bulgaronline.com/



DPWH, MAY ‘GHOST’ FLOOD CONTROL PROJECTS NA, MAY ‘ASWANG’ CLASSROOMS PROJECTS PA Ibinulgar ni Sec. Sonny Angara ng Dept....
21/09/2025

DPWH, MAY ‘GHOST’ FLOOD CONTROL PROJECTS NA, MAY ‘ASWANG’ CLASSROOMS PROJECTS PA

Ibinulgar ni Sec. Sonny Angara ng Dept. of Education (DepEd) na kung may “ghost” flood control projects ay meron ding “aswang” classrooms projects ang DPWH dahil natuklasan daw niya na mahigit 1,000 silid-aralan sa buong bansa na tila pinamamahayan na ng mga aswang dahil hindi magamit na bukod sa substandard na, incomplete pa.

Grabe na talaga ang korupsiyon sa DPWH, kasi bukod sa “ghost” flood control projects, meron din pala silang raket na “aswang” classrooms projects.





Address

538 Quezon Avenue, QC
Quezon City
1100

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BULGAR posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to BULGAR:

Share

Category

About

bulgaronline.com