08/08/2025
๐๐ข๐๐๐๐ก ๐๐ข๐จ๐ฅ ๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ก๐ ๐ฑ๐ฌ๐ง๐ ๐๐ข๐จ๐ก๐๐๐ก๐ ๐๐ก๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ๐ฆ๐๐ฅ๐ฌ ๐ก๐ ๐จ๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ๐ฆ๐๐ง๐ฌ ๐ข๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ฃ๐๐ง๐จ๐๐ ๐๐๐๐ฃ ๐ฆ๐ฌ๐ฆ๐ง๐๐ ๐๐๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐๐๐ ๐ก๐
Reporter - MARICAR FAYPON
Umarangkada na ang pagdiriwang ng ika 50 Founding Anniversary ng The University of Perpetual Help System DALTA ( UPHSD) na kasabay angThe Golden Hour Celebration na ginanap o nag kick-off kahapon August 8,2025 alas 5:00 ng hapon.
Ipinakita ang mga naging legasiya, tagumpay at mga nagawa simula ng itatag ito noon taon 1975.
Nagsagawa ng grandparade na sinundan ng Cultural presentation, era dance at heartfelt rendition ng tagumpay ng lahat na alay sa limang dekadang tagumpay ng unibersidad.
Noon taon 1975 ng itinatag ang unibersidad binuksan ang pintuan ni Dr. Antonio Tamayo at ng kanyang maybahay nasi Dra. Daisy Tamayo at kaibigan nasi Ernesto Crisostomo na noon ay kilalang Perpetual Help College of Rizal na 50 nursing students at 135 schoolers .
Naging pangulo ng UPHSD si Dr. Anthony Jose Tamayo nitong taon 2010 at na napanatili ng paaralan ang kanilang commitment sa pag unlad at paghubog ng mga mag aaral upang maging matagumpay na academic achievers at board topnotchers bilang pagpapatunay ng good standard na inaalok ng unibersidad.
Nagtayo rin ang mga mag aaral ng ibat ibang stall, photo booth at bazaar na bahagi ss okasyon.
Ayon kay UPHSD Director Dr. Arnaldo De Guzman bukod sa naging matagumpay ang legasiya at adbokasiya ng pamilya Tamayo para sa paghuhubog ng kinabukasan ng mga mag aaral sa loob ng limang dekada... mas lalong pinalalakas ang sistema ng pagtuturo gamit ang makabagong teknolohiya para sa mga susunod pang henerasyon.