18/10/2023
CORONAVAC (SINOVAC)
ANO ANG DAPAT MONG BANGGITIN SA IYONG TAGAPAG-BAKUNA BAGO KA MABIGYAN NG COVID-19 VACCINE CORONAVAC (SINOVAC)?
Sabihin sa iyong tagapag-bakuna kung ikaw ay mayroong (1) anumang allergy, (2) karamdaman sa pagdudugo o kasalukuyang gumagamit ng blood thinners, (3) mga sintomas gaya ng lagnat, sipon, ubo, sore throat, atbp, sa nakaraang tatlong araw, (4) kasaysayan ng exposure sa isang nakumpirma o hinihinalang kaso ng COVID-19 sa nakaraang 90 araw, (5) Buntis o may planong mag-buntis, (6) Nagpapasuso, (7) Nakatanggap ng kahit anong bakuna sa nakaraang dalawa hanggang apat na linggo, (8) Mahina ang immune system o kasalukuyang gumagamit ng gamot na nakakaapekto sa immune system.
Depende sa resulta ng health screening ng iyong tagapag-bakuna, maaaring mapaliban ang iyong bakuna para sa ibang araw, o baka kakailanganin mo ng medical clearance bago mapayagang magpabakuna.
PAANO BINIBIGAY ANG COVID-19 VACCINE CORONAVAC (SINOVAC)?
Ang COVID-19 Vaccine CoronaVac ay ibibigay sa iyo bilang isang iniksyon sa kalamnan ng iyong itaas na braso. Ang bakuna ay ibibigay nang 2 dose na may agwat na 4 linggo sa pagitan ng bawat isa iniksyon. Kung nakatanggap ka ng isang dose ng COVID-19 Vaccine CoronaVac, dapat kang makatanggap ng pangalawang dose ng kaparehong bakuna pagkalipas nang 4 linggo upang makumpleto ang serye ng pagbabakuna.
Jessa