
14/07/2025
Dati, nag-iisip ako kung paano magkakaroon ng STAR. Akala ko kailangan ko pang mag-audition sa PBB o magpa-cute 😆 sa harap ng kamera araw-araw. 🤧
Ngayon, hindi ko inaasahan na darating ang panahon na uulanin na pala ako ng STARS, galing sa inyo.
Grabe kayo! Hindi lang basta suporta ang binibigay niyo, may pa-STARS pa!
Hindi ko alam kung deserve ko ba 'to o sadyang maganda lang talaga kayo magpadala 😆
Pero seryoso, sobrang salamat sa bawat STAR na pinapadala ninyo. Hindi lang ito virtual gift, kundi simbolo ng suporta, tiwala, at pagmamahal ninyo sa akin.
Sa bawat STAR na natatanggap ko, mas lumalalim ang inspirasyon ko na ipagpatuloy ang ginagawa ko, magpatawa, maghatid ng kwento, at magbigay saya sa inyo.
Hindi ko man kilala ang bawat isa sa inyo, pero ramdam ko kayo.
Salamat, mula sa puso. 🌟💛
Benjo Caacbay
Ka Gome
Ka Budol Vlog
Mary Joy Lopez Narvas
Honelyn Alison Noceja