16/09/2026
NKTI Advisory
September 16, 2026 | PIO-2026-29
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
The National Kidney and Transplant Institute (NKTI) has taken note of a recent social media trend in which some personalities humorously suggest selling or giving up a kidney in exchange for gadgets, at times accompanied by edited or AI-generated images.
We understand that these posts are intended as humor and are not meant to encourage any unlawful act. Nevertheless, as the countryโs leading government institution for kidney care and transplantation, NKTI respectfully reminds the public that references to the sale of kidneys should be treated with care.
๐๐ข๐๐ง๐๐ฒ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐จ๐ญ๐ก๐๐ซ ๐ก๐ฎ๐ฆ๐๐ง ๐จ๐ซ๐ ๐๐ง๐ฌ ๐๐ซ๐ ๐ง๐๐ข๐ญ๐ก๐๐ซ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐จ๐๐ข๐ญ๐ข๐๐ฌ ๐ง๐จ๐ซ ๐๐จ๐ซ๐ฆ๐ฌ ๐จ๐ ๐ฉ๐๐ฒ๐ฆ๐๐ง๐ญ.
Even when made in jest, such posts may be misunderstood, particularly by young or vulnerable audiences. They may unintentionally spread misinformation, create the impression that organs can be legally bought or sold, and diminish the seriousness of the experiences of living donors, transplant recipients, and patients awaiting transplantation.
We encourage the public to exercise sensitivity and responsibility when posting or sharing similar content. Humor has influence, and with that influence comes an opportunity to promote accurate information and respect for the dignity of organ donors and recipients.
NKTI remains committed to promoting ethical and lawful organ donation and protecting the dignity, safety, and welfare of donors and recipients.
โ๐๐ซ๐ ๐๐ง ๐๐จ๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ข๐ฌ ๐ ๐ ๐ข๐๐ญ ๐จ๐ ๐ฅ๐ข๐๐ โ ๐ง๐จ๐ญ ๐ ๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ ๐จ๐ ๐ฉ๐๐ฒ๐ฆ๐๐ง๐ญ.โ
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Nabatid ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang isang kamakailang trend sa social media kung saan may ilang personalidad na pabirong nagsasabing ibebenta o ibibigay nila ang kanilang bato kapalit ng mga gadget. Ang ilan sa mga post na ito ay may kalakip pang mga larawang inedit o nilikha gamit ang artificial intelligence (AI).
Nauunawaan ng NKTI na ang mga naturang post ay ginawa bilang biro at hindi naglalayong hikayatin ang sinuman na gumawa ng labag sa batas. Gayunpaman, bilang pangunahing institusyon ng pamahalaan sa bansa na nakatuon sa pangangalaga sa bato at transplantasyon, magalang na ipinapaalala ng NKTI sa publiko na ang mga pahayag o biro tungkol sa pagbebenta ng bato ay dapat tratuhin nang may kaukulang pag-iingat at pananagutan, sapagkat maaari itong magdulot ng maling pagkaunawa tungkol sa donasyon at transplantasyon ng organ.
๐๐ง๐ ๐๐๐ญ๐จ ๐๐ญ ๐ข๐๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ง๐ ๐ค๐๐ญ๐๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐ญ๐๐จ ๐๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฅ ๐๐ญ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฆ๐๐๐๐ซ๐ข๐ง๐ ๐ ๐๐ฆ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐๐๐ฒ๐๐ ๐จ ๐ข๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐ข๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ฒ.
Kahit na ginawa lamang bilang biro, ang ganitong uri ng mensahe ay maaaring magbigay ng maling paguunawa, lalo na ng mga kabataan at iba pang maaaring madaling maimpluwensiyahan. Maaari rin itong magpalaganap ng maling impormasyon, magbigay ng maling impresyon na legal na maaaring bilhin o ibenta ang mga organ ng tao, at mabawasan ang pagpapahalaga sa mga karanasan at pinagdaraanan ng mga buhay na donor, mga pasyenteng sumailalim sa organ transplantation, at mga pasyenteng naghihintay na maoperahan.
Dahil dito, hinihikayat ng NKTI ang publiko na maging maingat, sensitibo, at responsable sa paggawa, pagpo-post, at pagbabahagi ng ganitong uri ng nilalaman. May impluwensiya ang pagpapatawa, at kaakibat ng impluwensiyang ito ang pagkakataong magbahagi ng wastong impormasyon at magtaguyod ng paggalang sa dignidad ng mga donor at mga pasyenteng naghihintay ng organ transplant.
Patuloy na naninindigan ang NKTI sa pagsusulong ng etikal at naaayon sa batas na donasyon ng organ, gayundin sa pangangalaga sa dignidad, kaligtasan, at kapakanan ng mga donor at transplant recipients.
โ๐๐ซ๐ ๐๐ง ๐๐จ๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ข๐ฌ ๐ ๐ ๐ข๐๐ญ ๐จ๐ ๐ฅ๐ข๐๐ โ ๐ง๐จ๐ญ ๐ ๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ ๐จ๐ ๐ฉ๐๐ฒ๐ฆ๐๐ง๐ญ.โ