28/09/2023
Huwag pag-usapan ang hirap ng sitwasyon ng ibang tao, lalo na ang mga taong baon sa utang dahil umiikot ang mundo. Lahat tayo may bayaring pinaglalaanan. Magpasalamat ka na lang na wala ka sa sitwasyon nila ngayon at ipagdasal mo na sana hindi dumating ang panahon na ikaw na mismo ang susubok sa naranasan nila dahil baka hindi mo na kayanin. Binigyan sila ng mga pagsubok na yan, dahil alam ng Diyos na kaya nila, kaya wag mo silang hamakin at lalong ilugmok sa hirap ng sitwasyon. Hindi mo alam ang struggles nila. Hindi sa lahat ng oras meron ka at hindi sa lahat ng oras ay wala sila. Pana-panahon lang talaga. Kaya maging mabait ka at huwag magsalita sa likod ng mga tao tungkol sa kanilang sitwasyon dahil baka sa susunod ay ikaw din. Sa halip, pag-isipan ang pakikibaka ng iba at ipanalangin sila na makaraos Sila. ♥️
Ang mga gulong ay umiikot at ang buhay ay tumatakbo, tandaan iyan.
Kaya dapat maging pantay ka sa bawat isa.
Yun pinagdadaanan ko ngayon baka pagdaanan mo na din bukas🙏
Hindi araw araw malakas ka👌
salamat sa mga taong nakakaintindi at umiintindi
salamat sa mga taong nagbigay ng sagot,atensyon at pang unawa.
CCTO...
Basta kinakaya ko on my own and with God as of now. In the meantime, hirap-hirap muna kasi ganun talaga ang buhay, hindi permanente ang lahat.💪💪💪
Copy paste...