Pitak ng Lakandupil - PNL

Pitak ng Lakandupil - PNL (Opisyal na Pamahayagan ng Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario)

Balita | PSDR, aarangkada tungo sa Division Schools Press Conference 2025‎‎‎Tagumpay ang mga mamamahayag ng Pitak ng Lak...
12/10/2025

Balita | PSDR, aarangkada tungo sa Division Schools Press Conference 2025


‎Tagumpay ang mga mamamahayag ng Pitak ng Lakandupil (PNL) at The Big Leap (TBL) sa ginanap na Division Enhancement Training & Press Conference sa School of St. Anthony noong ika-4 ng Oktubre, at National University Fairview noong ika-5 noong Oktubre.

‎Iginawad ang mga nagtagumpay sa indibidwal at pangkatang kategorya sa Mater Carmeli School nitong Oktubre 11, 2025.

‎Ipinamalas nila ang kanilang mga talento kalakip ng hirap na kanilang dinanas patungo sa kanilang mga pangarap.

‎Puno ng saya, takot, kaba, at luha ang mga naging emosyon ng bawat mamamahayag sa pag-aanunsyo kung sino ang aabante tungo sa Division Schools Press conference 2025 (DSPC 2025).


Indibidwal na Kategorya:

‎ Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita:
‎ Eliza Lorelie M. Borbe (Ikatlong Puwesto)

‎ Pagsulat ng Balita :
‎ Ellah G. Pahayahay (Ikalimang Puwesto)

‎ Pagkuha ng Larawan:
‎ Zyrren Matthew S. Eco (Ikawalong Puwesto)

‎ Pagsulat ng Agham :
‎ Zadie Alexa Soriano (Ikalabing apat na Puwesto)

‎ Mobile Journalism:
‎ Novie Seian Than F. Tonacao (Ikalabing limang Puwesto)

‎ Pagsulat ng Editoryal:
‎ Princess Nayur C. Roldan (Ikalabing anim na Puwesto)

‎ Pagsulat ng Kolum:
‎ Yohan Franchezka C. Literatus (Ikalabing pitong Puwesto)
‎ Honey Asia Denise L. Tomas (Ikalabing siyam na Puwesto)

‎ Pagsulat ng Isports:
‎ Isaac Josh A. Santiago (ikadalawampung Puwesto)

‎Pangkatang Kategorya:

‎Collaborative Desktop Publishing — Filipino

‎Pinakamahusay sa Pag-aanyo - Ikalimang Puwesto
‎Pinakamahusay sa Pahinang Isports - Ikalimang Puwesto
‎Pinakamahusay sa Pahinang Balita - Ikaapat na Puwesto

‎Radio Broadcasting — Filipino

‎Pinakamahusay sa Teknikal - Ikalimang Puwesto

𝘽𝘼𝙇𝙄𝙏𝘼 | Nang dahil sa masamang panahon dulot ng Habagat at Bagyong Nando, kinansela na ng Quezon City Disaster Risk Red...
22/09/2025

𝘽𝘼𝙇𝙄𝙏𝘼 | Nang dahil sa masamang panahon dulot ng Habagat at Bagyong Nando, kinansela na ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) ang lahat ng klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pampribadong paaralan sa Lungsod ng Quezon bukas, Ika-23 ng Setyembre.

Muli namang inilipat ang klase sa Alternative Distance Learning Modalities upang masigurado ang patuloy na daloy ng edukasyon at kaligtasan ng bawat mag-aaral.

Pinapayuhan ang lahat na maging maingat at manatili na lamang sa kanilang tahanan, at antabayanan ang mga anunsiyong darating.

𝐈𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢 : Alexa Soriano
𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐧𝐲𝐨 𝐧𝐢 : Jhomari Tamayo

Maligayang Araw ng mga Bayani! Sa mga bayaning inialay ang kanilang mga buhay sa bayang sinilangan. Ipinagdiriwang tuwin...
25/08/2025

Maligayang Araw ng mga Bayani!

Sa mga bayaning inialay ang kanilang mga buhay sa bayang sinilangan. Ipinagdiriwang tuwing ika - 25 Agosto upang kilalanin ang kanilang kagitingan, karangalan at katapangan na ipaglaban ang bansa sa mga manlulupig.

Ating mahalin at taos-pusong pasalamatan ang kanilang sakripisyo para makamit ang kalayaan ng bawat Pilipino.

"Ang buhay na inialay sa bayan ay buhay na hindi nasayang" - Emilio Jacinto

𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐧𝐲𝐨 𝐧𝐢 : Yohan Franchezka C. Literatus
𝐈𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢 : Novie Seian Than Tonacao
𝐊𝐚𝐫𝐭𝐮𝐧 𝐧𝐢: Najslah Datuma-as

Tagumpay mailap para sa DRHS   Patuloy na dinadale ng losing streak ang Doña Rosario High School matapos yumuko sa North...
19/08/2025

Tagumpay mailap para sa DRHS

Patuloy na dinadale ng losing streak ang Doña Rosario High School matapos yumuko sa North Fairview High School.

Muli mang nabigong sungkitin ng Paaralang Sekundarya, Doña Rosario ang unang panalo ay nagniningning parin ang small forward ng DRHS na si Floyd Jhared Pineda kontra North Fairview High School noong ika-10 ng Agosto sa Lagro High School para sa unang pagtatapat ng dalawa sa Quezon City Wide Basketball Schools Division Cup.

Bumulsa ng 22 puntos, apat na rebound at isang steal si Pineda ngunit hindi pa rin ito naging sapat upang tuluyang mapasakamay ang kanilang unang tagumpay para sa kanilang koponan.

Handog ng Office of the Vice Mayor Sports Development Office na si Gian Sotto ang palarong ito para sa paglinang ng mga kabataang atleta.

𝐈𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢 : Isaac Josh A. Santiago at Kayden Ely F. Cruz
𝐊𝐮𝐡𝐚 𝐧𝐢: Isaac Josh A. Santiago
𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐧𝐲𝐨 𝐧𝐢: Jhomari L. Tamayo

𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰, 𝐑𝐨𝐬𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧𝐬!EXAM SEASONS IS WAVING! 👋🏻     Handa ka na ba para sa paparating na pagsusulit? Kung hindi pa,...
19/08/2025

𝐌𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰, 𝐑𝐨𝐬𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧𝐬!

EXAM SEASONS IS WAVING! 👋🏻
Handa ka na ba para sa paparating na pagsusulit? Kung hindi pa, ito ang ilan sa mga paghahanda ang maaari mong gawin at dapat na dalhin sa araw na ito :

📋 PAPEL - Siguraduhing may dalang papel para hindi na manghingi sa katabi.
🖋️ BALLPEN - At syempre samahan mo na rin ng correction tape.
📑 MAGREVIEW - Aba, hilata gusto, review ayaw?
💤 SAPAT NA PAHINGA - Magpahinga para may lakas ka habang nagsasagot sa exam.
🙏🏻 PRAYERS - At syempre, 'wag kalimutan ang humingi ng gabay.
At GOODLUCK !

Mark your calendars, Rosarians! Dahil sa darating na 🗓️ Agosto 20 at 22 gaganapin ang pagsusulit . Kaya maghanda na para makapasa. Mataas na score sa exam cutie! 🧿

📍Laging tandaan na hindi basehan ang marka na iyong makukuha sa 'yong taglay na katalinuhan. Yakang-yaka mo 'yan!

𝐈𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢 : Amanda Jade Palcutilo
𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐧𝐲𝐨 𝐧𝐢 : Yohan Franchezka Literatus

𝗜𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧𝗦 | PSDR Tinabla, Sta. Lucia ang Umuna  Bigo mang makuha ang unang panalo sa unang laro, nagningning pa rin ang ca...
04/08/2025

𝗜𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧𝗦 | PSDR Tinabla, Sta. Lucia ang Umuna

Bigo mang makuha ang unang panalo sa unang laro, nagningning pa rin ang captain ball ng Doña Rosario High School na si Japeth Lagran kontra Sta. Lucia High School kahapon sa Leandro Locsin High School para sa unang bakbakan ng dalawa sa QC City-Wide Basketball Schools Division Cup.

Bagamat bumulsa ng 14 na puntos, 1 block at 1 assist si Lagran, hindi pa rin ito naging sapat upang maiuwi ang unang panalo sa paaralan.

Abangan ang susunod na arangkada ng Doña Rosario — handa at determinadong tubusin ang pagkatalo sa susunod na magiging kalaban.

𝐊𝐮𝐡𝐚 𝐧𝐢: Isaac Josh A. Santiago
𝐈𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢 : Kayden Ely Cruz
𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐧𝐲𝐨 𝐧𝐢: Jhomari L. Tamayo

Ang wikang ating kinilala at pinaglakihan—ito'y kumakatawan sa ating kultura at pagkakakilanlan. Ito ang kumukumpleto sa...
04/08/2025

Ang wikang ating kinilala at pinaglakihan—ito'y kumakatawan sa ating kultura at pagkakakilanlan. Ito ang kumukumpleto sa ating pagiging Filipino, hindi lamang sa salita, kundi pati na rin sa diwa’t puso.

Sa bawat pagbigkas ng ating mga salita, sumisimbolo ito sa kayamanan ng ating kasaysayan. Sa bawat titik na kasama nito, sumasalamin ang kagandahan ng ating wika. Ang wikang Filipino ay hindi lamang puro salita—ito'y kumakatawan din sa ating buhay.

Kaya’t ngayong buwan ng Agosto, ating ginugunita ang Buwan ng Wika — ang nagpakilala sa’tin kung sino at ano ang mga Filipino. Isa itong kayamanan, dahil sa wika, may pagkakaunawaan at pagkakaisa.

𝐊𝐚𝐩𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐏𝐮𝐛𝐦𝐚𝐭 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐤𝐚𝐲:
Yohan Franchezka C. Literatus
𝐊𝐚𝐫𝐭𝐮𝐧 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐤𝐚𝐲: Najslah D. Datuma-as

PSDR, Handa ng sakupin ang kampeonato Opisyal ng binuksan ang Quezon City-Wide Basketball Schools Division Cup 2025 na p...
15/07/2025

PSDR, Handa ng sakupin ang kampeonato

Opisyal ng binuksan ang Quezon City-Wide Basketball Schools Division Cup 2025 na pinangunahan ni Vice Mayor Gian Sotto sa Amoranto Sports Complex nitong Sabado.

Tinatayang limampung pampublikong paaralan ng Lungsod Quezon ang makikipagsagupaan sa palarong ito.

Handog ng Office of the Vice Mayor - Sports Development Office ang programang ito para sa paglinang ng galing ng mga kabataang atleta ng Lungsod Quezon.

Abangan ang unang arangkada ng ating manlalaro ngayong Linggo, Hulyo 19, 2025 na gaganapin sa Paaralang Sekundarya ng Lagro.

Kapsyon mula kay: Kayden Ely S. Cruz
Larawan mula kay: Isaac Josh A. Santiago
Pubmat mula kay: Jhomari L. Tamayo

𝑴𝒂𝒈𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈 𝑨𝒓𝒂𝒘, 𝑹𝒐𝒔𝒂𝒓𝒊𝒂𝒏𝒔!  Iniimbitahan namin kayo na sumali at makilahok sa Pamahayagang Filipino (Pitak ng Lakandupil...
06/07/2025

𝑴𝒂𝒈𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈 𝑨𝒓𝒂𝒘, 𝑹𝒐𝒔𝒂𝒓𝒊𝒂𝒏𝒔!

Iniimbitahan namin kayo na sumali at makilahok sa Pamahayagang Filipino (Pitak ng Lakandupil) bilang isang mamamahayag na walang kinikilingan at tapat sa sambayanan. Tuklasin ang mundo ng katotohanan at alamin ang mga isyung nakalantad. Halina’t maging isang kaJOURNey patungo sa tagumpay ng publikasyon ng Doña Rosario High School!

Pagsulat ng Balita: Toñacao, Novie

Pagsulat ng Lathalain: Palcutilo, Amanda

Pagsulat ng Kolum: Literatus, Yohan

Pagkuha ng Larawan: Eco, Zyrren

Pagsulat ng Agham: Soriano, Alexa

Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita: Samonte, Erika

Pagsulat ng Isports: Cruz, Kayden

Pagsulat ng Editoryal: Tamayo, Jhomari

Paglalarawang Tudling: Briones, Rob

Mobile Journalism: Toñacao, Novie

Pag-aanyo ng Dyaryo: Tamayo, Jhomari

Pagsasaradyo: Toñacao, Novie

𝐏𝐢𝐧𝐝𝐮𝐭𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐧𝐤:
https://forms.gle/7UrFohiW8hGgw4Bb8

𝐊𝐚𝐩𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐤𝐚𝐲: Novie Seian Than F. Toñacao
𝐏𝐮𝐛𝐦𝐚𝐭 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐤𝐚𝐲: Jhomari L. Tamayo

𝑷𝒂𝒈𝒃𝒂𝒕𝒊 𝑲𝒂𝑱𝒐𝒖𝒓𝒏𝒆𝒚!Panibagong yugto ng paglalakbay ang magbubukas para sa ating mga mamamahayag. Maligayang pagbati sa in...
15/06/2025

𝑷𝒂𝒈𝒃𝒂𝒕𝒊 𝑲𝒂𝑱𝒐𝒖𝒓𝒏𝒆𝒚!

Panibagong yugto ng paglalakbay ang magbubukas para sa ating mga mamamahayag. Maligayang pagbati sa inyong lahat mga kaJourney!

Patuloy ninyong iwagayway ang asul na bandera sa inyong susunod na pahina, baunin ang nakuhang karanasan at pinagsamahan sa inyong paglalakbay.

Bagamat magbabago ang landas na inyong tatahakin, mananatili kayong mahalagang bahagi ng Pitak ng Lakandupil — ang inyong pamana ay hindi kailanman mabubura ng panahon.

𝑲𝒂𝒑𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒌𝒂𝒚: Kayden Ely S. Cruz
𝑷𝒖𝒃𝒎𝒂𝒕 𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒌𝒂𝒚: Jhomari L. Tamayo

𝑀𝑎𝑙𝑖𝑔𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝐴𝑟𝑎𝑤 𝑛𝑔 𝐾𝑎𝑙𝑎𝑦𝑎𝑎𝑛! 🇵🇭Ngayon ay ipinagdiriwang ang ika-127 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas! Ating iwagayway ang p...
12/06/2025

𝑀𝑎𝑙𝑖𝑔𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝐴𝑟𝑎𝑤 𝑛𝑔 𝐾𝑎𝑙𝑎𝑦𝑎𝑎𝑛! 🇵🇭

Ngayon ay ipinagdiriwang ang ika-127 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas!

Ating iwagayway ang pambansang watawat ng Pilipinas na sumisimbolo ng sakripisyo at pagbibigay-buhay ng mga mahahalagang tao para sa kalayaan ng ating bansa.

Muli tayong magkaisa, mag sama-sama at magtulungan upang ating makamtan ang pagbabago at kaunlaran ng ating minamahal na bayan.

"Aling pag-ibig pa ang hihigit pa kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga. Wala." - Andrés Bonifacio

Kapsyon mula kay: Amanda Jade Palcutilo
Pubmat mula kay: Jhomari Tamayo

𝘼𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙂𝙇𝘼𝙇𝘼𝙆𝘽𝘼𝙔:  Sa loob ng dalawang dekada, naging sandigan ng pagpapahayag ng katotohanan ang papel at tinta ng pluma...
28/04/2025

𝘼𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙂𝙇𝘼𝙇𝘼𝙆𝘽𝘼𝙔: Sa loob ng dalawang dekada, naging sandigan ng pagpapahayag ng katotohanan ang papel at tinta ng pluma. Ngayon, ating tunghayan ang ika-21 lathala — isang makasaysayang yugto para sa Pitak ng Lakandupil, ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario.

Sa pagharap ng bagong curriculum, bumuo ng iba't ibang mga pangyayaring makabuluhan ang ating mahal na paaralan. Halina't tuklasin at maging bahagi ng makabagong kabanata mula sa tinig ng ating kapwa Rosarians!

𝙏𝙞𝙣𝙞𝙜 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣, 𝙝𝙖𝙩𝙞𝙙 𝙖𝙮 𝙠𝙖𝙩𝙤𝙩𝙤𝙝𝙖𝙣𝙖𝙣

Pindutin ang link:
https://issuu.com/pitaknglakandupil/docs/pitak_ng_lakandupil_t.p._2024-2025

Kapsyon mula kina: Ma. Nichole Castil at Abdul Wahab Arpha
Pubmat mula kay: Abdul Wahab Arpha

Address

P. Urduja
Quezon City
1123

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pitak ng Lakandupil - PNL posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Pitak ng Lakandupil - PNL:

Share