30/01/2026
Ako ang nag-aalaga kay Nova. May confirmed rabies case na kami dalawang buwan na ang nakalipas. Isang gabi, bandang alas-nueve, nakatakas siya. Halos hatinggabi na nang makita namin ulit siya. Sa mga oras na iyon, halos mabaliw na ako sa kaba at stress. Iniisip ko kung ilan ang nakagat niya, kung ilan ang napatay niya. Ngayon lang siya naging ganito.
Sanay si Nova na malaya. Labas-pa*ok siya ng bahay, palaging nasa kalsada, marunong umakyat at tumalon sa bakod. Ngayon lang siya nakulong at natali. Araw-araw, inuubos ko ang pasensya at lakas ko para sa kanya, pero ramdam ko na hangganan na rin ako.
Hirap na hirap na akong maghanap ng pera. Nanghihiram, nagra-raise ng funds, kahit anong paraan, basta lang hindi sila magutom. Kahit ako na ang nauubos.
May isang owner ng mga tuta na napatay ni Nova. Siya ang nagpahiram sa akin ng malaking metal chain. Hindi ko maipaliwanag ang hiya at bigat sa dibdib ko. Paulit-ulit akong humingi ng sorry at pasensya. Parang walang salitang sapat.
Nang makita ko si Nova, puro dugo ang bibig niya. Doon na ako lalong natakot. Iniisip ko kung ilan ang pupunta bukas para magreklamo. Ini-expect ko na iyon. Iniisip ko rin na baka paalisin kami sa tinitirhan namin.
Puma*ok na rin sa isip ko na patulugin na lang siya. Mahal ko ang buhay niya, pero mahalaga rin ang mga buhay na nawala dahil sa kanya. Hindi lang isa, marami. Iniisip ko ang sakit ng mga owner ng mga tuta. Ayokong kunsintihin ang ginawa niya.
Pero a*o lang din siya. Hindi niya kayang ipaliwanag ang nararamdaman niya. Hindi niya alam ang tama at mali tulad ng tao.
Ctto: Furry Chance