Gate of Praise Quezon City

Gate of Praise Quezon City Born again Christians church
mission:

October 26,2025KRCI MINISTRY   Alegre St, Sta, Cruz Manila
26/10/2025

October 26,2025
KRCI MINISTRY
Alegre St, Sta, Cruz Manila

Youth service 🥰😍🥰 October 26,2025Salvation Mga Taga-Efeso 2:1-10 RTPV05[1] Noong una'y patay kayo dahil sa inyong mga pa...
26/10/2025

Youth service 🥰😍🥰 October 26,2025
Salvation
Mga Taga-Efeso 2:1-10 RTPV05
[1] Noong una'y patay kayo dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan. [2] Sinusunod ninyo noon ang masamang takbo ng mundong ito, at napailalim kayo sa prinsipe ng kasamaan, ang espiritung naghahari sa mga taong ayaw pasakop sa Diyos. [3] Ang totoo, tayong lahat ay dati ring namumuhay ayon sa ating laman, at sumusunod sa masamang hilig ng katawan at pag-iisip. Kaya't sa ating likas na kalagayan, kabilang tayo sa mga taong kinapopootan ng Diyos. [4] Subalit napakasagana ng habag ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin. [5] Tayo'y binuhay niyang kasama ni Cristo noong tayo'y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. Naligtas nga kayo dahil sa kanyang kagandahang-loob. [6] Dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus, tayo'y muling binuhay na kasama niya upang mamunong kasama niya sa kalangitan. [7] Ginawa niya ito upang sa darating na mga panahon ay maipakita niya ang di-masukat na kasaganaan ng kanyang kagandahang-loob, sa pag-ibig niya sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus. [8] Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; [9] hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman. [10] Sapagkat tayo'y nilalang ng Diyos; nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti. Iyan ang layuning pinili ng Diyos para sa atin noong una pa man.

Friday bible study ❤️ October 24,2025Lucas 16:19-31 RTPV05Totoo Ang Langit totoo din Ang impyerno!Kaya tiyakin natin Ang...
24/10/2025

Friday bible study ❤️ October 24,2025
Lucas 16:19-31 RTPV05
Totoo Ang Langit totoo din Ang impyerno!
Kaya tiyakin natin Ang kaligtasan natin ❤️ Dito pa lang sa lupa matitiyak na natin Ang kaligtasan natin.maniwala ka sa salita Ng Diyos dahil Ang salita Ng Diyos Ang hahatol Sa atin Kong di natin ito paniniwalaan.. Word of God is Powerful ..
[19] “May isang mayamang laging nagdaramit ng mamahalin at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. [20] May isa namang pulubing nagngangalang Lazaro na tadtad ng sugat sa katawan at nakahiga sa may pintuan ng mayaman [21] sa hangad na matapunan man lamang ng mga mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo'y nilalapitan siya ng mga a*o at dinidilaan ang kanyang mga sugat. [22] Namatay ang pulubi at siya'y dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham sa langit bilang isang parangal. Namatay rin ang mayaman at inilibing. [23] Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa daigdig ng mga patay, natanaw ng mayaman si Lazaro sa piling ni Abraham. [24] Kaya't sumigaw siya, ‘Amang Abraham, maawa po kayo sa akin. Utusan po ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at basain ang aking dila, dahil ako'y naghihirap sa apoy na ito.’ [25] Ngunit sumagot si Abraham, ‘Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay noong ikaw ay nasa lupa, at si Lazaro naman ay nagtiis ng kahirapan. Subalit ngayon ay maligaya siya rito samantalang ikaw nama'y nagdurusa riyan. [26] Bukod dito, may malaking bangin sa pagitan natin, kaya't ang mga naririto ay hindi makakapunta diyan at ang mga naririyan ay hindi makakapunta rito.’ [27] “Ngunit sinabi ng mayaman, ‘Kung gayon po, Amang Abraham, ipinapakiusap ko pong papuntahin na lamang ninyo si Lazaro sa bahay ng aking ama, [28] sa aking limang kapatid na lalaki. Suguin po ninyo siya upang sila'y bigyang-babala upang hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa.’ [29] Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Nasa kanila ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta; iyon ang kanilang sundin.’ [30] Sumagot ang mayaman, ‘Hindi po sapat ang mga iyon. Ngunit kung magpapakita sa kanila ang isang patay na muling nabuhay, magsisisi sila't tatalikuran ang kanilang mga kasalanan.’ [31] Sinabi naman sa kanya ni Abraham, ‘Kung ayaw nilang sundin ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin nila paniniwalaan kahit ang isang patay na muling nabuhay.’”

Bible study ❤️With Pastora Ananeth Ocbian
21/10/2025

Bible study ❤️
With Pastora Ananeth Ocbian

Address

Mc Arthur
Quezon City
1107

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gate of Praise Quezon City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share