22/01/2026
"HINDI NATIN PALAGING OBLIGASYON NA IBIGAY SA IBA KUNG ANO ANG PINAKAHULING MERON TAYO NA MAGSASALBA SA ATIN KAPAG TAYO NAMAN ANG NANGAILANGAN"
Ang Huling Naitabi Mo Ay Hindi Palaging Para sa Iba.
Sa totoong buhay,
madalas tayong turuan na maging mabait, maging maunawain, maging handang tumulong, at tama naman iyon.
Pero may isang katotohanan na bihirang pag-usapan,
hindi obligasyon ang ibigay ang huling pera, huling lakas, o huling reserba natin para sa ibang tao.
Hindi ito pagiging madamot,
ito ay pagiging responsable sa sarili.
May mga taong palaging umaasa,
palaging nakikiusap na pagbigyan sila
na para bang sila lang ang nangangailangan,
palaging humihingi,
palaging kumakatok kapag gipit.
At dahil may mabuti tayong puso,
madalas tayo ang nagiging takbuhan.
Hangga't kaya, nagbibigay tayo,
hangga't may sobra, handa tayong umalalay.
Pero darating ang araw na mapapansin mong ang “sobrang” ibinibigay mo, unti-unting nagiging “huling laman mo na pala.”
At kapag naubos ka, sino ang sasaló sa’yo?
Sa reyalidad,
kapag ikaw ang napilayan, ikaw ang nalugmok, ikaw ang nawalan,
karamihan ay mananatiling tahimik o mawawala na parang bulabat wala kang maririnig sa kanila.
Makikinig sila sa kwento mo, oo.
Maaawa sila, minsan.
Pero bibihira ang tutulong sa’yo ng kasing tindi ng pagtulong na ibinigay mo sa kanila.
At hindi ito masama, ganito lang talaga ang takbo ng mundo.
Dahil ang bawat isa ay may
kani-kaniyang laban,
kani-kaniyang pasanin,
kani-kaniyang limitasyon
at higit sa lahat may kanya-kanyang hangganan.
Kaya mahalagang itabi ang "last resort mo" hindi dahil hindi ka marunong magmahal o magmalasakit sa iba,
kundi dahil may responsibilidad ka rin sa sarili mo. Ang perang para sa emergency ay hindi para maging solusyon sa paulit-ulit na kapabayaan ng iba.
Ang lakas na natitira sa’yo ay hindi para maubos sa mga taong hindi marunong magtulak ng sarili nilang buhay.
Ang oras at pagkakataon na kailangan mo sa sarili mong pag-angat ay hindi dapat ikawala mo para punan ang kakulangan ng iba.
Sa dulo,
ikaw at ikaw lang ang tunay na sasalo sa sarili mong pangangailangan.
Ikaw ang gagawa ng paraan para makatawid sa kagipitan.
Ikaw ang maghahanap ng solusyon kapag walang natira.
Ikaw ang magtatayo ulit sa sarili mong buhay kapag ito’y bumagsak.
📌 Ang Munting-Aral...
✅ Maging mabait, pero maging matalino.
✅ Tumulong, pero may hangganan.
✅ Magbigay, pero huwag hayaang ikaw ang maubos.
📌 Dahil ang tunay na pagmamahal,
sa iba man o sa sarili,
ay may kasamang pag-unawa sa tamang panahon para sumuporta, at tamang panahon para protektahan ang sarili.
Sa huli, ang pinakamahalagang tulong na maibibigay mo sa mundo ay ang sarili mong hindi bumagsak, hindi naubos, at nananatiling matatag sa lahat ng mga panahong dumarating lalo na sa kagipitan at pangangailangan.
Mabuhay tayo nang may pananampalataya sa itaas🙏☝️ ngunit mabuhay sa totoong nagaganap sa ating buhay.
Mata sa Langit, paa sa lupa
at manatiling Mapagpakumbaba.
✍️ FondaMotto
✅ FOLLOW FOR MORE
🚫 Strictly Please Do Not Copy-Paste
📌 Copyrighted Content is Under Intellectual Property Rights