21/09/2025
IHANDOG NAG-IISANG BUHAY
Kinokondena namin ang corruption partikular ang sa Flood Control Projects kung kayat kami ay nakikipagtulungan sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastracture upang mapanagot ang may mga kasalanan.
Ang lahat ng eto ay kayang lutasin ng isang tahimik at mapayapang kilos protesta dahil umiiral pa ang hustisya sa Pilipinas wag po natin daanin sa dahas.
Makakamit natin ang inaasam na hustisya at makukulong lahat ng mga nangurakot sa kaban ng gobyerno.
Deserve ba namin ang yurak yurakan ang aming mga uniporme, pagmumurahin, hambalusin at saktan. Samantalang nagmementina lamang kami ng peace and order na naaayon sa saligang batas.
Hindi ba kami Pilipino na katulad nyo?
Masaya ba kayo na may nasaktan kayong pulis?
Kung nagbabayad kayo ng tax, ganun din kami;
Kung galit kayo sa corruption, ganun din kami;
Kung pinagnakawan kayo, ganun din kami;
Kung biktima kayo, ganun din kami;
Binabaha kayo, ganun din kami;
Nais nyo ba ng pagbabago, ganun din kami;
Gusto nyo bang makulong sila,ganun din kami;
Pilipino kayo, ganun din kami.
Hindi kami ang inyong kalaban kakampi nyo kami sa lahat ng oras.
Kudos sa mga tropang nadeploy hoooraaahh
PULIS KAMI NA TAOS PUSONG NAGSESERBISYO AT
"HANDANG IHANDOG NAG-IISANG BUHAY"
-Admin Mark Lucas