TFC News

TFC News Covering the Filipino community in Europe, Middle East, Asia, and North America

🎬   is now on its 4TH WEEK in US & Canada! 💖✨Still can’t get enough of the feels? Catch MarJo (Marvin Agustin & Jolina M...
13/03/2025

🎬 is now on its 4TH WEEK in US & Canada! 💖✨
Still can’t get enough of the feels? Catch MarJo (Marvin Agustin & Jolina Magdangal) back on the big screen, alongside Loisa Andalio & JK Labajo, in this hit film that’s making audiences laugh, cry, and fall in love all over again!

📅 NOW SHOWING – US, Canada, Guam & Saipan, Middle East, Australia, New Zealand & Singapore

🎟 See the full theater list & get your tickets here:
🇺🇸 USA: mytfc.com/theaters/Ex-Ex-Lovers-USA
🇨🇦 Canada: mytfc.com/theaters/Ex-Ex-Lovers-Canada
🇬🇺🇸🇦 Guam & Saipan: mytfc.com/theaters/Ex-Ex-Lovers-GU-SP
🇸🇬 Singapore: mytfc.com/theaters/Ex-Ex-Lovers-SG
🇦🇺 Australia: mytfc.com/theaters/Ex-Ex-Lovers-AU
🇳🇿 New Zealand: mytfc.com/theaters/Ex-Ex-Lovers-NZ
🇸🇦 Middle East: mytfc.com/theaters/Ex-Ex-Lovers-ME

Cornerstone Entertainment Project 8 Projects

Don’t miss out—watch it on the big screen while you still can! 🍿💖

03/02/2025

PANOORIN | May bagong business venture ang UK-based celebrity na si Bangs Garcia. And Ito? Silipin natin.

Abangan ang buong ulat sa ANC 24/7

Pista ng Sto. Niño 2025: Ipinagdiwang ng mga Pilipino sa Valencia, SpainIpinagdiwang ng mga Pinoy sa Valencia, Spain ang...
29/01/2025

Pista ng Sto. Niño 2025: Ipinagdiwang ng mga Pilipino sa Valencia, Spain

Ipinagdiwang ng mga Pinoy sa Valencia, Spain ang Pista ng Sto Niño, sa pangunguna ng Sto Niño de Cebu Personal Parish, sa pamamatnubay ng kanilang kura paroko na si Father Edgar Balboa dela Cruz. Ang selebrasyon ay kasabay ng Sinulog 2025 na patuloy sa layuning pagyamanin ang pananampalataya at pagkakaisa ng mga Pilipino.

Isinagawa ang misa sa tatlong wika:ngles, Tagalog, at Kastila at tampok naman ang mga kantang Cebuano mula sa koro. Nagkaroon ng tradisyonal na Sinulog dance bilang simbolo ng pasasalamat at debosyon kay Sto Niño. Kabilang din sa mga aktibidad ang pagbabasbas ng mga imahe ng Sto Niño at isang tradisyonal na salu-salo para sa lahat ng mga dumalo.

Kabilang sa mga tumulong sa pagtataguyod ng selebrasyon si Honorary Consul Manuel Carrion at ang kanyang maybahay. Dumalo rin ang iba't ibang asosasyon ng mga Pilipino tulad ng Samahang Pilipino sa Valencia, Sports Association, Ayuda Humanitaria, 3K, at Guardians. Naging panauhin din ang Cofradia ng San Cristobal, Hermandad ng Nuestra Señora de Desamparado, at Hermandad del Santisimo Cristo de la Concordia. Via | Sandra Sotelo-Aboy, TFC News, Barcelona

Photos by: Dennis Tanoc and Alma M. Daunesse

TINGNAN | Pagdiriwang ng 10 Taong Anibersaryo sa Makulay na KonsyertoBarcelona- Ipinagdiwang ng Grupo Kudyapi Choir ang ...
25/01/2025

TINGNAN | Pagdiriwang ng 10 Taong Anibersaryo sa Makulay na Konsyerto

Barcelona- Ipinagdiwang ng Grupo Kudyapi Choir ang kanilang ika-10 anibersaryo sa isang espesyal at makulay na konsyerto noong Enero 11 sa Liceu Conservatori. Ang grupo, na binubuo ng 42 miyembro, na may edad 6 hanggang 24, ay nagpakitang-gilas sa pamamagitan ng mga pagtatanghal na nagtatampok ng mga awitin mula sa kanilang nakaraang mga konsyerto at kompetisyon, kabilang din ang ilang Broadway songs, at Filipiniana-themed song at dance performances.

Nagpakita rin ng talento ang mga miyembro sa pamamagitan ng band performances. Kasama rin sa mga itinanghal ang "Kudyapi mommies," at mga pagtatanghal mula sa mga bagong miyembro ng grupo. Nagbigay rin ng espesyal na pagganap ang ilang alumni ng Kudyapi.

Itinatag noong 2004 bilang bahagi ng Iskwelang Pinoy ng Centro Filipino ni Sister Paulita Astillero, ang Kudyapi Choir ay patuloy na nagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng musika. Sa pamumuno nina Nats Sisma Villaluna, Arnel German Lamorena at Nieves Cabacungan, nakilala ang grupo sa kanilang natatanging talento sa pagkanta, pagsayaw, pag-arte, at pagtugtog ng mga instrumento tulad ng gitara, ukulele, at piano.

Bukod sa mga konsyerto at kompetisyon, regular silang panauhin sa mga mahahalagang okasyon sa Filipino community sa Espanya.

Sa loob ng sampung taon, naging bahagi ang Kudyapi ng mga prestihiyosong kompetisyon tulad ng 2017 Cançó Mediterrània Choir Competition (silver diploma), 2017 Canta al Mar Festival Internacional (bronze diploma), at 2018 Sing Berlin Choir Competition (silver diploma). Via | Sandra Sotelo Aby, TFC News Barcelona.

"Balik" Art Exhibit: Paglalakbay sa Makukulay na Alaala ng PilipinasBarcelona |  Matagumpay ang art exhibit na "Balik" n...
25/01/2025

"Balik" Art Exhibit: Paglalakbay sa Makukulay na Alaala ng Pilipinas

Barcelona | Matagumpay ang art exhibit na "Balik" ni Patricia Chipongian, tampok ang kanyang mga proyekto mula sa animation at illustration courses—ang ilustradong aklat na "Biyahe" at ang animated short film na "Bahay".
Ang "Biyahe" ay kwento ni Jane, isang Filipina immigrant na sumasalamin sa karanasan ng maraming Pilipino na naghahanap ng bagong buhay sa ibang bansa habang nagbabalik-tanaw sa mga alaala ng Pilipinas. Ang mga ilustrasyon ay nagsimula sa kulay asul, simbolo ng lungkot at pangungulila, ngunit nagiging mas makulay habang binabalikan ang kanyang mga alaala sa Pilipinas.

Sa "Bahay", ipinakita ang koneksyon ni Jane sa kanyang pinagmulan sa pamamagitan ng isang tawag ng kanyang ina.
“Sa pamamagitan ni Jane, layunin kong ipakita kung paano ang ating kultura ay nagbibigay ng pakiramdam ng ‘bahay’ kahit nasa malayo, na sumasalamin din sa aking sariling karanasan bilang isang anak ng diaspora,” ani Chipongian.

Itinampok din ang “Bihaye” sa isang event na inorganisa ng Universidad Autónoma de Madrid na tumalakay sa wikang Filipino, identidad, at sining ng Filipino diaspora sa Espanya.
Ayon kay Alex Javier, isang kabataang Filipino-Spanish: “Ang mga likha ni Patricia ay nagdala sa akin ng masasayang alaala ng Pilipinas, tulad ng pagbisita sa bahay ng aking lolo’t lola at pagsakay sa kalabaw.”

Ang "Balik" ay proyekto ng The Filipino Expat Magazine at Parroquia de la Inmaculada Concepcion y San Lorenzo Ruiz na naglalayong bigyang-pugay ang kulturang Filipino sa pamamagitan ng sining at kwento. Via | Sandra Sotelo Aboy, TFC News, Barcelona

22/01/2025

PANOORIN | PAGDIRIWANG NG 15 YEARS NG FEAST DAY STO. NINO DE CEBU 2025

Swansea- Sa ika-15 taon ng pagdiriwang ng “Feast Day Sto. Nino de Cebu 2025” sa Swansea, Wales noong January 19, 2025, binigyan ng blessing ni Archbishop George Stack ang mga imahen ng Sto. Nino, nagkaroon ng banal na misa at saka idinaos ang programa na puno ng kulay lalo sa mga sayaw para sa Sinulog na pinanguhanan ng Samahang Pilipino sa Wales. Nagpaunlak din ng kanta si The Voice Kids UK 2020 winner Justine Afante. Ilan lang sa mga panauhin sina Lord Mayor ng Swansea na si Cllr. Paxton Wood Williams at Ambassador Teodoro Locsin, Jr. Via | Jerms Mabalatan, TFC News, London.

Camerawork and Editing: Jerms Mabalatan

TINGNAN | Pasilip sa ilang eksena sa katatapos na “Feast Day Sto Nino de Cebu 2025” sa Swansea, Wales na pinangunahan ni...
21/01/2025

TINGNAN | Pasilip sa ilang eksena sa katatapos na “Feast Day Sto Nino de Cebu 2025” sa Swansea, Wales na pinangunahan ni Archbishop George Stack, Lord Mayor ng Swansea na si Cllr. Paxton Wood Williams at Ambassador Teodoro Locsin, Jr. Makulay ang kasuotan ng mga sumayaw ng Sinulog Dance at di rin nagpahuli ang mga Pinoy sa pagsuporta sa okasyon na nagsimula sa banal na misa. Via | Jerms Mabalatan, TFC News, London.

TINGNAN | Nagbuklod ang mga Pinoy sa Leeds para sa selebrasyon ng Feast of the Sto. Nino na ginanap noong Sabado, Januar...
20/01/2025

TINGNAN | Nagbuklod ang mga Pinoy sa Leeds para sa selebrasyon ng Feast of the Sto. Nino na ginanap noong Sabado, January 18. Isang malaking pagdiriwang ito sa mga Pinoy sa Leeds at karatig lugar.

Viva Pit Senyor!

Photo courtesy: Carol Murphy

TINGNAN:  Proyektong "One Toy, One Smile"nagpasaya sa mga Kabataan Barcelona - Nag-uumapaw ang saya at biyaya sa 1,100 b...
20/01/2025

TINGNAN: Proyektong "One Toy, One Smile"nagpasaya sa mga Kabataan

Barcelona - Nag-uumapaw ang saya at biyaya sa 1,100 bata noong ika-6 ng Enero, Pista ng Tatlong Hari, sa proyektong "One Toy, One Smile" na pinangunahan ng AGAPE Intercultural Association at Jesus Reigns Ministries (JRM) sa Raval District ng Barcelona.

Mula sa 500 benepisyaryo noong nakaraang taon, dumoble ang bilang ngayong 2025. Ang mga batang may edad 0-17 ay nakatanggap ng mga laruan, libro, damit, gamit pangkalusugan, at gamit pang-eskwela at pang-sports. Ang mga regalong ito ay nagdulot ng saya at pag-asa sa mga bata at kanilang pamilya.

Sa Espanya, ang Pista ng Tatlong Hari ang itinuturing na pangunahing araw ng pagbibigayan ng regalo. Tradisyonal itong ipinagdiriwang sa hapon ng ika-5 ng Enero, kung saan may parada ng Tatlong Hari. Sa pagtatapos nito, simbolikong ibinibigay ng alkalde ang susi ng mga tahanan ng bawat bata upang, sa kanilang paggising kinabukasan, matagpuan nila ang kanilang mga regalo sa loob kanilang bahay.

Sa pangungua ni Pastora Mavic Pitogo, ang proyektong ito ay nasa ika-apat na taon na. “It’s better to give than to receive. It’s our joy to see the face of every child. When they received their gifts, they jumped in happiness. We did our best to give gifts to 1,100 children, and thank God, walang batang naiwan na walang laruan,” pahayag niya.

Malaki ang pasasalamat ng mga magulang, tulad ng isang ina na nagbahagi ng kanyang karanasan: "Hindi niyo alam ang saya na naramdaman ng aking mga anak. Matapos ang kanilang pag-iyak noong mismong araw ng Pasko nang kami ay mapaalis sa aming tirahan, naramdaman ko ang kawalan ng kakayahang maibigay sa kanila kahit pagkain o regalo. Pero ngayon, sila ay nakangiti. Maraming salamat."

Via | Sandra Sotelo Aboy, TFC News, Barcelona

17/01/2025

Ayana Beatrice Poblete is the first Filipina to graduate with a Master of Arts in Musical Theatre from Leeds Conservatoire. Co-founder of AKA Theatre Company, she was part of the play “Songs for a New World,” staged at the National Centre for Early Music in York, England on 24-26 October 2024. She overcame the challenges of studying in the UK during the pandemic and is now building a performing arts career. Eavesdrop in the conversation with Europe, Middle East, and Africa News Bureau Chief Rose Eclarinal. (📹: Jerms Mabalatan)





Pelikulang Pinoy, namayagpag sa 12th Asian Film Fest sa Barcelona
17/01/2025

Pelikulang Pinoy, namayagpag sa 12th Asian Film Fest sa Barcelona

Tampok ang ilang pelikulang Pilipino sa ginanap na 12th Asian Film Festival sa Barcelona.

Libreng legal aid clinic para sa OFWs, isinagawa sa UAE
13/01/2025

Libreng legal aid clinic para sa OFWs, isinagawa sa UAE

Bahagi ang "Idulog mo kay Atorni" sa pagpapabuti ng serbisyo ng Migrant Workers Office sa Dubai para sa mga OFW.

Address

Quezon City

Website

http://mytfc.com/news

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TFC News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share