
30/04/2025
19M Gradweyt, Pero Di Marunong Magbasa?!
Nakakalungkot pero totoo: Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), halos 19 milyong nagtapos ng junior at senior high school ngayong 2024 ang hindi marunong magbasa ng maayos. Oo, grumadweyt na sila pero reading comprehension? Wala. Parang pumasa lang para makausad, pero walang naiintindihan sa binabasa. Isipin mo, may diploma pero di kayang basahin ang kontrata ng trabaho, reseta ng gamot, o kahit simpleng instructions sa GCash.
Ang masaklap, hindi ito simpleng issue ng bata sa klase — sistema na ang sablay. Paulit-ulit na itong sinasabi ng mga teacher at education advocates: kulang sa reading programs, congested curriculum, at minsan, pumapasa kahit dapat remedial pa. Graduation ay naging parang participation trophy na lang.
Kaya tanong: Anong silbi ng diploma kung wala namang naintindihan? Dapat ba nating itigil ang pagdiwang sa moving up kung hindi talaga nagle-level up ang utak?
: Anong solusyon ang tingin mong kailangan – dagdag budget? Teacher training? O overhaul ng buong sistema?
, , , , , , ,